CHAPTER 38

2.7K 68 7
                                    

STEPH POV

Pauwi na ako ngayon galing practice ng MS. MADAC. Mas lalong bumaba ang confidence ko ng makita ko na ang lahat ng kalahok sa contest na 'yon. Ang sakit ng katawan ko, ilang days na lang ang preparation para dito. Labindalawang school ang maglalaban laban, lahat ng mga kasali ay magaganda at sexy. Hays. Feeling ko talaga hindi ako mananalo dito.

"Sticky note?"
Isang sticy note ang nakakapit sa may gate namin. Kinuha ko ito at binasa.
'Change your clothes now. Open the box inside your room,then wear it.'

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Sino kayang siraulong nagdikit nito dito, talagang yung gate pa namin napagtripan tss. Tumingin pa ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ko pa ang naglagay nun. Nang masigurado kong wala ay kibit balikat akong pumasok sa loob ng bahay.

"Mommy!" tawag ko kay mommy na kasalukuyan nanonood ng TV.

"Ginabi ka na naman baby. How's your practice?" said mommy while she giggling. Napanguso na lang ako, mas excited pa siya sa akin.
"Ayos lang po mommy. Sige po akyat na ako gusto ko na magpahinga. " sagot ko at hinalikan ko ito sa pisngi. "Ah mommy where's kuya?" usisa ko, hindi ko kasi nakikita sa bahay. Ganitong oras kasi ay lagi lang yun nasa sala at hihintayin ako makauwi, pero ngayon ay wala.
"I don't know baby sinabi lang sa akin na may aasikasuhin lang daw siya. Sige na umakyat ka na sa kwarto mo. Padalhan na lang kita ng dinner mo sa kwarto."

Para akong lantang gulay na pumasok sa room ko. Napapadalas na kasi ang pag alis ni kuya.
'Hindi kaya may ni-nililigawan na si kuya? Kasi narealize niya na hindi niya pala ako mahal?'

Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa naisip ko. Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay kuya, iba siya sa mga lalaki na alam nating mga babae. Tsaka hindi ako papayag na maagaw siya sa akin.
Hindi ko pa rin nasasabi kay kuya yung about sa amin ni Cheno, hindi kasi ako makakuha ng tamang timing para makausap siya dahil busy din ako. Inihagis ko na lang basta basta ang ang bag ko sa kama ko. Natigilan ako nung may isang box na nakapatong sa kama ko. Naalala ko yung sa sticky note kaya binuksan ko ito. My jaw was dropped dahil sa laman nito. Isang napaka gandang dress na silver na may pagka gray, mas nakadagdag ang ganda nung mga kumikinang sa dress.

'Sakin ba talaga 'to?'

Kinuha ko yung dress na nasa loob ng kahon at agad na isnukat. Laking tuwa ko na sakto ito sa akin. Ang galing naman nung nagpadala nito, alam na alam ang sukat ko.
Isang puting sticky note na naman ang nakita ko na nakakapit sa box, kaya binasa ko ito.

'Be ready after 5 minutes may dadating na sasakyan para sunduin ka.'

Kagaya nga ng sinabi nung sa sticky notes may biglang bumusina sa labas, sumilip ako sa bintana at may isang black na kotse ang nandun.

"Baby! May sumusundo sayo."

"P-po? Ah.. sige po mommy pababa na po ako." tugon ko. Kahit medyo nag aalangan ay nag ayos pa rin ako, at bumaba na.
"Sino bang may gawa nito?" tanong ko sa lalaki na naka black suit. Hindi ito nagsalita, kaya napanguso na lang ako.
'Pipi ata Steph hehe..'
"Baby magiingat ka ah.." ani mommy. Tumango na lang ako at sumunod sa lalaki.
Nang makapasok ako sa loob ng kotse ay may biglang nagtakip sa ilong ko, unti unti akong nakaramdam ng hilo at saka nawalan ng malay.

ARZKIE POV

"Kamusta yung inutusan mo okay na ba? Kasama na nila ?" tanong ko kay Jed. Tinapik naman niya ang balikat ko.
"Relax okay ? Para ka naman ikakasal BWAHAHA!" sinamaan ko lang siya ng tingin para tumigil na sa pagtawa.

"Siguraduhin mo lang na hindi masasaktan si Steph."

"Don't you trust me ? I'm pro about this."

MY BROTHER IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon