Behind the draft of my story... 2

13 1 0
                                    

Naramdaman ko ang pag patak ng isang luha sa mata ko, dahilan para idilat ko ito. At sa pag bukas nito, doon ko nalaman na nasa lugar ako kung saan nakita ko yung binata na nagngangalang Mike, nakapangalan ko.

Tinignan ko pa muna ang paligid at doon ko napagtantong naiwan ko yung taong mahal ko, sa mundo kung saan nasa peke ako. Kung saan gawa lang ako ng taong kapangalan ko.

"C-chyna, ma-maha-mahal ko" nanghihinang daing ko.

Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa isiping mag isa nga lang pala ako ngayon, naiwan ko nga pala yung taong iniingatan ko sa pekeng mundo na ginawa lang ako. Ramdam ko ang isang bagay sa palad ko.

'Ano ito?'

'Cellphone?'

Nanghihina kong iniangat ang kamay ko para masilayan ang nakasulat doon, pumikit pikit pa ako ng dalawang beses dahil hindi ko gusto yung nababasa ko.

"You may now kiss the bride"

Tumulo ang luha sa mata ko, sumakit din ang dibdib dahil sa pag kirot non, hindi ko kayang tanggapin ang nababasa ko. Hindi ko kayang ituloy, hindi ko kayang maramdaman na yung taong mahal ko ikakasal sa taong gumawa saakin.

"Bakit hindi nalang ako tuluyang namatay?" Hinaing ko sabay malakas kong sinuntok ang unan mula sa paanan ko.

"Bakit kailangan kong ipagpatuloy gayong ayoko naman na mamahalin ng taong mahal ko, yung taong kinagagalitan ko noon pa dahil sa pag gawa niya sa amin sa maling mundo?!"

Dalawa, tatlo. Hindi ko alam kung ilan ang sunod sunod na pag patak ng luha ang naramdaman ko sa mata ko. Hindi ko rin alam kung tumitibok pa ba yung puso ko sa sobrang sakit nito, hindi ko magawang maging masaya dahil sa nangyayare sa akin ngayon.

Sino bang hindi masasaktan sa isipin na yung taong pinili at ipinaglaban mo sa pekeng mundo, ay pakakasalanan na ng taong gumawa mismo sayo sa mundong iyon

"Akala ko kaya ko Chyna, akala ko kaya kong gawin ang storyang ikasasaya mo pero ikasasakit ng puso ko." Hinaing ko, madiin ko pang inihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Senyales na naguguluhan at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

'Itutuloy ko ba?'

'Paano nalang ako? Baka patuloy akong makulong sa sakit na ito'

"Para naman ito sa taong mahal mo."

Tumaas ang balahibo ko sa narinig ko.

"Sino iyan?" Tanong ko pa na para bang may kausap ako sa harap ko.

"Hindi ba't nangako ka naman sa kaniya Mike? Na itutuloy mo yung naudlot na istoryang meron siya ngayon? " Dag dag pa nito

'Chynaaa hindi ko kaya'

Kumunot ang noo ko, "Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan"

"Hindi mo talaga ako maiintindihan, mahal ko si Chyna, Mike. Ginawa ko ang story niyong dalawa para makalimot sa kaniya. Pero hindi ko kayang ituloy ang story niyo dahil kayo ang mag kakatuluyan."

Nang sabihin niya iyan tsaka ko lang sya nakita. Prente siyang nakaupo sa sofa na naron at nakatingin saakin na may lungkot sa mata.

"Labag saakin lahat ng kabanata niyong dalawa, sa tuwing sinusulat ko iyon wala akong 'saya' na nararamdaman. Para bang unti unti ko lang sinasaktan ang sarili ko." Makahulugang anas niya at kumawala pa ang isang butil ng luha.

"Sa tingin mo rin ba masaya ako M na ikaw na ang ikakasal sa taong pinaglaban ko sa storyang ginawa mo?" Inis na daing ko.

"Wala akong pake sa nararamdaman mo Mike, ang intesnyon ko ngayon ay kunin ang nararapat sa akin." Sagot niya na nag pasiklop sa kamao ko.

"Ano bang pinaglalaban mo M?! Nasisiyahan ka ba sa pinaparamdam mo saakin ngayon?" Tumulo nanaman ang luha ko, "ginawa mo kame ni Chyna sa storyang ikakikilala mo sa mundo, bakit kailangan mag dusa ako para lang tanggapin na ikaw na ang ikakasal sa taong mahal ko?!" Doon ako sumigaw, na may hinagpis saaking katawan.

"Ano nalang mangyayare saakin M? Gayong na saiyo na si Chyna?" Bumigat ang puso ko, nawalan ng lakas ang boses ko, tumulo ang luha ko at bumagsak din ang balikat ko.

"Ang tanging magagawa mo nalang Mike, ay suportahan ang storyang inumpisahan ko. Maging masaya para sa taong minahal mo noon, pero ako na ang mamahalin ngayon." Ngumiti pa muna ito saakin tsaka sya tuluyang nag laho.

"Chynaaaaaa Mahal kooooo!!! Hindi ko kayang maging kampante!!!!!" Sigaw ko sabay suntok nanaman sa unan.

"Hindi ko kayang ituloy sapagkat parang pinatay ko narin ang puso ko!!!" Nanlalabo na ang mata ko, hindi ko na alam ang isisigaw ko dahil nanghihina na ako.

"Hanggang ngayon mahal ko, wala akong magawa para sa ikasasaya ko sa piling mo." Bagsak ang balikat na naituon ko ang sarili sa cellphone na hawak ko, at nag flash doon ang salita na inaasahan ko noong nasa pekeng mundo pa ako.

"I love you Mike."

"Ituloy mo na Mike ang storyang hindi na ikaw ang pakakasalanan ko."

"Natatandaan mo ba? Nangako ka saakin na magiging masaya ako, nangako ka na itutuloy mo ito kahit hindi na ikaw ang pakakasalana ko."

"Tama ka ng iniisip Mike, gising ako non. Gising ako sa katotohanan na mawawala ka na sa piling ko, gising ako at kitang kita ko ang pag kawala ng presensya mo sa harap ko, at gising ako ng maramdaman ko ang huling halik mo sa labi ko."

Sunod sunod ang luha na naipatak ko sa mata ko, pahigpit din ng pahigpit ang lubid na nag mumula sa puso ko, dahilan para mahirapan ako himinga ngayon. Punong puno narin ang sakit ang mata ko. Nahihirapan ako.

"Kaya kahit masakit Mike, kahit takot, pipilitin kong aralin na mahalin si M para sayo. Para manatili ka sa mundong totoo, dahil kung papatayin mo siya sa storyang ito? Mamatay ka din, at hindi ko kayang nangyari iyon. Kaya hayaan mo Mike mag hihintay ako, mag hihintay ako hanggang sa mag kita tayo sa totoong mundo. Tiisin mo ang sakit dahil ganoon din ang gagawin ko. Maging masaya ka ngayon at hintayin mo ako."

"Mahal--- na--- mahal--- na--- mahal kita Mike."

'Chyna patay na ata ako, hindi ko na maramdaman ang puso ko kung tumitibok pa ba ito'

At ng mabasa ko ang huling nakita ko, ay kusa itong nawala at bumalik sa una kong nabasa, kung saan hahalikan na ni M si Chyna. Yung taong mahal na mahal ko

Doon ko hindi napigilan ang sarili ko at naibato ko ng todo ang cellphone na hawak ko, iyak ako ng iyak at sunod sunod lang na luha ang nararamdaman ko. Tanging alam ko lang ay nasasaktan ako at walang kwartong makakapagpagaling saakin dito.

"Wala akong magawa Chyna, kahit gusto kong ipaglaban ka ay hindi ko magawa. At ang tanging susi lang ay mag hintay, hanggang sa mag kita tayo at muling mag mahalan. Hindi na sa pekeng storyang gagawin ko, kundi sa totoong mundo kung saan ikaw at ako ang tunay na itinakda ng mundo."

Mskteen

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon