Desisyon

6 0 0
                                    

Sumasabay ang dilim ng gabi sa bigat ng nararamdaman ko ngayon, kung dati sabay nating inaabangan ang unang pag buhos ng ulan. Ngayon, mag isa nalang ako.

Sinusubukan kong tanggapin lahat ng naging desisyon mo sa buhay, pilit kong iniintindi na kailangan kong tanggapin dahil kasalanan ko kung bakit hindi na ako.

Pero pilit pa ring hinahanap ng puso ko na sana mahanap ko pa rin 'yung daan patungo sayo, na kahit maligaw ako? Maglalaan pa rin ako ng oras basta ikaw ang dulo ng daan na 'yon. At parehas pa rin 'yung nararamdaman natin sa isat isa.

Sana ako pa rin ang dahilan. Sana panaginip lang lahat.

"Benedict, hindi mo pa rin ba siya kakausapin? Nasa baba lang siya, hinihintay sa desisyon mo." Napalingon ako sa mayari ng boses na 'yun.

Ilang minuto pa muna ako tumingin sa madilim na ulap na kung dati ay siyang paborito kong tignan. Dahil naalala ko sa ulap kung gaano siya kaganda.

"Do I need to do this Tito?" Tanong ko, habang nakatingin sa picture naming dalawa.

"You have to, para sayo 'to."

"Parang sa kaniya lang ata 'to, Tito."

"Ayusin niyo kung gusto niyo pang tumagal."

Palihim akong natawa sa sinabi ni Tito, madali lang sana yan kung hanggang ngayon ako pa rin ang mahal niya.

Hindi ako tumingin sa nangungusap na mga mata ni uncle, muli akong lumingon sa bintana kung saan kitang kita ko ang pagbagsak ng ulan.

Kung ako pa rin sana, masaya siguro nating sinalubong ng sabay ang pagbagsak ng ulan.

Kung tutuusin kaya ko naman mag isa, pero pinipili ko pa rin na kasama ka.

"Starting this day, Ben. Take a look at the good memories it will give you strength." Sabay patong niya ng kamay sa balikat ko at alam kong pag tapos non bumaba na siya.

"That memories wont give me joy." Napasinghap ako ng maalala 'yung mga panahong parehas kaming tumatawa sa kwentuhan na parehas naming inisip dalawa.

Mga pangarap na pareho naming gustong matupad, simula sa bahay, kotse, negosyo, at lalo na ang mga pangalan ng anak.

Tangina, sakit.

"Dito lang kami sa baba, hinihintay ka niya." hulinng pasabi ni Tito.

"Ang aga niya naman pumunta, gustong gusto na ba niya talaga akong bitawan?" bulong ko sa sarili habang nag pipigil ng luha.

Tama na 'yung isang linggong iyak, isang linggong walang gana, isang linggong nag tatanong na kung anong naging kulang ko sa pagmamahal na nilaan ko lang lahat sa kaniya.

Tangina lang! Ubos na ubos ako pero pinipili pa rin ng puso ko na gustuhin siya, na mahalin siya! Na ipaglaban pa siya.

"Ben."

Walang dalawang isip akong lumingon sa may ari ng boses na 'yon.

Walang bago ang ganda pa rin niya sa paningin ko. Siya pa rin 'ying Bea na minahal ko noong una. Pinakatitigan ko siya sa mata, nawala nalang bigla ang mga palihim kong ngiti.

Gustong gusto mo na talagang bitawan ka.

"Please nakikiusap ako sayo Ben, bitawan mo na'ko. Gusto ko ng lumaya sayo."

Parang sobrang dali para sa kaniya 'yung desisyon na hirap na hirap ako. Binibigyan niya ako ng luhang hindi ko naman kailaman binigay sa kaniya.

"Anong dahilan Bea? Wala naman akong ginawang mali." Napahawak ako sa mata ko at pilit ibinabalik ang luha na ilang araw kong di hinahayaang kumawala.

"Hindi ikaw ang mali Ben, ako. Ako ang mali."

"Bakit kailangan mo'kong bitawan?" Hindi ko na napigilan, tanging hikbi nalang ang sumunod.

"I'm sorry."

"Tangina bea! 'yung makita lang kitang nag mamakaawa saking bitawan ka? Sobrang sakit hindi ko kinakaya!"

Napaupo nalang ako, habang kusang lumalabas ang mga luha ko. Punong puno ng sakit at naipon na pighati sa gusto niyang mangyari.

"Minahal kita Bea, buong buhay ko nilaan ko sayo. Wala naman akong kasalanan sayo para maramdaman ko 'to."

"Kaya nga nakikiusap ako sayo na bitawan mo na'ko."

"Ganon nalang ba kadali sayo 'yon?! Pitong taon! Pitong taon kitang minahal! At sa pitong taon na 'yon kasama ba ako sa plano mo?"

Tinitigan ko siya, mas lalo lang akong nanghina dahil kitang kita ko na hindi na ako mahalaga. Wala ng pagmamahal na natitira.

"I'm sorry, Ben." Tanging sagot niya, umiiyak na may pakiusap sa labi.

Ayokong ayoko na umiiyak ka.

Tumayo ako, dahan dahang pinagmamasdan ang mukha niya.  Ayokong makalimutan ko ang ganda niya. Marihin kong hinaplos ang mga balikat niya, mamimiss ko ang mahigpit niyang yakap. Ang pagkurba ng labi sa tuwing makikita ako. Ang kislap ng mga mata na walang luha. Lumapit ako at binigyan siya ng mahigpit na yakap... huling yakap.

sabay bulong na, "kung kaya ko pa? Ipaglalaban kita, mahal. Pero hindi ko naman kaya na mag isa kong gagawin 'yon. Naalala mo ba? Ikaw ang lakas at pahinga ko. Kung sumusuko na 'yung pahinga ko, maisasalba ko pa ba?"

"ayokong mahirapan ka at makiusap na parang nagmamakaawa para lang makawala ka sakin. Hindi kita ganon minahal, mahirap man sakin pero kakayanin ko. Pinapalaya na kita mahal."

Sa pagbitaw ng mahigpit kong yakap doon ko nakita kung gaano kaliwanag ng mga ngiti niya, ang kislap niyang mga mata.

Sa ganitong desisyon lang pala kita mapapangiti bakit kailangan mo pang mag makaawa.

Hindi na kita pipilitin pa, basta tatandaan mo mahal. Na mahal na mahal kita. Kung hindi na ako? Malaya ka na.

Lvnkys

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon