Binalewala

23 0 0
                                    

Ps: kindly listened the BINALEWALA song by Michael para dama mo.

"Hi babe, kamusta naman araw mo?" Tanong ko sa kaniya mula sa telepono

"Ayus naman" halata sa kaniya ang pilit na tono pero hindi ko nalang pinansin iyon.

"Excited ka na ba sa birthday mo? Makikita mo ulit ako sa araw na iyon." Nakangiti kong anas, pero alam kong hindi niya nakikita iyon.

"Hmm" iyon lang isinambit niya, senyales na hindi niya ako gusto kausap.

"Sige babe babye na muna may gagawin pa kase ako e, mag iingat ka ah. Iloveyou" daing ko at dahan dahan kong naramdaman ang butil ng luha na nag mumula saaking mata.

Dahan dahan kong pinatay ang tawag na iyon tsaka ko inuyoko ang ulo ko, doon halos bumuhos ang luha ko na hindi ko gusto maramdaman. Pilitin ko man siya na huwag na umalis, na wag ng mamili. Pero hindi ako siya.

----

"Kamusta naman ang pakiramdam mo Salei?" Tanong saakin ni mommy, ako naman ay nakatingin lang sa salamin. Napangiti ako tsaka ko siya tinitigan.

"Masaya ako mommy, makikilala mo na kase si Joshua." Sambit ko na ikinakunot niya.

"Hindi ba may Lucas kang ibinabanggit saakin dati?"

Halata saakin ang kaba pero nag salita parin ako.

"Ah-ahmmm hindi ko alam hahaha baka pumunta yin dito." Anas ko

"Sige maiwan muna kita aasikasuhin ko yung mga bisita mo." Aniya ni mama kaya naman nginitian ko lang siya.

Sa kalagitnaan ng pagaayos ng tita ko sa buhok ko may biglang tumawag sa phone ko, at ng makita ko kung sino iyon. Hindi ko sinagot pabagsak kong inilagay iyon sa lamesa at humarap nalang sa salamin.

"Bakit hindi mo sinagot si Lucas?" Baling saakin ni tita

"Wala mangungulit lang yun." Pag dadahilan ko.

"Sige na suotin mo na yung damit mo."

Nginitian ko lang siya ng sabihin niya iyon. Kaya naman kumilos na ako para masoot ko na yung gown para sa 18th birthday ko. Masaya ako dahil narating ko yung araw na ito na walang masamang nangyayare saakin.

*ringgggggg*

"Hello?" Pauna kong sambit sa telepono, hindi ko na kase tinignan kung sino iyon.

"Hi love, kamusta ka naman? Ang tagal mo mag asikaso." Malambing na tono nito

"Joshua? Hello love." Nakangiti ng anas ko sa kaniya.

"Iloveyou happy happy birthday " sambit niya kaya naman kinilig ako ng sobra.

"Nasaan kana?" Tanong ko

"Nasa baba na ako hinihintay na ang prinsesa ko."

"Asus hintayin mo ako ah Iloveyou too" nakangiting aniya ko tsaka ko pinatay iyon.

I can't wait to hugged you Joshua, I love you.

----

Halos tinakbo ko yung daanan patungo sa bahay ni Selei alam ko late na ako kaya wala akong choice kundi takbuhin na ito. Noong 2nd anniv namin ay nakapunta na ako dito sa kanila, palihim nga lang kase hindi pa siya handa na ipakita ako sa mama niya. Pero ang sabi niya naikekwento niya ako. Kaya naman kuntento na ako doon atleast kilala nila ako sa mabubuting salita na ibinabanggit ng taong mahal ko.

Ramdam ko ang pawis na nanggagaling sa noo ko, pero hindi ko yun pinansin dahil kitang kita ko na yung venue. Halos marinig ko na yung slowmo na dance.

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon