CHAPTER 30

2.7K 76 5
                                    

ARZKIE POV
"Manang nandyan na po ba si Steph?"tanong ko kay Manang na busy sa pagluluto. "Oo iho tingnan mo na lang sa kwarto niya." Tugon nito na hindi lumilingon sa akin. Kaya naman agad na umakyat ako sa kwarto niya. Ilang araw na hindi kami masyado nakakapag usap dahil naging busy din ako this past few days.
'Damn I really missed her so much'

Kumatok muna ako ng ilang beses bago pumasok, mahirap na..

"Come in." tugon ni Steph. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito nang mahigpit. "I miss you so much" bulong ko dito, naramdaman kong nagulat pa ito kaya medyo natawa ako nang mahina. "Ku-kuya..."humarap ito sa akin bago ako yakapin, naamoy ko ang sweet scents niya, it's so addicted.
'Fvck Arzkie tumino ka'
"I miss you too kuya.. bakit ka pala nasa kwarto ko ? May kailangan ka ba?" Umiling naman ako.
"Bawal na ba ako dito sa kwarto mo ? " pacute kong tanong, umiwas naman siya nang tingin sa akin. I know her she's blushing.
"Stop blushing baka hindi ako makapagpigil."pananakot ko sa kanya, nagulat ba ito ng bahagya dahil natigilan ito at nanlaki pa ang mata.
"KUYA!!"sigaw nito
"What ? Don't tell me ayaw mo ?" Ngising tanong ko, hindi agad ito nakasagot. Lumapit ako sa kanya at isinandal siya sa pader habang yung isang kamay ko ay nasa gilid niya at yung isa ay nakahawak sa chin niya upang magtama ang aming paningin. Umiwas ito ng tingin sa akin, I looked at her seductively..
"Steph..." i said in a husky voice. Kitang kita ko ang paglunok nito kaya mas lalo akong natuwa pagtripan siya...
Pinipilit niya akong itulak ngunit hindi niya magawa dahil mabigat ako.
"Ku-kuya lumayo ka sa akin.." pagpupumilit nito, pero mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya kaya pumikit ito hanggang sa may tumawag sa phone ko.

'Fvck this call!'
"Sagutin ko lang ito" lumayo ako sa kanya, kita ko ang paghinga niya na akala mo'y nakaligtas sa panganib.

"Hello ? Sino ito?"
tanong ko dahil unregistered number ito.

(Si Cheno..)
kumunot ang noo ko nang marinig ko ang name niya.
'How did he get my number ? Tss.'

"What do you need?" Walang emosyon sabi ko

(Let's talk.)

"Tss. Talk about what ?"

(About Steph. Magkita na lamang tayo sa labas ng village).
Sabay patay nito ng tawag, ano naman kayang gusto pagusapan namin about kay Steph ? Bumalik ako sa loob ng kwarto ni Steph para magpaalam sa kanya.

"Aalis muna ako saglit, I'll be back." Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Sa kaibigan ko lang ako pupunta. Hindi pa nga ako umaalis miss mo agad ako?" may halong pang asar na tanong ko. Ngumuso naman siya.

'Damn I badly want to taste her lips again.'

"Akala ko pa naman makakapagusap tayo ng matagal kuya.. hays magingat ka sa pagda-drive kuya.."

"Don't worry babawi ako sayo mamayang gabi." Kinindatan ko siya, kaya namula ito. Agad akong lumapit at hinalikan ito sa lips but it's just a smack one.

Nagmadali akong lumabas nang bahay at nag drive palabas ng village.
'Ano naman kayang gusto ng gagong yun tss'

Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa labas ng village ay tanaw ko na si Cheno mula dito na nakasandal sa kotse niya.

"Ano bang paguusapan natin?"bungad ko sa kanya nang makababa ako sa kotse ko. Kaya tumingin ito sa direksyon ko.
"About Steph.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba kasing gusto nito fvck!!

"Look, kung about lang ito sa relasyon nyong dalawa, I don't care okay ? Hindi naman ako ang mag dedecide kung hindi si Steph. Kung ako lang naman ang masusunod hinding hindi ko hahayaan na maging kayo." may bahid na inis sa saad ko.

"You're wrong. Straight to the point na ako. Ano ba talaga kayo ni Steph?" tanong nito sa akin, kaya nasamid ako.

"What kind of question is that Cheno? She's my sister, boyfriend ka niya hindi ba? Bakit hindi mo alam na kapatid ko siya?" singhal ko sa kanya. Naiinis ako sa paraan ng pagtatanong niya, animo'y may gusto siya malaman mula sa akin.
"Tell me may magkapatid ba naghahalikan?" natigilan lalo ako sa tanong niya.
'Nakita niya kaya? Fvck!!'
"W-what?"
"Damn it!" Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako ng marahas sa kwelyo ko.
'Pag ako nakawala dito manghihiram ka ng mukha sa aso. '
"Just answer me Arzkie!!" Magkapatid ba kayo ni Steph? Oo at hindi lang ang isasagot mo." tiim bagang na saad nito at matalim na nakatingin sa akin.
Nilabanan ko ang mga titig niya. "O-oo magkapatid kami ni Steph." sinuntok niya ako nang malakas kaya dumugo ang labi ko. Sinuntok ko din ito na naging dahilan niya sa pagbagsak niya sa semento. Ngumisi ito sa akin, kaya mas lalong naginit ang ulo ko. Akmang susugudin ko na ulit ito nang pigilan ako ng Guard.
"Sir tama na po wag po kayo dito gumawa ng gulo." Pag awat nito sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin at bahagyang napaatras ito.
"Wag kang makielam dito manong." Ibinalik ko ang tingin ko kay Cheno.
"Subukan mo ako ulit hawakan Hindi lang yan ang aabutin mo." at lumakad na ako papuntang kotse ko nang magsalita ito.
"I saw you and Steph ki-kissing.." mahinang saad nito na tama lang para marining ko. Mabilis na humarap ako sa kanya. "So tell me may magkapatid ba na naghahalikan ?" umiwas ako ng tingin sa tanong niya sa akin . Hindi ko alam kung anong isasagot ko, gayun pa man ay nakita niya kami.
"Bakit hindi ka magsalita? Hindi kayo magkapatid hindi ba?"

"Ma-magkapatid kami.." tugon ko.
"Kalokohan!! Kung magkapatid kayo hindi nyo dapat ginawa yun! Lahat nakita ko.. lahat narinig ko even yung pag amin mo sa kanya.. Do you love her, hindi ba? Mahal mo ang kapatid mo hindi bilang isang kapatid..Mahal mo siya bilang ibang babae..Andun ako nang gabing mangyari yun, I followed Steph dahil nakita ko siya na paalis nang bahay nyo hanggang sa makarating kami sa park. I don't know the reason why she's there at night but when she shouted at your name dun ko lang nalaman na she's looking for you.. akala ko may kailangan lang siya sabihin sayo.. but I'm wrong nung narinig ko ang pag amin mo sa kanya.. It's killing me slowly.. makita kong may kasamang ibang lalaki ang mahal ko ay sobrang nasasaktan ako.. isama mo pa yung paghalik ni Steph sayo.."hindi ako nakakibo sa sinabi niya, nandun siya nang gabing yun at alam na niya rin na hindi kami magkapatid damnit!! Baka sabihin niya ito kay Steph andI won't let it happen.
"Yes, tama ka hindi ko talaga kapatid si Steph she's adopted when I was 2 years old. Akala ko dati pagmamahal bilang isang kapatid lang ang nararamdaman ko sa kanya, but I'm wrong higit pa pala doon ang nararamdaman ko. Kapag nakikita ko kayo na magkasama ni Steph nagseselos ako, kaya ganun nalang ako makapag react na naging dahilan nang pag iwas ko kay Steph. Pinilit kong pigilan ang feelings ko pero habang tumatagal lalong lumalala. Wala talaga akong balak umamin sa kanya kasi alam kong mali, but i can't resist her.. hindi ko matiis na nakikita siyang nasasaktan at umiiyak nang dahil sa akin I really love Steph, I love her so bad..P-please don't tell about this to Steph I don't want to hurt her.." mahabang saad ko..

"No hindi ko sasabihin ang about dito.. pero sinasabi ko sayo hindi mapapasayo si Steph. I will do everything just to win her heart."

Sa sinabi niya na iyon ay mas lalo lang nadagdagan ang galit ko sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at nagdrive na paalis..
'I think things will be so complicated right now.'
Dumiretso muna ako sa drugs store para bumili nang gamot para sa sugat ko sa labi. Ayoko makita ni Steph ang nangyari dito, baka magtanong lang yun.

CHENO POV

"Arghhhhhh bullshit!!" Sigaw ko sabay suntok sa may puno na katabi nitong kotse ko. Dahil sa malakas na suntok ko sa puno ay dumugo ang kamay ko, pero hinayaan ko lang ito.
Noon pa man Cheno alam mo na may mali sa dalawa. Lalo na kay Steph simula nang birthday ni Arzkie dun ko nahalata na parang may kakaiba. Pero isinantabi ko ito dahil baka sobrang close lang talaga sila.
Pero habang tumatagal ay mas lalo kong nahahalata na iba na talaga, iba na ang pagtingin ni Steph sa kuya niya. Everytime na inihahatid ko siya sa bahay nila ay hindi pa talaga ako umuuwi, hinihintay ko siya makapasok ng gate tska ako pupunta sa tapat nang gate upang tingnan kung anong gagawin ni Arzkie kay Steph. Iba na din ang ikinikilos nito kaya mas naging determinado akong mapasagot si Steph. Minsan nga aaccidentally narinig ko ang pagsabi niya na Mahal niya ang kuya niya. Sabihin nyo nang napaka martir ko dahil sa ginagawa ko, ayoko lang mawala sa akin si Steph dahil mahal na mahal ko siya..
Sa nangyari ngayon ay mas lalo akong naliwanagan kung ano ba talaga sila.. Start from now may malaking pagbabago at may masisira.. At kailangan ko ihanda ang sarili ko bago pa ito mangyari.

MY BROTHER IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon