" DEAF "

18 1 0
                                    

Simula pag kabata ko namulat na ako sa katotohanang walang pandinig si Mom pati, hindi naman na mahirap sa akin iyon dahil gamay ko na ang sign langguage para maintindihan ni Mom ang sasabihin ko. Pero hindi siya pipe, nakakapagsalita naman siya kahit papaano.

Kasalukuyan kaming nag ce-celebrate ng ika-15 anyos ko. Nandito kame sa Sea shore at marami ring nga tao, nag hihintay ng fire works. Kadalasan kase ganoon ang nangyayare dito. Kahit tatatlo nalang kami ni Mom and Jacob masaya parin ako dahil kasama ko sila sa araw na importante sa akin.

"Mom thankyou, masaya ako ngayon kahit tatlo lang tayo ng kapatid ko." Aniya ko sa kaniya na iginagalaw ang dalawang kamay para maintindihan niya.

"Lahat naman gagawin ko sa inyong mag kapatid." Sagot niya mula sa pag galaw lang din ng kamay.

"Halika na kumain na tayo." Anyaya niya sabay ngiti ng malapad, ginawaran ko lang siya ng ngiting may kasamang pag patak ng luha.

'I miss you Dad'

"Bakit?" Tanong ni Mom

"Nothing mama. Nothing at all." Asik ko nalang at kumain na nga kame ng payapa.

Nang matapos ako sa kinakain ko, nag pasya akong umalis sa pwesto namin at mag lakad lakad. At sa pag lalakad na ginawa ko, hindi ko inaasahan na makikita ko yung taong matagal ko ng gustong makita.

"Dad!!!"

Sobra ang pag pintig ng puso ko marahil masaya akong makita siya, isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Daddy ngunit ramdam ko yung pagka hindi noya gustong makita ako.

"What are you doing here?!" May inis pang tanong nito.

"Dad nandito ka lang pala, miss na miss na kita. Lalo na si Jacob!" Isang yakap ulit ang iginawad ko ngunit pinigilan na niya ako.

"Hindi kayo pwede rito, makikita kayo ni Jennifer" aniya ni Dad na siyang nag pagulo sa isip ko.

'Jennifer?'

'Yun yung babae...'

Isag patak na luha ang kumawala sa mata ko, ramdam ko narin ang paninikip ng dibdib ko dahil sa nalaman ko.

"Siya yung babaeng nakapili sayo sa Kapare who? Sa its showtime? Tama ako diba Dad?" Nag uunasahan na yung luha ko.

"Yes anak, siya nga huwag niyo na ako hanapin masaya na ako sa bago kong pamilya. May kambal kaming anak, pakiusap anak umalis kana dito bago ka pa niya makita."

Kitang kita ko ang takot sa mata ni Dad, may namumuo naring luha ito na siya lang lalong nag pasakit sa puso ko. Mabigat ang bawat pag takbo ko patungo kay Mommy, hindi ko na rin nagawang lingunin si Dad pero narinig ko pa siyang nag I love you sa babae niya.

'I really hate you Dad!'

"Mommy, mommy! I saw Daddy" nanginginig ang bawat pag galaw ko sa kamay ko para lang maintindihan ni Mommy ang sasabihin ko.

"What is it anak?" Nakangiti parin si Mom kahit ako ay umiiyak na.

"Nakita ko si Daddy, Mommy. He's with someone else, and I saw his happiness without us." Basang basa na yung pisngi ko sa kakapaliwanag pero si Mom nakangiti parin at prenteng hindi nasasaktan.

"10 years na akong iniwan ng Daddy mo anak. At ngayon tanggap ko na dahil meron naman na akong 'kayo' ng kapatid mo." Asik sakin ni Mom at hindi parin nawawala ang ngiti sa kaniyang mga mata.

"Bakit ka niya iniwan mommy? Bakit siya sumabak sa Kaparewho? Para lang palitan tayo? Hindi ka pa naman patay diba Mom?!" Sa bawat salitang ibinabanggit ko, pabilis din ng pabilis ang pag galaw ng kamay ko.

Hinawakan ng mahigpit ni Mommy ang kamay ko at hinawakan ang pisnge ko para matuyo ang luha ko.

'Sobrang sakit na pinagpalit kame ni Dad kahit alam niyang pwede pa niya kame balikan.'

"Iniwan ni Daddy si Mommy kase Binge si Mommy, hindi niya kayang manatili sa buhay ko na ganito ang pag katao ko. Masakit sa akin noong una dahil siya lang ang minahal ko sa buong pagkadalaga ko. "

Sa wakas, nakita ko rin ang luha sa mata ni Mom nailabas niya rin yung pain na pilit niyang ikinukulong sa bawat pag ngiti niya.

"Hindi ko matanggap na iyong kapansanan ko ang magiging dahilan para lang masira kaming dalawa, nabigo lang din ako dahil akala ko..." humito si Mom sa pag kekwento at pinahid ang luha niya. Ako prente lang nakikinig sa kinukwento niya.

"Akala ko tunay ang pag mamahal niya. Peke lamang pala ito dahil pag papakitang tao lang, dahil ang tunay na pag mamahal ay tanggap ang iyong kalooban. Lalong lalo na ang iyong panlabas na kaanyuan, kahit ano pa iyan."

Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko kay Mom, ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Hindi sa lahat ng pag kakataon ay swerte ka sa isang tao, kung minahal ka ng lubos nito sa una? Marahil hindi niya pa nakikita ang tunaý na pag katao mo. Sapagkat sa dulo nakikita ang bagay na kakaayawan niya saiyo, depende nalang kung tatanggapin niya ito ng buong puso.

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon