" PRANK NI CRUSH "

16 2 0
                                    

"Joice! Anong ginagawa mo dito?"

Kita ko ang gulat kay Zech at halos taranta niyang tinatakpan yung katawan nung babae sa likod niya.

"Pipili ka na nga lang ng lugar na pag tatalikan niyo, dito pa sa likod ng punong mangga na ito?" Turo ko sa punong mangga.

"Jo-joice I'm asking you."

"What Zech? Bakit natutuliro ka? Bakit natataranta yang boses mo? Cam'on! I already know!"

Pinapalakas ko yung bawat pag hinga ko, ang bawat salitang inilalabas ng bibig ko ay alam kong pinagiisipan ko.

'Medyo ang lakas ko banda dito'

"Joice please huwag kang mag eskandalo." Asik niya na siyang naging dahilan ng pag tawa ko.

"Really Zech? Ha! Ako pa talaga?"

"Please mag usap tayo sa ibang lugar. Paalisin ko lang si Lia, just please huwag dito."

"Tinutulungan ko na nga kayo dahil makikita kayo ng tao! Kahit sabihin mong hating gabi na Zech? May naglalakad parin dito. Ang yaman yaman mo pero hindi mo inilalagay sa tamang kama yang babae mo?!"

Ang sarap niyang sapak sapakin sa kaniyang mukha, pero pinipigilan ko lang dahil ayokong mag mukha akong desperada sa kaniya.

'I can endure the pain Zech, i can.'

"Lia, go. I'm sorry bukas ako mag papaliwanag." Aniya sa babae niya.

'Psh sarap kaladkarin!'

'Sarap niya ring bombahin'

Dahan dahan ngang umalis si Lia sa presensya naming dalawa, ang kaninang paningin ko kay Lia sa papalayo niyang bulto ay napunta na kay Zech na seryosong nakatingin sakin. At parang pagalit pang gumagalaw ang panga nito.

"What now Zech? What are you planning about her?"

"Thank you Joice." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko mapaliwanag kung bakit niya iyon sinabi sa gitna ng ganitong pagkikita ko sa kanila.

"Thank you saan?"

"Dahil sayo, natagpuan ko yung tama."

Sumukip ata ng sobrang higpit yung puso ko, hindi ko alam pero parang wala ng handang kumawalang hininga sa bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Tamang ano?"

"Tamang tao." Seryoso niya akong tinitigan at hindi ko alam kung maniniwala ba ako don.

"Ano bang sinasabi mo? Anong tamang tao? Sino? Si lia ba?"

Nababaliw na ata ako at sinunod sunod ko ang tanong sa kaniya.

Umiling siya sabay tumawa "its a prank Joice, kasabwat ko si Lia para gawin 'to, para makita ko yung reaction mo."

'Fudge!'

'Arghhhhh bakit siya ganiyan?!'

"Hindi porke crush kita Zech ay gaganituhin mo na ang damdamin ko!!" Asik ko sa kaniya at nag peke peke pakong iyak.

"Come here, let me tell you something."

Dahan dahan akong pumatianod sa kaniya, nahihiya rin kase ako sa inaasta niya ngayon.

"Natatandaan mo ba yung nag 3 points ako sa basketball?" Bulong na tanong niya sa tenga ko, iniyuko ko lang ang ulo ko bilang pag sang ayon.

"Narinig ko yung palahaw mo, sinisigaw mo yung pangalan mo na may apilyedo ko."

Argh! Natandaan pa niya yon? Yun yung pang 50 days kong pag kakacrush sa kaniya. Akala ko wala siyang pake that time.

"Oh ano naman ngayon kung narinig mo?" Asik ko

"I like you too Mrs Joice Trix Rubio" malambing ang bawat bigkas niya ng ibinulong niya iyon.

"A-ano b-bang sinasabi mo Zech?" Nauutal kong baling sa kaniya at balak ko na sanang umalis sa harapan niya, pero hinatak niya ako dahilan para mapayakap ako sa dibdib niya.

"Wala ka ng kawala Joice, kapag nag mahal ang isang Zechario Rubio? You'll never get rid of the puzzle you have entered" awtoridad niyang baling sakin na siya lang na ikinatanga ko.

Kung hindi lang talaga kita crush? Sinipa ko yung alaga at itlog mo! Arghhh!!! Pero kinikilig ako mga beks.

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon