Sacrifices

7 0 0
                                    

"Kailanman hindi nag tagumpay ang diwata na pag samahin ang dalawang nilalang" unang bungad ng gurong binata ng makapasok ako, late comers kase ako palagi sa klase.

Nang makapasok ako sa loob ramdam ko yung pakiramdam na ayoko ng maramdaman pa, eto yung iniiwasan ko na maramdaman ko uli. Isinawalang bahala ko iyon at umupo nalang sa upuan ko.

"Gustuhin man ng tubig na mapasakaniya ang apoy? Kailaman hindi niya nagawa iyon dahil may mga bagay sa mundo na mag take man kayo ng risk kung hindi kayo magiging isa, at hindi iyon papalarin ng tadhana."

Interesente kong tinitigan ang larawan na dala-dala ng guro namin. Isa yong ukit ng apoy at tubig, at halos kahugis ng babae at lalake, hindi ko alam pero parang alam ko yung buong kwento.

May kung ano saakin na may nalalaman ako, at konektado ako sa kwento. Pero isinawalang bahala ko nalamang at nakinig nalang sa mga tanong ng kaklase ko.

"Pero Sir, diwata naman po pala ang may gawa sa kanila bakit hindi nalang sila pag samahin at mamuhay ng payapa? Bakit kailangan may apoy at tubig pa?" Aniya ng kaklase ko.

"Hindi kailanman magiging isa ang apoy at tubig, sapagkat kailangan ng apoy na huhupa sa kaniyang galit." Mariing anas ni Sir na siyang nakapukaw ng atensyon ko.

"Ano hong ibig niyong sabihin Sir?" Taas ko ng kamay tsaka niya ako tinitigan.

Yung titig na parang kami lang dalawa, yung titig na may halong lungkot at sabik sa katawan. Yung titig na gusto niyang ipaalam na nandiyan siya at hindi niya ako kailanman kinalimutan.

"Kailangan kitang iligtas Fiammetta" aniya niya sakin na siyang... na siyang ikinaapoy ng buong katawan ko.

Kaniya kaniyang takbuhan ang mga kaklase ko sa sobrang takot na baka masunog sila kung lalapit sila saakin, hindi na bago sakin ang ganitong pakiramdam. Ngunit akala ko nawala na sapagkat sabi ni Mama na lumayo ako sa tubig para hindi ko ulit 'to maramdaman.

"Bakit? Bakit nag aapoy nanaman ako?" Tanong ko sa sarili na animo'y masasagot iyon.

"Sapagkat ako 'to Fia. I'm Firth the water, that always at your back whenever you explode your powers." Dahan siyang lumapit saakin at tila gusto ako hawakan pero lumayo ako.

"Don't touch me sir! Still your my teacher and your not my man" ramdam ko ang pamamasa ng mata ko pero---

"Pigilan mong huwag umiyak! Please Fia. Hindi mo kakayanin!" Pag mamakaawa niya pa sakin dahilan para maguluhan ako.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Fia! Tubig ang luha! Kapag napatakan ka man ng kakarimpot nito mawawala ka nanaman saakin!" Doon ko nakita ang sunod sunod na pag buhos ng luha niya. Tila nababasa narin ang soot niyang damit na akala mo kagagaling lang sa dagat.

"Kahit naman hindi ako mapatakan, hindi parin tayo pwede mag sama"

"Yes I'm the water and you're the fire! Pero tao na tayo Fia! Pwede nanatin makontrol ang isat isa. Pwede tayong mag sama ng payapa! Ilang taon ang ginugol ko mahanap lang kita! Inilayo ka sakin ng Diwata Fia! Maawa ka naman saakin na ilang taon ng nag luksa!" Ramdam ko ang sakit na nag mumula sa salita niya.

Pero wala akong magawa, hindi ko magawang makapag isip dahil nahihirapan ako. Kung sakali man na piliin ko ulit mawala paano nalang yung taong mahal ko mag luluksa nanaman saakin.

"Sumubok ka ng ilan sa mga tao na katulad natin, sumubok kang umibig kay Kion na siyang kahoy na pwede mong masunog, sinubukan mo ring mahalin si Rio na siyang hangin na ikinasakit mo ng todo. Hindi ka tumigil at minahal mo rin si Liandre na siyang dahon na lalo lang din mag papasiklab sa ap---"

"Pero minahal din kita Firth pero ikaw lang din ang magpapasakit saakin. Tubig ka! Apoy ako! Kailanman ang katulad nating nilalang ay hindi pinagsasama gustuhin man nating dalawa!"

"Fia, tao na tayo. Kaya natin kontrolin 'to"

"Tao ko rin silang minahal Firth, nag anyo silang tao at ipinangako rin nila sakin yan. At anong nangyare? Ako yung naiiwang nahihirapan ako yung nasasaktan! Ako yung paulit ulit na namamatay pero paulit ulit ring bumabalik para makasubok ng ibang bagay!"

Hindi nakasagot si Firth sa ibinato kong linya. Tila parang nawalan siya ng gana at sumusuko na sa gusto niyang mangyare sa aming dalawa.

"Kung ikaw lang sana ang dilim? Baka maaari pa tayong mabuhay ng payapa. Ang dilim ay maaaring mabigyan ng kaliwanagan at ako yun Firth, ang apoy ay nagiging liwanag sa oras ng kadiliman. Ako ang sagot sa kaniyang madilim na kapaligiran."

Gusto kong umiyak sa harap niya, maipakita lang na parehas kaming nahihirapan, pero ako lang din ang mag dudusa kung papatakan ko ang katawan ko ng sariling luha.

Sa kalagitnaan ng pagtitinginan naming dalawa, nawala ang liwanag ng buong silid. At ako ang nag sisilbing ilaw sa dilim ng buong kapaligiran, nilingon lingon ko ang paligid at hindi ko makita ang bakas ni Firth na siyang ikinabagsak ng balikat ko.

"I'm here Fia, let me take care of you. I'm Darker your savior" anang boses sa gilid ko. At nanglingunin ko ito, nakangiti niyang inilahad ang kamay niya na siyang kinuha ko.

"Please Fia! Wag mo'kong saktan sa paraan na ito! Hindi ko kakayanin! Mapupuno ng tubig ang puso ko. Mamatay ako Fia pakiusap!" Doon ko nakita ang bulto ni Firth lumuluhang nakaluhod siya sa harap ko.

Nanikip ang dibdib ko, sa isiping nag dudusa yung taong mahal ko.

"Let me go Firth, hanapin mo yung taong nababagay sayo. Kailanman sa mundong ito hindi pinagsasama ang mga bagay na hindi naman dapat nakikitang pinagsasama. Hayaan mo ang tadhanang makita niya ang buhangin para sa iyong tubig. Paalam."

Magaan ang pakiramdam ko na nilisan ko ang lugar, kasama ang lalaking 'dilim'. Na halos nababagay lang saaking katulad niya na nag hahanap ng nababagay sa kaniya.

"I still love you Firth but I want to live forever with Darker, cuz he's suit for me."

Mskteen

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon