"Jo-josh anong ginawa mo?"
Ramdam ko ang panginginig sa bawat salita ni Yam, hinugot ko ang kutsilyo na tinusok ko mismo sa ulo ng lalaki.
Lumingon ako sa gawi niya at binigyan siya ng ngiti sa labi.
"Pinatay ko lamang siya."
"Pero bakit jo-josh? May bahid na ng dumi ang kamay mo." Nanginginig niyang iniabot ang kamay ko at madiing tinanggal ang kustsilyong hawak ko.
"It doesn't matter anymore Yam. As long as your safe? Walang kaso ang ginawa ko."
Bumaling siya sakin, ang matang ipinapahiwatig niya ay nangungusap. Pinaparamdam sakin na natatakot siya.
"Shhh don't be scared Yam hindi ako makukulong."
"What if may nakakita sa ginawa mo?" Natataranta niyang sabi na siyang ikinatawa ko.
"Then i'll face the consequence, its okay Yam. Look at me. Just promise me one thing" aniya ko at mariing hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"What kind of promise?"
"Huwag mo sabihin ang nangyare sa kahit na sino." Madiing daing ko sa kaniya, lalo lamang lumaki ang gatla sa mukha niya at halata ang takot.
"No Josh! Alam mong palagi ako sa tama bumabase, at yung ginawa mo ay mali."
"Edi ipakukulong mo ako?"
Doon siya natahimik, nawala ang ngiti sa labi ko. At napalitan ito ng pagkadismaya dahil sa sinabi niya.
"No, its not like that but---"
"I'll accept the consequence if someone saw this" duro ko sa lalaki, "pero kung sayo manggagaling yung ginawa ko? Hindi ko kakayanin."
'Manghihina ata ako kung sakali man na mangyare iyon.'
...
But here I am at the jail, facing the consequence. Hindi ko lubos maisip na yung babaeng iningatan ko ay siya ang magiging dahilan ng pag kulong ko. I thought she keep her promise about what happened, niligtas ko lamang siya sa uncle niya na planong gahasain siya.
Pinatay ko rin ang Daddy niya dahil nalaman nito na hindi tunay na anak si Yam at anak sa ibang lalake ng Mommy niya, at balak siyang gahasain din. I always protect her for all the bad people that always surround her.
Pero hindi niya ako nagawang ipagtanggol sa kahit kanino. Sa panahong kailangan ko ang tulong niya? Doon niya pa ako pinagtabuyan sa kulungan.
"Nababagay ka lamang dito Josh!" Sigaw niya sakin habang nakaupo kame.
"Yeah you're right" sarkastikong anas ko
"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Uncle at Daddy!" Sigaw niya pa.
"Yes I am! Kaya nga ako nandito."
"At proud na proud ka pa sa lagay na yan?!" Daing niya at dinuro niya ang noo ko dahilan para tumalsik ako kahit konti, at doon ko siya libreng tinitigan.
"Oo Yam! Proud na proud akong naipagtanggol kita! Proud na proud akong napatay ko sila kase hindi nila nagawa yung balak nila sayo! At proud na proud ako dahil hanggang ngayon malaya kang gumalaw sa mundo na walang taong balak na patayin ang buhay mo!"
Doon siya natameme, pumatak ang luha at napatakip pa sa bunganga. Kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mukha, marahil hindi niya inaasahan na may lihim pala akong hindi sinasabi sa kaniya.
"I am the killer and you are the victim! Ako lang ang nag liligtas sayo. Pero pinakulong mo ako, ang sabi ko walang makalaalam non dahil para rin yun sayo Yam."
Marahan niyang iniabot ang kamay niya sa kamay ko pero iniiwas ko iyon, tsaka niya binaggit ang salitang gusto ko marinig noon pa man.
'I love you Josh!' Daing niya
"Ngayon mo lang na realize na mahal mo ako? Sign ba yan na sinasagot mo na'ko? Ang galing 'no? Manliligaw mo pa lamang ako pero handa akong pumatay ng tao huwag lang nila mapatay yung taong mahal ko."
May hagulgol na ang pag iyak niya, pumatak na rin ang luha ko dahil sa sakit na pinaparamdam niya.
"How pathetic I am" sabay buga ko ng hangin mula sa aking bibig, "leave me alone, huwag mo akong dadalawin kahit kailan. I don't want to see your face anymore! I want you to live happy without me."
"Josh I'm sorry please" pagmamakaawa niya pa pero umiwas na ako ng tingin.
"Kung sakali man na makatagpo ka ng katulad ko? Huwag mo agad husgahan ito. Dahil sa dulo nakikita ang tunay na pagkatao."
BINABASA MO ANG
Compilation of one shots story
Short StoryTo make a short stories is hard, that's why I considered these as my hard work! I hope y'all love this. Start: August 28, 2019 Walang ending!