She made Revenge

9 0 0
                                    


"Hi Kc!" Bati sakin ng kaibigan kong si chloe, binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti at itinuon ulit ang sarili sa pag rereview.

"May quiz nanaman?" Bungad naman ni Justine sa likod ko, marahan niya pang tinapik ang balikat ko dahilan para lingunin ko siya.

"Nandyan na pala kayo" seryosong tugon ko.

"Alam mo na Kc ah! Kailangan matchy matchy tayo ng score dyan!" May kilig ang bawat salitang binabanggit ni Chloe saakin.

"Hindi naman siguro tayo hahayaan ni Kc na bumaba ang score natin" saad ni Justine.

"Pwede ba guys mag review kayo, wag kayo palaging umasa kay Kc! Bobo yan remember! Minsan na tayong bumagsak dahil sa kaniya." Singit naman ni Camila dahilan para matawa ako ng konti.

"Oo guys Hahahaha bobo ako, minsan ko na kayong binagsak." Sagad talaga ang ngiti ko habang nakatingin ako sa kanila.

"Psh! Basta kokopya kame sayo!"

"May tiwala kame na itataas mo kami kahit mababa score mo"

"Sige na nga kokopya narin ako!"

Nag simula na nga ang madugong quiz ni Maam Efifanio halos 100 plus ito kung mag pa quiz at ang pinakamadami ay 200. Sa kalagitnaan ng pag susulit namin ramdam ko ang bulungan sa pagitan ng mga kaibigan ko.

"Oy Kc sagot sa 22?" Anas ni Justine na nasa kanan ko

"Yung sa 88?" Kalabit naman ni Camila sa likod ko

"Eh yung sa 1 Kc?" Sambit naman ni Chloe na nasa kaliwa ko.

Sinenyasan ko sila isa isa, at ibinigay ko ang sagot sa kanila. Hanggang sa tumagal tagal nabibigay ko ang sagot sa mga tanong nila, pero hanggang sa---

"Ms Franches! And your friends! Go to the office now!" Sigaw ni Maam na siyang dahilan para matigilan lahat ng kaklase ko, tinitignan nila ako ng may panghuhusga. Kaya yumuko nalang ako dahil narin sa kahihiyan.

----

"Bakit kayo nag kokopyahan?" Tanong saamin ni Maam ng makapasok kame sa faculty nila.

"Maam! Hindi po ako nangongopya!." Tugon ni Justine at dinugtungan pa ni Chloe at Camila

Kita ko ang kunot noo ni maam dahilan para kabahan ako ng sobra.

"Ikaw Kc bakit ka nakikipagkopyahan sa kanila?"

'Bakit parang kasalanan ko? Bakit parang ako pa yung lumalabas na mali at ako pa nangopya'

"Maam hindi ho---" dedepensahan ko pa sana yung sarili ko ng bigla akong pinigilan ni Justine

"Nangongopya ka nga saakin! Hinihingi mo nga yung sagot sa 99 e!" Mariin niya akong pinagduldulan, gulat ko siyang tinitigan dahil diko expected na ako pa yung gagawin niyang masama.

"Oo maam! Nag tanong din po siya saakin about sa 60" mayabang na anas ni Chloe

"Tahimik nga lang po akong nag susulat e pero kinalabit pa ako ni Kc at tinatanong kung ano sagot sa 49" paliwanag naman ni Camila

Gusto kong ipagsigawan sa kanila na ang sasama nila! Tunay ko sila kung ituring pero binabasura lang pala nila ako, kung baga 'user' kung tatawagin! Hindi ko lubos maisip na ganito ang igaganti nila saakin sa lahat ng sakripisyo ko na pakopyahin sila sa lahat ng sulatin!

"Ms Franchesa, you're suspended for 20 days, sana sa pagbalik mo matuto ka na. Maling mag tanong sa kaklase ng sagot dahil lang di ka nakapag review"

'Tsk ako nga nag review para sa kanila e'

'Tsk magkita tayo after 20 days!'

---

"Good Morning Classmates!" Nakangiti kong bati sa kanila, halos lahat sa kanila ay hindi maipinta ang mga mukha meron kaseng nagulat, may pagkadismaya, may hindi rin gusto na bumalik ako sa klase.

"Care to welcome me again Classmate" ngiti ko ulit tugon, marahil nag tataka sila dahil ang lakas na nang confident ko dahil noon naman ay mahiyain ako.

Kaniya kaniyang bati saakin ng mga kaklase ko, kaniya kaniya silang tanong ano ginawa ko sa loob ng 20 days.

'Nag review lang naman ako mga gago!'

"Sit down class! Get one whole sheet of yellow paper, write your name and section. We're having a quiz right now"

Alam ko sa sarili ko na may maisasagot ako dahil nag review talaga ako. Humihingi kase ako ng palihim ng lesson plan kay maam kaya naman nakakapag review ako sa 20 days na iyon.

Nakangiti akong umupo sa upuan namin ng mga kaibigan ko, silang tatlo ay sinalubong pa ako ng yakap at panay ang welcome saakin.

'Tsk ganito pala ang ugali ng mga plastik, ganito rin pala sila kung lumingkis! Ang lagit sarap maligo ulit!'

Muli ay nasa likod ko si Chloe, sa kanan si Justine at sa kaliwa si Camila. Nag simula na nga si maam, todo ngiti lang ako dahil natatawa ako sa tatlo kong kaibigan na nag mamakaawa saakin.

Pero dahil mabait ako, binigyan ko sila ng kodigo. Muli ay natapos ang quiz at inanunsyo ang score. Hindi mapawi ang ngiti kong malademonyo dahil alam kong nagwagi ako.

"Justine your score is 0, even you Chloe and Camila. What happened?" Tanong ni maam.

Yung tatlo ay kaniya kaniyang tingin saakin na may kunot ang noo, ngumiti lang ako sa kanila na nakataas ang kilay.

'People change mga tukmol!'

"Maam! Nag review kame paanong wala kaming score?" Depensa ni Chloe

"Yes maam paanong nangyare?" Anas ni Justine

"Tsk! Maam binigyan kami ng kodigo ni Kc!" Halata ang ugat mula sa leeg ni Camila na siyang ikinatawa ko ng sobra, malakas ang loob kong tumayo at humarap sa lahat.

"Wala akong kodigong binibigay" nakabalatay parin sakin ang ngiti.

"Anong wala eh meron ka ngang binigay!" Sigaw ni Justine at halata sa kaniya ang gulat marahil sa sinabi ko.

"Kung meron nasaan?"

Kinalikot nilang tatlo ang mga bulsa nila pero walang nakuha, kahit sa bag nila ay hinaluglog nila ay wala rin.

'Napilas ko na mga tanga'

"Huwag niyong pag bintangan si Kc! Perfect ang score niya, she got a higher score! Pumunta kayong tatlo sa office ko! Parurusahan ko kayo" anas ni maam na ikinangiti ko.

"Welcome to the hell bitch!" Anas ko sa kanilang tatlo pero sa mahina na tono at sa paraan na alam kong maaasar sila ng todo.

"Psh! Pag sisisihan mo 'to Kc!" Susunggaban sana ako ni Justine pero inawat siya ng mga kaklass ko.

"What now Justine? Tinuring niyo kong basura sa circle of friends niyo! At worst naging user pa ako sa inyo! Dapat nga mag pasalamat ka?! Because I am the reason why your here. Ako ang taga salo ng test niyong tatlo tapos eto igaganti niyo?! Dapat nga sainyo tinatanggal dito!" Lahat ng kaklase ko ay nagulat marahil ang dating mahiyain ay ngayon ay matapang ng humaharap sa kalaban.

"Hindi pa tayo tapos!" Sagot pa niya.

"Tsk! Tinatapos ko na, ayokong magpakaalipin uli sa inyo."

Nang makalabas silang tatlo, ay masaya kong nilingon ang mga kaklase ko na may gulat parin sa mukha.

"Who wants to be my new friend?" At walang umimik sa tanong ko.

'Tsk ang saya wala talagang gustong maging kaibigan ako! Punyeta!'

Mskteen

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon