KIM POV
"Bakit ba ang saya mo?"masungit na tanong sa akin ni Steph. Pa'no kasi kanina pa ako nakangiti dito. Hinawakan ko ang kamay niya dahil sa kilig hindi ko na sinasadyang mahigpitan ang hawak sa kanya.
"Aray! Kim nababaliw ka na ba?"singhal nito sa akin. Napakamot na lang ako ng batok ko dahil sa hiya kay Steph.
Ilang araw na naman ang nakalipas simula nung nag ayaw ng kasal sa akin si Brint. Yes, you heard me right ikakasal na rin kami ni Brint at sobrang saya ko. Akala kasi ni Steph siya lang may karapatan ikasal, hindi naman ako magpapahuli-hindi kami magpapahuli ni Brint ko.
Flashback
"Brint? Ano bang gagawin natin dito? Ba-bakit ang la-lamig? Nasan ba tayo?" kabadong tanong ko malay ko ba kung may balak na akong patayin nitong boyfriend ko, worst naka blind fold pa ako.
"Relax Kim.. hindi kita sasaktan haha. Be careful-okay one more step.."aniya habang akay akay ako upang hindi ako ma-out of balance.
"Pagkabilang ko ng 3 tsaka ko lang aalisin ang blind fold mo okay?"
"Fine! Basta bilisan mo na Brint, hindi na nakakatuwa 'to, bakit kasi may ganito ka pang nalalaman eh. Kailan ka pa naging sweet ng ganito?"
"Ngayon lang. "
"Tsk."
"1.."
Nagsimula na itong bumilang. Kanina pa ako nagiisip kung anong pakulo ang naisip ng boyfriend kong maarte na 'to.
"2.."
Malapit na kami mag 7 months, ngayon lang siya gumawa ng ganitong eksena kaya nakakapanibago ang mga kinikilos niya. Noon nga ay monthsarry namin pero hindi niya man lang ako sinurpresa kaya nainis ako sa kanya noon. Pero kahit ganun ay mahal ko pa rin ang napaka arteng boyfriend ko sa lahat.
"3.."
Ramdam kong inaalis na niya ang pagkaka blind fold ko. Hindi agad ako makatingin sa kanya dahil nanlalabo pa ang aking paningin sa tagal kong nakapiring.
"Surprise!"
Sa wakas ay naaninag ko na ng malinaw ang mukha ni Brint. Napatakip na lang ako sa bibig ko ng marealize ko kung ano ang nasa harapan ko ngayon. Isang table sa gitna ng isang malaking puso gamit ang mga petals ng rose at sa paligid nito ay may mga kandila na iba't iba ang kulay at yung mga puno na nakapalibot ay may magagandang Christmas lights na nakadagdag sa ganda ng paligid. Damn! Kinikilig ako!"Y-you.."
"Don't you like it?" tanong nito sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil pa rin sa pagkabigla. 'Yung boyfriend kong wala ginawa kundi ang inisin ako, ay sinurpresa ako ng ganito ay isang malaking himala na para sa akin.
"I love it..t-thank you!" naiiyak kong sambit at niyakap ko ito ng mahigpit na agad din naman niyang ginantihan. "Anong meron?"tanong ko pa sa kanya na ikinatawa niya ng mahina.
"Gusto ko lang bumawi sa'yo, alam ko naman na nagtatampo ka sa akin."
"Wala kang kasalanan?"
"What? Me? Of course not! Wala akong ginawang kasalanan 'no-look Kim I just want to make you smile this day that's why I made this surprised for you."
BINABASA MO ANG
MY BROTHER IS MY BOYFRIEND
RomanceSabi nila ang LOVE walang pinipili. Pero paano kung ang napili nito ay maling tao ? Itutuloy mo pa ba at ipaglalaban ang feelings mo para sa kanya ? O pilit mong iiwasan ng 'wag nang lumala ?