Your Song

20 0 0
                                    

Ps: please listen to "your song cover ni Ruth Ana" while you reading this story... Thank you so much 💋




"Can we meet?" Zephanny

"Where babe?" I ask over the phone

"Kung san tayo nag start"

"Okay babe I'm on my way"

Nag park kaagad ako sa lugar kung saan ko siya nakilala. Dahan dahan pa muna akong bumaba sa kotse ko at pinaktitigan ang lugar na iyon.

Sa plaza kung saan siya masiglang sumasayaw at umiindak sa sarili niyang katawan.

Umupo ako sa isang upuan at pinakatitigan ang plaza'ng iyon.

----

"Hi I'm Kenedy" sabi ko sa kaniya na nahihiya pang iniabot ang kamay ko.

"Hoooo!! Zephanny, zep nalang for short" sagot niya at nagpupunas pa ng pawis at halatang pagod na pagod sa sayaw niya kanina.

"Ang galing mo Idol"

"Anong Idol ka dyan? Hahaha" she laughed, at lumabas ang mga mumunti niyang ngiti na napakasarap titigan. Hindi ko na ata gugustuhin mawalay sa maganda niyang mukha.

"Ahmm seryoso zep, ang galing galing mo. Pwede ko ba makuha yung number mo?" Tanong ko at napapakamot pa sa kilay ko.

"Palusot ka ah, nagpakilala ka para sa number ko?" Natatawang asik niya. Ako naman ay nataranta at lumaki ang mata

"Nako nako hindi gusto lang talaga kita makilala pa ng lubusan" depensa ko

"Okay then Hahaha friendly naman ako" she said tapos iniabot niya yung kapirasong papel na nag lalaman ng numero niya.

----

Nawala ako sa pagbabalik sa nakaraan dahil napalitan iyon ng kalungkutan ng makita ko siyang papalapit sa akin na may lungkot sa mata. Hindi ba dapat makaramdam ako ng kasiyahan dahil ngayon nalamang ulit kami lalabas? Ngunit bakit ganito yung sakit? Yung sakit na parang papatay sakin?

"Kanina ka pa ba?" Tanong niya at tumabi sa akin

"Nope. Kadarating ko lang"

"Ahmm good to know that"

Inalis ko ang lungkot na nararamdaman ko at tinitigan siya sa mata.

"Masaya ako at nag yaya kang lumabas tayo. Namiss na kita Zep its been 3 weeks since hindi na tayo nag uusap, ano bang nangyare?" Seryoso ngunit sinasalinan ko ng biro para kung sakali man na masakit ang sabihin niya ay handa ako.

"I'm breaking up with you Ken" she said

Natigilan ako. At hindi ko alam kung bakit kusa nalang nagbaksakan ang luhang mabibigat sa mata ko, wala akong makitang dahilan para maging ganito.

"Haa-haa nag bibiro ka lang right?" Malakas na asik ko.

"Hindi ako nag bibiro Ken. I'm tired and I need space" pahina ng pahinang sabi niya.

Umusog ako ng kapiranggot at natawa ng panandalian dahil alam ko sa sarili ko na hindi ganoong space ang nais niya, pero tumawa padin at ako kahit pilit na ngiti nalang.

"Ayan oh space nayan. Ayus na ba?" Tanong ko at pinunasan ang luha ko.

"Ken, alam mo kung ano ang space na tinutukoy ko."

"P-pero ba-bakit Zep? A-anong na-naga-wa k-k-ko?" Gumagaralgal na tanong ko, halos hindi ko na siya makita sa paningin ko. Dahil mas lalong bumubuhos ang luha ko.

"I'm tired"

"Pagod din naman ako zep, pagod na pagod ako. Naisip ko bang iwan ka? Naisip ko bang humingi ng space? Sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti mo natatakot akong mapagod, natatakot akong bumitaw. Kase alam ko na sa pagbitaw ko ako din naman yung masasaktan. "Malakas na sagot ko sa kaniya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang bumuhos ang luha ko, tsaka ko inilagay ang dalawang palad ko sa mukha ko umiyak na parang batang di maibigay ang gusto. Humahagulgol na para bang wala ng iluluha kinabukasan.

"I'm sorry Ken, ayoko magpatuloy sa ganitong relasyon kung nasasaktan na kita." Umiiyak na din na asik niya.

Pero yumuko lang ako at hindi siya pinansin ramdam ko ang palad niya sa likod ko ngunit inalis ko iyon.

"Bigyan moko ng dahilan para pumayag sa kagustuhan mo" lumuluha pa din na sagot ko.

"Magpapahinga din ako, pero babalik ako sayo." Asik niya.

"Kung iiwan mo ako ngayon wag ka ng babalik. Hindi ko hahayaang masaktan mo uli ang puso ko sa ikalawang pagkakataon, masyado mo akong maaabuso kung sakaling pagbigyan kita sa gusto mo"

Tumayo siya at yumuko senyales na sangayon siya sa sinabi ko. Lumuluha na din ang mata niya at halata na hindi ganon ang kagustuhan niya.

Lumakad siya palayo, ngunit hindi ko ata kayang makitang lumalakas siya palayo saakin. Kaya hinsi pa siya nakakalayo niyakap ko na ang likod niya at yumuko mismo doon.

"'Wag mo'ko iwan Zep, hindi ko kaya please zep. Gagawin ko lahat lahat magbabago ako sa gusto mo, zep wag lang ganito. Diko kakayanin parang awa mo na." Pakikiusap ko at hinihigpitan ang yakap mula sa likod niya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at humarap siya saakin, unti unti niyang itinaas ang ulo ko at pinahid niya ang mga luha ko gamit ang basang palad niya.

"Wag ka ng umiyak, hindi ko kakayaning umalis kung iiwan kitang ganiyan." Sagot niya.

"Kung eto lang ang sulusyon para hindi mo ako iwan? Sige lang zep iiyak ako iiyak ako hanggang sa hindi mo na kayang umalis. Mahal na mahal kita e, wag naman ganito"

"Makinig ka sakin, babalik ako. Ipapangako ko sayo na babalik ako" madiin ang bawat salitang pinapakawalan niya at wala sa sariling napayuko nalang ako at tuluyang umagos nanaman ang luha ko.

Alam ko na hindi na siya babalik, kahit di niya sabihin ang dahilan alam kong hanggang dito nalang kami.

At tuluyan na nga niya akong iniwan.

1 year past siya parin ang mahal ko but she didn't came back. Inilabas ko mula sa bulsa ko ang maliit na envelop na nag lalaman ng imbitasyon para sa kasal niya.

"Your invited to our wedding Mr Kenedy Limario
(Timothy and Zephanny)
Request your presence at their wedding 2019
this coming Wednesday at Five o'clock in the evening
Ocean view Hotel San-Diego California"

"Sabi mo babalik ka. Pero bakit kayo na ng bestfriend mo? But I'm happy for you Zep" mahinang daing ko at pinahid ang kakarampot na luha.

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon