CHAPTER 50

1.9K 50 3
                                    

"Are you nervous?"tanong ni Kim sa dalaga na nakaharap sa malaking salamin habang inaayusan na ito.

"Y-yeah..ganito pala kapag ikakasal ka na, kakabahan ka ng sobra."

"Hahaha relax okay? Look, ang ganda mo Steph ngayon."

"Ano ka ba lagi naman ako maganda."
Inirapan lamang siya ng kaibigan dahil sa sinabi nito. Kahit kailan ay napakasama ng ugali nito sa kanya pero kahit ganun ay mahal niya ang kaibigan niya. Maswerte siya at may kaibigan itong kagaya ni Kim.
"Dahil kasal mo ngayon ay pagbibigyan kita. Mauuna na ako sa labas, gusto ko muna enjoyin ang beach hihi." Ani ni Kim, tinanguan na lamang niya ito at sinundan ng tingin hanggang makalabas ng kwarto.

Napahawak na lang sa dibdib ang dalaga dahil sa kabang nararamdaman niyo. Sa wakas ang taong matagal na niyang mahal ay ngayon ay ikakasal na sa kanya. Totoo pa lang ang sinasabi nila na 'If you love someone, then fight for it.' . Hindi lahat ng happy ending ay nakukuha sa madaling paraan minsan kailangan mo muna magsakripisyo para dito.

Tinitigan niya ng mabuti ang sarili niya sa harap ng salamin. She was amazed in her look, napaka simple lang ng ayos nito na mas nakapag paangat ng ganda niya. Her gown is totally fit in her body, mas lalo nakita ang hugis ng katawan nito.

Napasulyap ito sa bumukas na pinto, it's her mother. Her mother come closer to her while wearing a beautiful smile.

"You look so gorgeous anak." anito sabay hawak sa mukha ng anak niya. Napangiti na lamang ang dalaga sa tinuran ng kanyang ina.
"Thank you Mommy. Thank you sa lahat ng naga-"

Pinigilan ng kanyang ina ito sa pagsasalita gamit ang kanyang daliri.

"Don't thank me anak, kung tutuusin ay kulang pa iyan sa mga nagawa ko sa'yo. Wala pa ito sa kalahati kaya 'wag kang magpasalamat."

"But, its my wedding after all.."

"I'm your mother, so I take all the responsibilities para naman makabawi ako sa maliit na paraan. What are you feeling right now?"

Kagaya nga ng sinabi niya kanina ay hindi pa rin nawawala ang kaba nito sa kanyang dibdib. Nagtanong na siya sa mga kakilala niyang ikinasal na, normal lang naman ang kabahan kapag ikakasal ka na.
"I feel nervous pero lamang ang saya na nararamdaman ko ngayon. Haha, I can't imagine before that I will marry my brother in the future. It's very rare na magkagusto sa kapatid mo. "

"But you two are not blood related."ani ng kanyang ina.
"And I'm so thankful na hindi kami magkadugo, na may pagasa na magsama talaga kami lalo na at pareho kaming may nararamdaman sa isa't isa..."

MY BROTHER IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon