STEPH POV
Kararating lang naming ni kuya at may narinig kaming naguusap sa loob ng bahay it was mommy.
“Please Mrs. Park ayoko ‘wag nyo sa kuhanin sa amin.” Rinig kong sambit ni mommy. Halata sa boses niya na umiiyak siya. Hindi namin ni kuya binubuksan ang pinto. Tumingin ako sa kanya at hinawakan niya lang ang kamay ko. Nanatili lang kami ni Kuya na nakikinig sa usapan nila ni Mommy, nagiba bigla akong pakiramdam ko, kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit.
“Nagmamakaawa na ako sa’yo Mrs. Lee ibalik mo na sa akin ang anak ko.Oo alam ko na nagkamali ako na pinaampon ko siya, nagawa ko lang yun dahil akala ko hindi pa ako handa para maging ina pero nung nawala siya sa akin ay doon ko na-realize na hindi ko pala kaya na mawala ang anak ko. Hinanap ko kayo noon pero ang sabi ay lumipat na kayo ng bahay. Nawalan na ako ng pag asa noon na makikita ko ulit ang anak ko. Then may nakapagsabi sa akin na dito daw kayo nakatira, kaya nagmadali akong pumunta dito sa inyo para Makita ko ang anak ko, please Mrs. Lee ilabas mo na si Stephanie..”
Mahabang saad ng kausap ni mommy, napaupo ako sa sa sahig ng marinig ko yun kaya inalalayan ako ni kuya. Tumulo na lang bigla ang mga luha ko.‘A-ampon ako?’
Tumingin ako kay kuya at bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya mas lalo akong nag break down.
“Kuya..ampon ba talaga ako?” hikbi kong tanong dito.
“Shh stop crying Steph please ayoko Makita ka na may luha sa mga mata mo, nasasaktan ako.” Pagpapatahan nito sa akin, kumalas siya sa yakap at tinitigan ako ng direto sa mga mata ko, ngumiti ito sa akin .“I think this is the right time..be strong nandito lang ako hindi kita iiwan.” Saad niya at hinalikan ako sa noo ko. Halos sumabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito.
Inalalayan niya ako makatayo at hinawakan niya ang door knob, tumingin muna ito sa akin, hinihintay ang sagot ko.‘Am I ready to know the truth?’
Tumango ako sa kanya senyales na pwede na niya buksan ang pinto. At doon ko nakita ang kausap ni mommy nasa mid’s 30 lang ito,katamtaman ang haba ng buhok.
“Mo-mommy..” sambit ko para makuha ko ang kanilang atensyon.
“B-baby?” gulat na tanong nito bago tumayo at lumapit sa akin. “Mommy..”niyakap ko si Mommy ng mahigpit at umiyak muli.
“Shhh baby stop crying, everything will be alright.” Saad nito at kumalas sa yakap ko at hinawakan ang mukha ko bago pinunasan ang mga luha ko.
“Totoo ba yung sinasabi niya?”
Umiwas ito ng tingin at nagsimula na pumatak ang mga luha niya.
“Anak I’m sorry..sorry kung hindi na-namin inamin sayo ang totoo. Natatakot kasi kami na baka lu-lumayo ang loob mo sa amin ng Daddy mo.. Ba-baby sana mapatawad mo ang Mommy..”Ngumiti ako sa kanya, “Mommy hindi po ako galit sa inyo..Pe-pero.. ayoko sumama sa kanila Mommy.. please don’t agree..” pagmamakaawa ko. Ayoko malayo sa kanila lalo na kay Kuya, hindi ko yata kakayanin pag nangyari yun.
“Kuya ayoko malayo sayo.” Baling ko kay Kuya.
“Anak Stephanie.. sumama ka na sa akin..Miss na miss na kita anak.” Sabat nung sinasabi na totoo kong Mommy daw. Umiling ako sa kanya.
“I’m sorry miss but I can’t go with you. I don’t want to leave my family here.” Cold kong sagot, akmang hahawakan niya ako pero lumayo ako. “Anak please sumama ka na sa akin. Ayaw mo ba makilala ang totoo mong pamilya?”“I’m sorry Miss. You can leave now. “
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi kita kasama!” sigaw nito. Nag init ang ulo ko dagil sa ginawa niya. How dare she to shout at me like that?

BINABASA MO ANG
MY BROTHER IS MY BOYFRIEND
RomantizmSabi nila ang LOVE walang pinipili. Pero paano kung ang napili nito ay maling tao ? Itutuloy mo pa ba at ipaglalaban ang feelings mo para sa kanya ? O pilit mong iiwasan ng 'wag nang lumala ?