Nenita's POV:
Tahimik akong nangalumbaba sa lounge. Isang linggo na lang ako dito sa trabaho. Malapit nanaman ang pasukan. Lumingon ako sa aking kanan at nakita ko si Shayang nakakunot ang noo, tila sobrang lalim ang iniisip.
Ah ganon! Hindi ka talaga magsosorry! Nagulat ako nang lumingon siya sa akin. Mabilis kong inilihis ang paningin ko sa ibang direksyon. Nakarinig ako ng mga yapak magmula sa kanan.
Narinig ko ang pagtikhim niya pero hindi ko siya pinansin. Inulit niya pa iyon ng dalawang beses bago magsalita.
"Nenita..." Nako! Wag moko daan daanin sa mga ganiyan, Shaya. Hindi ako papaapekto.
"Nenita." Sinundot niya ang tagiliran ko. Bahagya pa akong napatili dahil malakas ang kiliti ko roon.
"Ano ba?!" singhal ko sa kaniya, nang hindi siya hinaharap.
"Nenita..." tawag niya muli. Ano?! Tatawagin nalang na ako nito nang paulit-ulit? Umirap ako sa kawalan.
"Ate Alyson.." Halos mabulunan ako nang tinawag niya akong ganoon. Gulat akong tiningnan siya habang siya ay tahimik at nakamasid lang sa reaksyon ko.
"Huwag mo nga akong tawagin non!" sabi ko sakaniya. Napapikit siya nang mariin, dahil sa boses ko. Tsk! Wala pa nga! Hindi pa nga ako nasigaw nang todo!
"Eh hindi ka humaharap sa akin,e?" Kumunot ang noo ko at tumalikod ulit. Nakakainis to! Nakaharap na ako lahat lahat, hindi pa rin humihingi ng tawad!
"Nenita naman!" pagmamaktol niya hanggang sa nakarinig ako ng hikbi. Agad naman akong humarap sa kaniya at nakita siyang sumisinghot singhot at nakatakip ang dalawang mata.
"H-huy, wag ka nga umiyak." sabi ko saniya pero patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Tinapik ko ang balikat niya.
"H-huy! A-ano ba! H-huwag ka nga umiyak!" Rinig ko pa rin ang pagsinghot niya. Ano ba yan!
"Oo na! Pinapatawad na kita! Huwag ka na nga umiyak diyan! Tumigil ka—" Ako ang natigilan nang tinunghay niya ang kaniyang ulo at inalis ang magkabilang palad habang may malaking ngiti sa kaniyang labi.
"Okay, wala nang bawian ah?" saad niya.
Walang kaluha luha ang mata niya at wala rin namang tumutulo na kung ano galing sa ilong niya. Saka ko lamang napagtanto.
"Bwisit ka! Hindi ka naman pala naiyak!" sabunot ko sa buhok niya na agad naman niyang ikinadaing, pero hindi naman pumalag ang lola niyo.
Parang ang sarap maggalit galitan tuwing alam mong may maglalambing sa'yo. Matesting nga kay babylabs, minsan.
"Hindi ka na galit, ah?" Inirapan ko lang siya na agad naman niyang kinasimangot.
"Oo na! Hindi na! Bruhang to! Sabihin pa ng mga tao inaaway kita!" Nakita kong may sumilay na ngiti sa labi niya kaya naman napangiti na rin ako.
"Pero seryoso, naiinis pa rin ako sa'yo, bakit ba kasi—"
"Ipapaliwanag ko sa'yo sa tamang panahon. Sana maintindihan mo ako, I just don't want you to be in trouble. I want you to be in low profile as much as possible." Napataas naman ang kilay ko sabay turo sa aking sarili.
"Ako? Low profile? May ilolow pa ba tong profile ko, te? Makasabi ka naman niyan parang ako yung lumabas sa TV? Ako ba, te? Ako?!" sigaw ko sa kaniya na ikinangiwi niya.
Minsan rin, hindi ko alam kung sinasapian ba ito o ano. Bigla bigla nalang magsasabi ng kung ano-ano tapos ang mas masahol pa,e, bigla nalang magiging sobrang tahimik na akala mo bomba na kapag hinawakan mo'y anumang segundo'y sasabog.
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomansaSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?