Kabanata III

240 15 17
                                    

Hindi ko ba alam kung anong pumasok sa kokote ko at napuno ito ng kuryosidad. Guess what happened to Shaya the great who does not even hold her phone but now roaming data just to do research about a blue eyed guy.


I searched "Devin" because that's all I remember. I was shocked to found out because he was the first one to appear and he's all over the internet, at ilang linggo palang ang nakakalipas magmula ng ilaunch ang bago niyang movie. And now, it's already a blockbuster hit. Rumors and images already spread about his vacation here in RiaDeVigo.

Isang balita at may kaakibat na litrato ang pumukaw sa atensyon ko. The headline is: Mystery Girlfriend? It was him talking to a girl. Hindi lang basta babae! Ako iyon!

"WHAT THE FUCK" bulalas ko habang nakatingin sa screen.

"Hoy, Shaya! Kelan ka pa natutong magmura ha!"

"Ever since I was fourteen, Kuya." Matalim ang titig niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Iritang irita ako sa nakita ko dahil hindi pa man din nakikita ang hitsura ko e, ang dami na agad nambabatikos sa akin. I scrolled to view more comments, at halos ganito ang mga nakalagay.

"Chelsea and Devin!! Walang titibag!"
"My ship will never sink! Sino ba kasi yang epal na yan?"
"ChelVin pa rin mga ulol!"
"Ew, go away, girl. Another desperate woman."

Dahil sa iritasyon, halos mabalibag ko ang cellphone. I turned off my data and placed it on the drawer.

"Oh? May galit ka sa drawer?" tanong ni Kuya Reschian. I puffed out a breath as I sat on the wooden couch.

"Ano ganap? Bakit mukha ka nanamang binagsakan ng langit diyan?" tanong ni Kuya Reynan at umupo sa tabi ko.

"Emmanuel?" tugon ni Kuya Reschian na mas lalo ko pang ikinairita. I glared at him but he just grinned widely.


"Umayos ka ngang unggoy ka." I crossed both of my arms at Kuya Reynan's reply.

"May artista raw sa inyo, Shaya ah? Yung sino nga ba ulit yon? Kakalabas lang ng pelikula nila, e. Napanood namin iyon ni Nenita noong isang linggo."

"Devin Bradford Ziegler." tugon ko nang may diin sa bawat salita. Kunot noo akong tiningnan ni Kuya Reynan.

"O? Bakit parang galit ka? Teka, siguro—" Nagkatinginan ang dalawa at nagapir. Ano nanaman ba ang iniisip ng mga ito?

"Mali iniisip niyo, pustahan." sabi ko habang pinamaywangan lamang nila ako.

"Pusta, isang daan. Ano?" dagdag ni Kuya Reschian. Tumango naman si Kuya Reynan. I smirked as I nodded. Tingnan lang natin.

"May gusto ka ron!" sabay nilang tugon. I gave them a poker face as I placed my hand infront of them.

"Amin na isang daan ninyo." tugon ko na ipinagtaka ng dalawa. Nalaglag ang panga ng dalawa. One thing I love about the three of us, we all know when we're lying or not. At sa pagkakataon na ito, walang bahid ng kasinunggalingan ang sinabi ko.

"Pero—" Pinutol ko ang sinabi ni Kuya Reschian at nanatiling nakalahad ang kamay.

"O ayan. Ngayon, kwento." tugon ni Kuya Reynan. Nginisian ko lamang siya, sabi na, hindi pa rin ako makakatakas.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon