STPEH POVMas lalo kaming naging busy dalawa dahil nga sa nalalapit na kasal namin at sa Bridal shower ko na gaganapin sa Bulacan. Isang linggo na lang at ikakasal na kami napakabilis ng panahon parang kelan lang ay nagpa-plano pa lang kami pero ngayon ito na ilang araw na lang ang hinihintay at magiisa na kami ni Hubby.
“Sigurado ka bang pupunta ka pa sa Bridal Shower mo Wifey?” nakasimangot na tanong ni Hubby.
“Hubby kailangan nandun ako, ako kasi yung ikakasal. Hindi ba kayo rin naman may party mamaya hmp!” tampo kong tugon dito,
” Sure akong may mga babae dun.” Sabay nguso ko dito. Ginulo niya ang buhok ko bago niya ako yakapin.“Kahit ilang babae pa anng nandun, kahit mas sexy pa sila sa’yo.. ikaw lang ang pipiliin ko Wifey.” Bulong nito sa tapat ng tenga ko and it gives me goosebumps. Humarap ako dito at pinisil ang pisngi.
“I trust you more than I trust myself Hubby..”
“And I love you more than I love myself Wifey. Maligo ka na ihahatid kita sa Bulacan.”
“Malayo ang Bulacan Hubby baka hanapin ka nila.”
“It’s okay. Mas importante sa akin ang safety mo kaysa sa party na ‘yun. "
“Pe-pero…”
“No buts Wifey, sige na maligo ka na.” saad pa nito at binuhat ako papasok sa banyo.
“I’ll wait you downstairs.” Then he winked at me before he closed the door. Napailing na lang ako sa ginawa niya at the same time kinikilig din ako.Tapos na akong maligo at sinuot ko na ang binili kong dress kahapon. Simple white dress na above the knee, backless at medyo kita ang cleavage pa nito. I put light make up on my face para naman bumagay ang itsura ko sa dress ko. Nang ma-satisfied ako sa itsura ko ay bumaba na ako at kitang kita ko ang pagkagulat sa mata ni Hubby. I want to laugh because of his face para kasing ngayon lang niya ako nakita na ganito ang ayos ko.
Nang makarating ako sa tapat nya ay nagsalubong ang mga kilay niya kaya nagtaka ako.“Why?”
“What are you wearing?” singhal nito.
“Dre-“
“That’s not what I mean tss.” Galit na saad nito. Ano bang problema nito? Akala ako pa naman gusto niya hmp. Pakiramdam ko tuloy ang pangit ko.“Then what?”
“Bakit ka nagsusuot ng ganyang damit? Kulang na lang makita ang kaluluwa mo diyan psh.”
“Maganda naman a-"
“You don’t need to wear a revealing dress just to make you beautiful, a simple one will do. Maganda ka kahit anong damit ang isuot mo.” Humaba ang nguso ko sa sinabi niya, ang ganda kaya ng suot ko.“Change your clothes.”
“W-what?”
“Narinig mo ako.”
“Ayoko Hubby. Okay na ‘to.” Pagpupumilit ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng hinubad niya ang suot na jacket at isinuot sa akin.“Don’t you dare to remove that Wifey. Ayoko ng may iba pang makakita ng katawan mo except me.” Wika nito at hinila na niya ang kamay ko palabas ng bahay. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang.
“May lalaki ba dun?” biglang tanong nito sa akin. Nasa loob na kami ng sasakyan, papunta na kami sa Bulacan.
“I don’t know Hubby.”
“Make sure na walang lalaki doon.”
“Pa’no ‘pag meron?” kumunot ang noo niya at inihinto ang sasakyan saglit.“Pupunta agad ako para sunduin ka kung meron man.” Seryosong sambit nito at nagpatuloy na ulit sa pagmamaneho.
Makalipas ang ilang oras ng byahe ay finally nakarating na agad kami.

BINABASA MO ANG
MY BROTHER IS MY BOYFRIEND
RomanceSabi nila ang LOVE walang pinipili. Pero paano kung ang napili nito ay maling tao ? Itutuloy mo pa ba at ipaglalaban ang feelings mo para sa kanya ? O pilit mong iiwasan ng 'wag nang lumala ?