STEPH POV
"Are you sure na kaya mo na?" Tanong ko kay Cheno, nagaalala ako sa kanya dahil kagagaling lang niya sa sakit. Ginulo niya lang ang buhok ko, kaya sumimangot ako.
"Wag mo nga guluhin ang buhok ko." then I pouted my lips. Nakita kong namula siya bigla, nagtaka ako at sinapo ang leeg niya baka kasi may lagnat pala siya hindi ko pa alam. "Wala ka naman lagnat ah, bakit namumula ka?"
"A-ah wa-wala S-steph hehe tara nasa room" nagkibit balikat na lamang ako.
'Ang weird'Habang naglalakad kami patungo ng room ay hindi ko maiwasan mapakinggan ang mga bulungan sa paligid.
Hindi nyo ba alam ? Si Stephanie raw ang dahilan kung bakit naaksidente ang baby Cheno natin.
Gosh ? Really ? pagbabayaran niya ang ginawa niya kay Cheno!!
Kyaahhhh si Cheno ang gwapo pa rin kahit may sugat pa sa mukha.
Awtomatiko naman na napairap ako. Seriously ? Paano ako magiging dahilan sa aksidente ni Cheno ?
"Aray!" Daing ko "Ano ka ba naman Cheno dahan dahan naman, ang sakit kaya." singhal ko sa kanya bigla kasi niya akong kinabig papalapit sa kanya.
"I'm sorry Steph ayoko lang marinig mo ang pinaguusapan nila, ayoko lang madagdagan ang iniisip mo and don't take it seriously about sa sinabi nila na ikaw ang dahilan ng aksidente ko.""Psh okay fine. Pinagtataka ko bakit naman nila ako ang sinisisi sa aksidente mo? Hindi naman tayo nagaaway or whatever."
"Just don't mind what they say Steph okay?" tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.
••••
Hindi ko pa rin maiwasan isipin yung sinabi nila. Bakit ako ang magiging dahilan sa nangyari kay Cheno ? If I'm not mistaken hindi kami nag away ng panahong yun na magiging dahilan ng aksidente.
"STEPHANIE LEE!!" sigaw ni Kim sa harapan ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ano bang problema nito at kung makasigaw ay parang nawawala sa gubat?
"What ? Kim stop shouting magkaharap lang tayo." nag crossed arms naman siya.
"Kanina pa kita kinakausap dito, so paano ako hindi sisigaw ? Ano bang iniisip mo at napaka lalim naman ata niyan?" curious na tanong niya, umupo siya sa tabi ko at naghalumbaba, wala si Cheno ngayon tinawag kasi ng coach nila sa basketball may practice sila para sa upcoming na foundation day.
"Hindi naman ako ang dahilan kung bakit naaksidente si Cheno hindi ba Bff?" dahil sa tanong ko sa kanya ay kumunot ang noo niya."How do you say so Steph ? Wala ka sa pinangyarihan ng aksidente kaya paanong magiging ikaw ang dahilan. Tsaka hindi ba't sabi ni Brint may iniwasan si Cheno kaya ito nabangga, dagdag mo pa na lasing siya. Alin ang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko Steph ?" napabuntong hininga na lamang ako dahil dun. Oo nga naman wala ako ng gabing yung so paanong magiging ako ?
'Dagdag sa sakit ng ulo hays'"Samahan mo ako sa Comfort room"aya ko kay Kim. Tumayo ako at hindi na siya hinintay alam ko naman na susunod siya.
"Look who's here." agad akong napalingon sa nagsalita si Mayen.
'Bitch is here..'
Lumapit siya sa amin ni Kim kasama ang mga alipores niya. Ano kaya kailangan nito, panira ng araw!
"Bitch is here.." mahinang sabi ko kaso narinig niya ata ako.
"What did you say?" Maarteng saad niya habang naka pamaywang."Nothing my dear, I don't know na naging bingi ka na pala?" pang asar ko sa kanya, napangisi ako dahil nagiba expression ng mukha niya.
"Oh 'cmon Steph.. hindi ka ba nahihiya ? Kalat na ngayon sa school na ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente si Cheno. Hindi ko alam na sobra na pala ang kakapalan ng mukha mo."
BINABASA MO ANG
MY BROTHER IS MY BOYFRIEND
RomanceSabi nila ang LOVE walang pinipili. Pero paano kung ang napili nito ay maling tao ? Itutuloy mo pa ba at ipaglalaban ang feelings mo para sa kanya ? O pilit mong iiwasan ng 'wag nang lumala ?