💋 Ulan 💋

15 0 0
                                    

Wala bang pause na pwede kong pindutin para sa pagtigil ng Ulan? Para siyang nararamdaman ko ngayon na wala ng katapusan. Kusa nalang bumabagsak ang sakit dahil di na mapigilan at punong puno na, gusto mag bawas ngunit di naman mabawasan. Para bang kahit anong buhos ko sa sakit na nararamdaman ko unti unti lang din nadadagdagan.

"Lalaban pa ba ko? Kung alam ko naman na sa dulo nito ako yung dehado?" Mahinang daing ko sa sarili ko habang nakatunganga sa bintana at pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan.

"Raynie kanina kapa hinihintay ni Rico sa baba hindi mo manlang ba bababain iyon? Sayang ang effort ng tao" Aniya ni mama sa labas ng kwarto ko.

"5minutes mama" sagot ko at pinunasan ang luha ko.

Nandito nanaman siya para humingi ng patawad sa nagawa niyang pambabae, hindi alam nila mama ang ginagawang pananakit saakin ni Rico dahil mas gusto kong kimkimin. Mas napapanatag ako kapag ako lang ang nakakaalam ng sakit nito.

Lumabas na nga ako at nakita ko siyang naka upo sa sofa at... At kasama niya yung babae niya... Si Nicole

"So anong maipaglilingkod ko?"

"Nandito ako Raynie para sana sabihin na wag mo na ako guluhin masaya na ako sa piling ni Nicole"

Pinakiramdaman ko yung sarili ko, at alam kong nasasaktan ako hindi ko nagugustuhan yung mga sinasabi niya ngayon.

"Lumabas kana! Ang kapal ng mukha mong pumunta sa bahay ko para lang ipaalam na 'wag ko kayong guguluhin dahil masaya kana sa kaniya? Hindi mo manlang ginalang panandalian yung mararamdaman ko?! Ang kapal kapal ng mukha mo!" Asik ko sa kaniya at halata na saakin ang galit.

Nagpuntahan sila mama, papa, ate at kuya sa gawi ko.

"Anong nangyayare bakit sumisigaw ka Raynie?" Tanong sakin ni mama, pero hinarap ko lang siya ng may lungkot at may luhang bumubuhos sa mata ko.

"Anong ginawa mo sa anak ko?" Asik ni papa

"Wala papa mama, masaya lang po ako sa ibinalita nila." Sagot ko at umalis na don umakyat sa kwarto at nagiiiyak. Dinadamdam ang sakit sa bawat pagbuhos ng ulan lalo na ang luha.

Makalipas lamang ang ilang araw ay nabalitan ko ang nangyare kay Nicole at Rico. Naghiwalay na sila, saakin tumakbo si Rico at humihingi ito ng tulong. Tulungan ko daw siyang maka move on kay Nicole, ako naman itong si Tanga ay sumunod ako.

Ramdam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa ako. Kahit anong gawin kong kalimot hindi nabubura kusang bumabalik na para bang ulan, bubuhos tapos madadagdagan nanaman. Paulit ulit lang wala ng katapusan.

Pinaramdam ko sa kaniya na hindi siya nagkamali ng pinili ng hiningian ng tulong. Ipinakita ko sa kaniya na mahalaga siya at hindi dapat siya ginaganon. Nag pakamartyr ako sa mga ginagawa ko for him. Kinalimutan ko panandalian yung sakit ko para lang mawala yung sakit na nararamdaman niya.

Pinapakita ko sa kaniya na mas deserve ako doon sa babae niya. Pinaramdam ko na sana ako nalang, sana hindi nalang niya ako pinagpalit. Gusto kong maramdaman niya na mali ang pinili niyang babae at ako ang tama.

Nag effort ako ng nag effort, sinasamahan ko siya sa kalokohan
Sa tuwing pinaguusapan namin si Nicole tinatawanan ko lang siya pero siya nasasaktan. Nawawala yung saya na pinaramdam ko panandalian, sa paraang iyon nasasaktan ako. Hindi parin pala ako yung mas lamang sa kaniya ngayon.

Nagtuloy tuloy ang pagpapanggap ko na wala na akong nararamdaman hanggang sa nalaman ko isang araw sila na ulit ni Nicole. Bi'nlocked niya ako sa fb at sa kahit saan. Sinasabi ko na nga ba ako lang din ang magiging dehado.

Pinaramdam nanaman niya saakin na di ako importante, lugmok na lugmok nako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi na maganda sa kalusugan ko yung ganitong sakit na minsan ko lang naman maramdaman. Nagmamahal lang naman ako pero bakit kasalanan ko pa na ako yung mali.

"Hindi magandang iniiyakan mo yung taong ilang beses kang niloko" biglang singit ng boses na lalaki.

Nasa park kase ako ngayon at doon ko ibunuhos ang sakit na nararamdaman ko.

"Sino ka naman" maramdaming sagot ko

"Kidman for short Kid nalang tutal mukha naman daw akong bata"

Doon ko iniangat ang ulo ko, mukha nga siyang bata. Napakababy face ng mukha niya, ang ganda ng hugis ng mata at ilong pati na ang mukha.

"Nawala na ba ang sakit na nararamdaman mo? Ang galing talaga ng mukha ko. Pain reliever" mahinang aniya niya kaya natawa ako.

"Ayan napatawa na kita" daing niya kaya pinunasan ko na ang luha ko at tinitigan siya.

"Bakit ka nandito?"

"Umiiyak ka kase," sagot niya at tumingin sa langit at bumaling ulit sa akin "tignan mo ang ulap napaka lungkot niya. Sumasabay siya sa lungkot na nararamdaman mo ngayon." Sagot niya

"Alam niya kase kung ilang bases na akong nasaktan sa iisang tao"

"Pwedeng pwede ka naman humindi sa kaniya pero mas pinili mo ang kagustuhan na mapasaya mo siya" makahulugang asik niya

"What do you mean?"

"Sinusundan kita. At alam ko na sa kada uuwe ka ng bahay mo doon mo lang iniiyak ang sakit na nararamdaman mo sa taong mahal mo, na alam mo naman na kahit kailan hindi susuklian ang pagmamahal mo."

"Pero bakit?"

"Kung ang taong mahal mo hindi makita ang halaga mo? Ako mismong nasa harap mo ay kita kita ko." Sagot niya at pinakatitigan ako.

Sa puntong iyon doon ako nahimasmasan, nalaman ang mga bagay bagay na hindi ko nalaman kailanman. Narinig ang mga salita na pilit kong di pinapakinggan, oo nga naman bakit nakalimutan ko ang kahalagahan ko sa sarili ko? Bakit mas pinili kong palakasin ang ibang tao bago ako?

"Nandito ka ba para sabihin yan?"

"Hindi, nandito ako para iparealize sayo na, You need to learn how to Love yourself more before others." Sagot nito at natulala ako.

"Mas mapapanatag ako kung mas uunahin mo ang sarili mo bago ka sumabak ulit sa ibang tao. Mas unahin mong kilalanin ang sarili mo bago mo trabahuhin ang kakayahan ng ibang tao. Alamin mo ang halaga mo bago mo mas pahalagahan ang taong mamahalin mo." Kusang tumulo ang luha ko, kasabay non ay ang sunod sunod na pagbuhos ng ulan.

And at the very moment I realized how stupid I am... Is this really me? Pinaglalaban ko ang taong kailanman hindi ako kayang ipaglaban? Doon ko lang din na realize kung gaano ako kahalaga sa ibang tao. Samantalang ako pinahahalagahan ko yung maling tao.

"Halika ipakita natin sa ulan na masaya ka na ngayon at kailangan mo na silang tangapin sa tuwing bubuhos ito sayo. Mismo sa mata mo, mas masarap mabuhay kung tanggap mo ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay mo. Gawin mong motivate ito para sayo, at para sa pamilya mo" Sagot niya habang ibinibigay saakin ang palad niya.

Kinuha ko iyon at nag paubaya sa kaniya, ang sarap sa pakiramdam na may isang tao na mag papakilala sayo at ipapaalam ang kahalagahan mo, kahit hindi mo pa siya masyadong nakikilala? Handa siyang ipaalam kung ano ang dapat mong malaman, and I'm very thankful that I met this kind of Man. And after 7 years he's my husband now and we have a 3 kids now.

Mskteen

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon