"Don't leave me please," I beg then I hugged him from behind.
"I need to do this Clarita," he said then he put down my arms.
Humarap siya sa'akin at pinakatitigan ang mata ko. Punong puno na ito ng luha ko, gusto 'kong makita niya na ayoko siyang mawala sa paningin ko, sa buhay ko.
"Hindi mo naman ako kailangan iwan ng ganito Fredo," aniya ko pero mukhang desidido na siya sa gusto niyang plano ngayon.
"Oo hindi ko gusto, at kailanman hindi ko gugustuhin na iwan ka sa ganitong sitwasyon."
Pero bakit ang sulusyon niya ay ganito? Bakit may kailangang masaktan sa'ming dalawa? Bakit may isa na kailangang mag sakripisyo para hindi na mas sumakit pa?
"Hindi mo naman pala gusto, e. Please let me stay here."
Inilayo niya ako sa kaniya, at hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Na para bang biro lang ang nabanggit ko, hinawakan niya ang noo niya at pinadaan ang palad sa buhok. Senyales na naiirita siya at hindi niya gusto ang binaggit ko.
"You cannot stay here! Did you understand?" Lumandas ang namumuo niyang luha sa mag kabila niyang pisngi.
Humikbi ako, humikbi ng sobrang bigat. Iniyak ko lahat ng sakit habang kaharap siya, hindi sa pag papakita ng awa. Kundi sa pagkadismaya sa sinabi niya.
"Ano bang ikinakatakot mo? Gusto 'kong mag stay dito, bakit ba hindi mo maintindihan iyon?!" Galit na ako, dahil pakiramdam ko ayaw niya ako kasama dito.
"Clarita naman hindi ka nga pwede dito! Sana naman una---"
"Bakit hindi? Sabihin mo sa'akin bakit hindi kita pwedeng piliin kahit ang pwedeng mangyare sa'akin dito ay makulong?"
"Fuck exactly Clarita! Ayokong makulong ka dito dahil ako lang naman ang nandirito! Binulabog lang kita."
Bumugha ako ng malalim na hininga na may kasamang luha. Ang bigat bigat ng puso ko ngayon, hindi ko matanggap na mas titiisin niyang bumalik o umalis dito kesa makasama siya.
"Gumising kana, 'wag mo na pahirapan pa si Tita Lea. Maraming nag hihintay sa pag gising mo, halos sampung taon ka ng nalalagi dito. Sapat na siguro 'yon, na nag mahalan tayo habang comatose ka at tumira ka sa mundo ko."
Fredo hugged me tight, i felt his pain but he's right. Kailangan ko ng umalis, kailangan 'kong sundin yung plano niya. Not for him, but for me.
"Gising na Clarita."
Iniangat ko ang paningin ko sa lumuluha niyang mata at isang pag dampi ng labi niya sa labi ko, na siyang nag pabalik sa ulirat ko na makita ang puting ding ding kung saan ako nalalagi ngayon.
"She's awake! Ohhh... my baby! You finally cameback! Nurse!" Then mommy left me to call some nurse.
Dahan dahan kong idinampi ang kamay ko sa mata ko, at ng bigyang pansin ko ito. Halos walang paglagyan ng basa ng luha ang palad ko.
At hanggang ngayon, ramdam ko ang sakit sa dibdib ko. Dala ko parin yung hapdi na dala ng panaginip ko.
At sa pag pikit uli ng mata ko, nakita ko si Fredo sa malayo. Unti unti siyang lumalabo, ngunit may ngiti sa labi na parang sinasabi na mamimiss niya ako.
Bago pa ako makadilat, ang mga salitang kaniyang binitawan ay dadalhin ko hanggang sa siya'y aking matagpuan.
"Hanapin mo'ko Clarita, gaya mo natutulog lang 'din ako. Tumakas sa masakit na reyalidad, hihintayin ko ang presensya mo. Paalam mahal ko."
And then I opened my eyes, "Fredo i will find you."
MSKTEEN
BINABASA MO ANG
Compilation of one shots story
Kısa HikayeTo make a short stories is hard, that's why I considered these as my hard work! I hope y'all love this. Start: August 28, 2019 Walang ending!