Kabanata XVII

117 10 10
                                    

Takip ng dalawang palad ko ang aking mukha. I've been crying for I don't know how many long.

"Umalis ka na kasi." I said, for the twelfth time. I heard him sighed once again. I also heard how he throws some pebbles to the sea.

"I always keep my word. I told you earlier, I won't leave unless you stop crying."

Hindi ko pa rin inaalis ang dalawang palad ko. Sa dinami-dami pa ng makakasama ko, heto pa. Pustahan, pag may nakakita nanaman sa aming iba, mayayari nanaman ako ng media. Isa pa, mukha na akong dugyot, tapos siya pa ang makakakita.

"Pucha naman e, doon ka na kasi, tatawanan mo lang hitsura ko e." Alam kong sa puntong ito, magang maga na ang mata ko kakaiyak at buhaghag na ang buhok ko.

"I won't." Shaya, scam yan. Maya-maya bigla yang tatawa, ugali pa naman netong asarin ako. Ramdam ko ang kaniyang kamay na pinipilit tanggalin ang mga palad ko sa aking mukha.

"Isa!" sigaw ko habang nakatakip pa rin ang mga palad.

"You've been crying for an hour and a half. Iuuwi na kita."

"Ayoko nga!" sigaw ko ulit pabalik.

"Shaya, wag makulit, please. Gabi na oh. Baka hanapin ka ng mga kuya mo." malumanay niyang sabi.

"A...yo...ko." Naiiyak ko nanamang sabi. Peste talaga! Bakit ko pa kasi nakita! Mga malalandi! Ang sakit sakit ha! Walang pasintabi. Nanghina ang mga kamay ko at tuluyan nang natanggal ni Devin ang pagkakatakip ko sa mukha ko.

Yumuko ako para hindi niya makita ang hitsura ko. Hinayaan ko ring mahangin ang nakalugay kong buhok para matakluban ang aking mukha.

"Hey." Ang kulit talaga ng lalaking to kahit kailan.

"Sabi ko kasi sayo, umuwi ka na. Iyan! Magagabihan ka pa pati si Kuya Ernesto." dire-diretso kong sabi na ikinatawa naman niya. Bahala na nga, iniangat ko ang aking mukha at pinahid ang mga luha sa pisngi.

"Para kang bata...." Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Edi ikaw na matured!" sigaw ko. Nagulat siya sa aking inasal. Lumandas ang kaniyang kamay sa aking pisngi na siyang ikinaatras ko. He , then smiled after wiping my tears away.

"You shouldn't cry over someone who failed to see how special you are. They are not worth your tears." seryoso niyang sabi habang nakatingin sa aking mata.

Tinapik ko ang kamay niya sa aking pisngi. He smirked at my response. Siraulo talaga to.

"E sa masakit eh! Ikaw kaya ipagpalit?! Sa kaibigan mo pa?! Tapos hindi ka pa nakakamove on?? Tapos hindi mo pa malalaman kung hindi mo sila mahuhuli sa akto! Ano gagawin mo?! " I ranted out.

"It will hurt. The past will always haunt you.  But it's your choice, either you let it change you, or learn from it."

I stared at him. He heaved a sigh and throw another pebble. Umiling ako nang paulit-ulit. Hindi talaga nila maintindihan. Wala talagang magawang umintindi sa akin. Can't they see that I'm trying?

"Pero paano kung nastuck ako? Nanatili sa nakaraan. Hindi makalimot. Hindi matanggap." He nodded his head as he bit his lip.

"Then there's something that is pulling you back. You need to know what that is, for you to let go...for you to move forward." Mapait na ngiti ang iginawad ko sa kaniya.

"Alam ko naman na iyon." Pain flashes in his eyes...or was it just me?

"Use me." tugon niya. Pagong ang pagpoproseso noon sa utak ko. Use him for what? Huwag mong sabihin... I shook my head and diverted the topic.

"Sorry, naabala pa kita.... pero ikaw kase! Nagpumilit ka pang samahan ako! " Bawi ko. He let out a chuckle.

"Ang sincere ng sorry mo." he stated.

"Ano gusto mong sorry ha? Yung mala-Chichay? O eto. Sorry poooooo!" I said as I bow to him. Nakita ko ang pag-irap niya. Aba hoy!

"Iniirapan mo na ako ngayon ha?!"

"That wasn't—-"

"Hep! Wag ka magsalita. Ayoko marinig ang rason mo!"

May sinabi siya na hindi ko marinig. Kaya halos lumuwa ang eyeballs ko ng sabihin niya iyon. Di ko ba alam kung alien language iyon o ano. Ano raw? Nabingi ata ako?

"Ha?" Matagal niya akong tinitigan at ngumiti.

"Hmmm." he replied.

"Ano nga kase?!" pangungulit ko. Umiling lang siya at kinuha ang cellphone sa bulsa.

"I'll contact Kuya Ernesto. Tapos na rin naman siguro sila ni Kuya Rene na magkwentuhan." tugon niya at umalis sa aking tabi para maghanap ng signal sa kabilang dulo ng pantalan.

Tahimik ko siyang pinagmasdan habang nakalagay ang cellphone sa tainga. Did he really mean what he said earlier? That can't be....tsaka bakit naman?

"Pabalik na si Kuya Ernesto. Ihahatid kita sa inyo. Let's just wait for a little while." he declared, without any interruption of mine. 

Tumungo kami sa dulo ng pantalan, tanaw ang mga tala at tunog lamang ng mga alon at ang pagkaliskis ng mga dahon ng matatayog na puno ang aming naririnig. Magkatalikod kaming dalawa dahil gusto raw niya ng masasandalan. Ginawa pa akong back rest ng kumag na to.

"Ford...." panimula ko. 

"Hmm?" 

"Thank you for today. Hindi ko alam kung paano ko mahaharap iyong kanina." 

"Don't worry. You did great as well. I saw how you confronted Rubilyn earlier." he replied. 

"Am I a bad person?" tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-angat ng kaniyang likod. 

"Do I deserve this pain?" dugtong ko pa. Namumuo nanaman ang mga luha sa mga mata ko. Wala na atang katapusan to, e, no.

"You're not. But there's a reason why you're hurting."

"Is that the reason why you're here too?" I asked. He stared at me then quickly avoided my gaze. 

"I know this is not just some vacation. You wouldn't even dare to step in this island in the first place." Malamig na tingin ang isinukli niya sa akin.

"Shaya..."

"Is your soul lost too, Ford?" tanong ko sakaniya, habang pumapatak ang aking mga luha. Tiningnan niya lang ako habang nakaawang ang bibig, tila may gustong sabihin. I smiled. Our silent stares was cut off by a loud siren. 

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon