CHAPTER 35

2.8K 68 9
                                    

STEPH POV
Nag unat muna ako bago bumangon sa higaan, maaga pa naman para pumasok, kaya bumaba na muna ako dahil bigla akong nauhaw.
'Grabe ang haba pala ng tulog ko.'
Bakit ganun ? Napanaginipan ko si kuya na nasa kwarto ko tapos... hinalikan niya ako sa noo tapos.. may sinabi siya pero hindi ko maintindihan.

Pagkarating ko sa kusina ay naabutan ko si Mommy na nagluluto.
"Hi mommy, good morning."bati ko dito.
"Oh baby ang aga mo naman ata gumising." tapos hinalikan niya ako sa pisngi ko.
"Bigla po kasi ako nauhaw mommy e hehe."

"Ganun ba? Wait ikukuha kit-"

"Mommy ako na po ang kukuha." pagpigil ko.
"Alright. Ilang minuto na lang ay maluluto na ito baby. Hintayin mo lang para makakain kana agad." tumango na lamang ako at pinanood si mommy na magluto.
Nakakamiss talaga si mommy, lalo na yung mga luto niya. Ever since kasi sina Manang na ang nag alaga sa amin ni Kuya. Lagi kasi sila ni Dad wala dahil sa business namin.

"Here kumain ka na baby, then mag ready ka na para sa school mo." bigla naman akong naglaway sa mga nakahain na pagkain shocks ang mga peyborit ko hihi.
"Waahhh mommy thank youuuu." Magiliw kong saad.
"Eat up baby. Baka malate ka." tumango na lang ako nagsimula na kumain. Pakiramdam ko last meal ko na ito sa daming pagkain na nakahain.

"Kamusta kayo ng kuya mo baby?" nasamid naman ako sa tanong ni mommy. Kaya inabot ko ang tubig.
"Be careful Steph, hinay hinay lang. Kamusta na kayo ?" paguulit na tanong ni mommy.

"A-ah hehe okay lang po kami mommy.." nahihiyang sagot ko. Bakit ganun parang iba ang dating sa akin ng tanong ni mommy tsk.
"That's good to hear. I'm sorry kung wala kami lagi sa tabi nyo ng kuya mo..Alam mo naman na inaasikaso namin ang company natin baby.. gusto namin maganda ang maging kinabukasan nyong dalawa"malungkot na wika ni mommy. Inabot ko naman ang kamay nito, " Mommy okay lang, hindi na naman kami bata ni kuya para hindi kayo maintindihan eh." Tumayo si mommy at niyakap ako ng mahigpit. "I'm so happy that you came to our life baby.." maiyak iyak nitong saad.
"Mommy bakit ka umiiyak ?"
"Tears of joy lang anak, sige na kumain kana."

••••
Habang papunta na ako sa room namin ay nakita ko ang grupo nina Mayen, bago pa ako makarating sa room namin ay madadaanan ko muna sila.

"Oh! Hi Steph kamusta ang surprise sayo ni Cheno sa Gymnasium ?" Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya. " Ang sweet nga e, sa sobrang sweet nang ginawa niya sa akin, kinilig ako to the point mananakit na ako ng katabi ko." sabay ngisi ko sa kanya. Nagulat naman ito sa sinabi ko. Magkaharap na rin naman kami susulitin ko na pft. Hinawakan ko nang mahigpit ang braso, kaya napadaing ito sa sakit.
"O-ouch! Oh my gosh let me go you bitch!!" tinitigan ko ito sa mata niya," Don't messed up with me or I will burn you in Hell.." sabay alis sa harap niya. I don't like wasting my time in that kind of trashy person.

"Bad mood ? Aga aga nakakunot ang noo mo. Oo nga pala kamusta ka na? I heard na sinugod ka sa hospital? Gosh bff sino may gawa sayo nun ? Sabihin mo sa akin, I will crash them into small pieces!" gigil na saad nito. Napabuntong hininga na lamang ako bago umupo sa upuan ko, napalingon ako sa katabi ng upuan ko. Wala pa si Cheno.
'Absent kaya yun?'
"Hoy gaga! Kinakausap kita, sino may gawa sayo nun ?"

MY BROTHER IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon