CHAPTER 32

2.6K 58 1
                                    

CHENO POV
"A-ahh fvck ang sakit!"daig ko nang magising ako. Tumingin ako sa paligid at nasa kwarto ko na ako.
'Paano ako napunta dito? Wala ako maalala.'
Bumangon na ako sa kama ko at tiningnan kung anong oras na sa phone ko.
'WTH? Late na ako sa klase namin fvck.'
Mabilis ako pumasok sa banyo at ginawa ang mga rituals ng mga lalaki. Hindi ko mapagilan mapamura sa isip ko. Tangina!

"Yaya! Pasok na po ako." pagpapaalam ko kay yaya na busy sa pagpupunas ng mga furnitures.
"Ganun ba sige, kanina pa kita ginigising para pumasok , ayaw mo naman, akala ko tuloy ay hindi ka papasok na late ka pa tuloy."
Napakamot na lamang ako sa batok sa sinabi ni yaya.
"Hehe hang over po e. Sige po pasok na ako." pagpapaalam ko kay yaya," Oo nga po pala, Alam nyo po ba kung sino ang naghatid sa akin kagabi ? Wala po kasi matandaan."

"Yung girlfriend mo iho ang naghatid sayo kagabi." tumawa ito ng bahagya, "Napaka swerte mo sa girlfriend mo iho." dahil sa sinabi ni yaya ay hindi ko mapigilan mapangiti, but at the same time masaktan.

Naglalakad na ako papuntang room ng harangin ako ni Mayen. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
" Hindi mo ba ako papansinin Cheno?" tanong ni  Mayen sa akin.
"What do you need ?" Lumapit ito sa akin na para bang nangaakit. Umiwas ako ng tingin dahil ayoko makita ang ginagawa niya.
"Gusto lang kita ayain mamayang gabi, let's have a dinner." sagot niya habang inaayos ang polo ko. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya , kaya inilayo ko ito sa akin.
"Sorry pero ayoko." tumaas ang kanang kilay niya sa sagot ko. Psh. Masisisi ba niya ako kung ayaw ko sumama sa kanya at tsaka ayoko magalit sa akin si Steph. Kung may gusto man akong kasama mag dinner si Steph lang yun, ang aking prinsesa.
Akmang lalakad na ako paalis nang hawakan ako ni Mayen sa braso." You will regret this Cheno, good luck na lang sa mangyayari kay Steph." pabalya niyang binitawan ang braso ko at tsaka umalis. Napabuntong hininga na lamang ako sa ginagawa niya how desperate she is.

"G-good morning miss.." bati ko sa professor namin na kasalukuyan na nagdidiscuss. Tumaas ang kilay niya sa akin kaya napalunok naman ako. Ito pa naman yung pinaka terror na prof namin. Naglakad siya papunta sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa, kaya napaiwas ako ng tingin. "Take your seat now Mr. Lopez once again na malate ka pa sa klase ko I will drop you in my subject understand ?"tumango na lamang ako bilang sagot ko, tila nawala pansamantala ang dila ko dun ah.

"Hang over? Tss. Next time 'wag ka na magiinom Cheno." bungad sa akin ni Steph. Hindi niya ako tinatapunan ng tingin dahil nakikinig ito sa prof namin na abala sa pagdi-discuss.
"Hoy Cheno! Balita ko nag inom ka na naman kagabi ? Sinabi sa akin ni Brint e. Nako kung ako sayo titigil na ako sa paglalasing, baka maulit uli ang nangyari." Singit ni Kim daldalera.
"I'm sorry hindi na mauulit."
Makalipas ang ang ilang oras ay natapos din ang klase. Kaya nagsimula nang magtayuan ang mga kaklase namin para mag recess.
"Let's go? Libre ko na kayo." alok ko sa dalawa.

••••

"Thank you."

"For what?"

"Thank you kasi inasikaso pa rin ako."

"That's my responsibility, dahil girlfriend mo ako Cheno. Pasalamat ka at naisipan kong tawagan kita, di baka kung ano na nangyari sayo tss." pagsusungit nito sa akin. Nakapamot na lang ako sa batok ko.
"Promise hindi na mauulit, ayoko na mag alala ang prinsesa ko." sabay kindat sa kanya.

"Hoyy! Kumain na nga kayo diyan dalawa. Mamaya mapupuno na ng langgam itong cafeteria sa inyo e." napatawa na lamang ako sa sinabi ni Daldalera. Palibhasa kasi wala si Brint.
"Inggit ka lang daldalera e." tapos nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"A-ano ? Ako daldalera? Kung ihampas ko kaya sayo 'tong kinakain ko Cheno hmp!"

"Tumigil nga kayong dalawa para kayong mga bata, kumain na lang kayo. " bigla naman kami natahimik ni Kim nang magsalita si Steph. Bad mood ba 'to? Ang sungit eh.

Nang matapos ang break time namin ay nagpaalam muna ako sa dalawa na pupunta lang ako ng banyo. Habang naglalakad ako ay may napapansin akong sumusunod sa akin, kaya tumigil ako. Lumingon ako sa likod ko pero wala naman tao. Nagkibit balikat na lamang ako, marahil ay guni guni ko lamang iyon.

Nang makapasok ako sa cubicle ay narinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto kaya nagmadali akong lumabas. Natigilan ako kung sino ang nasa harap ko, si Mayen..

"A-anong ginagawa mo dito? " ngumisi lamang siya at lumapit sa akin at sinunggaban ako ng halik. Hindi agad ako nakaiwas dahil sa bilis ng pangyayari. Marahas ko siyang itinulak, dahilan para mapahampas ang likod niya sa may pinto, kaya napadaing ito sa sa sakit.

"Sa oras na ulitin mo pa ang ginawa mo kanina hindi lang yan ang aabutin mo Mayen." at tinalikuran ko na siya. Narinig ko na lamang na umiyak siya sa loob ng banyo, at sumisigaw.
'Crazy girl..'

STEPH POV

"Okay class dismissed. Ms. Lee sumunod ka sa office ko."

"Kim, Cheno mauna na kayo hintayin nyo na lamang ako sa parking lot." saad ko. Nauna na akong lumabas sa dalawa at dumiretso na sa office ni Ma'am Tolentino. Bakit naman kaya ?
Kumatok muna ako bago pumasok. "Come in."
Dahan dahan kong binuksan ang pinto, "Ms. Lee maupo ka."
Umupo ako sa upuan na kaharap ng table ni Ma'am." Bakit nyo po ako pinatawag?"
"Ms. Lee ikaw ang napili ng school  natin para maging representative sa Ms. MADAC 2019." Nakangiti nitong saad, nanlaki naman ang mata ko," Pe-pero miss Hindi po ako mahilig sa ganyan, iba na lang po ang isali nyo."

"I'm sorry Ms. Lee pero ikaw ang gusto nila dahil maganda ka at matalino. Yun lang naman ang sasabihin ko Ms. Lee pwede ka na umuwi." Wala akong magagawa kundi ang pumayag na lamang.

"Thank you Miss." Nakasimangot akong lumabas ng office ni Miss Tolentino, hindi naman ako mahilig sa ganun bakit ako pa?

"Hi Steph!" napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa name ko. Kaya nilingon ko ito,awtomatiko naman napataas ang kilay ko. Ano naman kayang kelangan ng babae na 'to sa akin tsk.

"Yes?"
"Relax Stephanie I'm not here to argue with you. I'm here to say that Cheno is waiting for you in the Gymnasium. Pinasabi niya lang sa akin yan, I don't know baka may surprise siya sayo. Bye.." at umalis na siya sa harapan ko, napakunot naman ang noo ko.
'Ano bang sinasabi ng babae na yun na nasa Gymnasium si Cheno? Ang bilin ko sa kanila ay sa parking lot ako hintayin hindi sa gymnasium tsk!'

Nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta ako doon, paano kung wala naman pala si Cheno dun ? Di napagod lang ako. Pero paano kung totoo nga sinabi ni Mayen ? Tapos hindi ako pumunta? Edi maghihintay si Cheno ng matagal dun?

Wala akong nagawa kaya pumunta na lamang ako sa gymnasium. Pag wala talaga dito si Cheno, humanda sa akin ang babaeng yun! Binuksan ko ang pintuan at ang tumambad sa akin ay ang madilim na loob.
"Cheno?" tawag ko at unti unting humakbang papasok sa loob.
"Oyyy Cheno nasan ka ba? Magpakita ka nga!"
Naglakad lakad pa ako papasok sa loob hanggang sa makarating ako sa gitna.
"CHENOOO! Kung nakikipaglokohan ka lang sa akin ay hindi nakakatuwa. " inis na saad ko.
Naghintay ako ng Cheno na lalabas ngunit wala pa rin.
'Pinagloloko ba nila ako?'

Padabog na naglakad ako patungo sa may pintuan, nang pipihitin ko na ang pinto ay ayaw na nito mabuksan. Mabilis na kinain ng kaba at takot ang buong sistema ko. Pinilit kong pihitin ang door knob pero ayaw pa rin. Tinadyakan ko na ito, ayaw pa rin bumukas. Kaya naman kinuha ko ang phone ko at sinubukan kong tawagan si Cheno pero walang signal.
'Damn it! Ayoko sa madilim..'

Unti unting tumulo ang luha ko sa takot at kaba, ayoko makulong dito magdamag.

"Tulong! Tulungan nyo naman ako oh! Please buksan nyo ang pinto!" sigaw ko habang kinakalampag ko ang pintuan. Ilang beses akong humingi ng tulong pero wala talagang nakakarinig sa akin. Sumulyap ako sa phone ko para tingnan ang oras at 6:30 na ng gabi. Mas lalong nagdadagan ng takot ang dibdib ko at nahihirapan na rin ako sa paghinga. Ayoko talaga sa dilim.. natatakot ako..
Habang tumatagal ay mas lalo akong nahihirapan sa paghinga hanggang sa..everything wents black...

MY BROTHER IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon