CHENO POV
"Oh Iho! Gabi na nagiinom ka pa? Ikaw talagang bata ka ohh.. tama na yan, sige na magpahinga ka na." si Yaya habang kinukuha sa akin ang hawak kong baso. Hinayaan ko lang ito sa kanyang ginagawa. Hindi ko pa rin lubos na maisip na ni-let go ko na ang babaeng mahal ko..
"Yaya.." tawag ko dito kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa.
"Iho may kailangan ka ba?" lumapit ito, "Nagugutom ka ? Saglit at ipaghahain kita." Umiling lang ako,"Hindi po Yaya.." mahinang sagot ko. "May problema ka ba iho?" at umupo sa kaharap ng upuan ko.
"Yaya.. tama naman ang ginawa ko hindi ba?" tila naguluhan siya sa sinabi ko, nagpakawala muna ako ng mahinang hangin bago ipagpatuloy ang pagsasalita.
"I fi-finally let her go yaya..."
Parang may kung ano na namang matulis na bagay ang tumusok sa puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman nito. Kahit gaano ko pa gusto ipaglaban si Steph ay alam kong matatalo lang ako sa huli.
"Anong ibig mong sabihin, na pinalaya mo na si Steph iho? Wala na kayo?" isang mabagal na pagtango lang ang nagawa ko, I'm dying inside...
"In the first place yaya ako naman talaga ang may kasalanan.. pinilit kong mapalapit kay Steph, pinilit kong mapasagot si Steph kahit na hindi ako laman ng puso niya..habang tumatagal ay parang mas lalong lumiliit ang chance ko kay Steph.. kaya I decided to let her go kahit na masakit para sa akin..Te-tell me Yaya,"tumingin ako sa mga mata niya,"Tama ba na pinakawalan ko ang babaeng mahal ko o mali kasi hinayaan ko siyang makuha ng iba?" Hinawakan ako ni Yaya sa balikat ko, medyo may edad ni si Yaya kaya sa kanya ako nag open. Ngumiti ito sa akin, at ginulo ang buhok ko."Walang mali sa ginawa mo iho, sabi mo nga kanina mahal na mahal mo si Steph.. May kasabihan nga tayo na kapag mahal mo ang isang tao kahit ikasasakit mo basta para sa ikasasaya niya gagawin mo..Pinakita mo lang na malakas ka Iho.. hanga ako sayo kasi mas inisip mo ang ikabubuti ng lahat." napangiti naman ako sa sinabi ni Yaya sa akin. She's right..makita kong masaya ang babaeng mahal ko ay magiging masaya na rin ako.Habang naguusap kami ni Yaya ay biglang nag ring ang telepono, kaya tumayo si Yaya para sagutin ito. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero si Yaya ay nakatingin sa akin at nakangiti na naman. Bumalik si Yaya sa pwesto niya, "Tumawag mommy mo iho."
"Bakit daw po Yaya?""Nagpa book na ng flight papuntang Canada ang mommy mo para sayo."kumunot ang noo ko sa sinabi ni Yaya. Bakit naman ako pupunta sa Canada? Wala naman akong gagawin dun tss.
"What ? Please tell to Mommy hindi ako pupunta sa Canada." tumayo na ako sa upuan ko at napagdesisyonan na umakyat na sa kwarto ko.Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama, tumitig ako sa kisame. Biglang nag flash lahat ng mga pangyayari sa amin ni Steph.. I missed those kind of memories, I want to make more good memories with her, pero pa'no, hindi ko na siya pagmamay-ari and will never be. Hindi ko namamalayan na tumulo na naman ang mga luha ko, hindi ako nag abalang punasan ito. Gusto ko na maubos ngayong gabi ang mga luha ko para hindi na ako iiyak in the next day. Crying doesn't mean that you're weak, kaya 'wag kayong matakot umiyak sa harapan ng taong mahal n'yo. Walang taong mahina..
••••
Nagising ako sa alarm ko, kaya pinatay ko na ito. At may halong inis na tumayo bago tuluyang pumasok sa banyo. I opened the shower, dinadama ang malamig na tubig na dumadaloy ngayon sa katawan ko, habang nakatingala.

BINABASA MO ANG
MY BROTHER IS MY BOYFRIEND
Любовные романыSabi nila ang LOVE walang pinipili. Pero paano kung ang napili nito ay maling tao ? Itutuloy mo pa ba at ipaglalaban ang feelings mo para sa kanya ? O pilit mong iiwasan ng 'wag nang lumala ?