Kabanata V

174 10 21
                                    

"Show us the way to your house." sabi nito sa akin. I blinked numerous times as I tried to process what he's trying to tell me.

"Ha? Seryoso ka ba?" he nodded as I replied.

"Was never fond of lies, Shaya." tugon nito habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Unless your family doesn't entertain visitors? Bawal ba? I can just drop you off--"

"Hindi naman sa ganoon. Sa totoo lang, wala akong kasama sa bahay nang ganitong oras." mabilis kong tugon. Isipin pa nito, sobrang sama ng pamilya ko. Marahan niya akong tiningnan.

"Daan tayo sa bayan, I'll buy something first before sending you home."

Kinamot ko ang aking ulo habang pinagmamasdan ang kasama ko, paano ba naman kasi? Wala pa atang isang minutong paglabas namin ng van, dinumog na agad siya ng tao, kung hindi babatiin, magpapapicture. Ang masaklap, ako pa ang pinagpipicture.

"Ate, pwede mo ba kami picturan?" tanong ni ateng nakacrop top at high waist shorts.

"I'm sorry but she's my--" Pinutol ko ang kaniyang sasabihin, baka kung ano nanaman ang sabihin nito, gyera nanaman ako sa social media, panigurado.

"Sige, sige. Just teach me how to capture a photo on your phone." Mabagal na tumango ang babae at tiningnan pa ako nang maigi.

"Taga ibang network ka diba?" tanong niya sa akin.

"Ha?" tugon ko naman.

"Pamilyar kase ang mukha mo." 

"Magpapapicture ka o magpapapicture ka?" Mataray kong tugon. Agad siyang pumunta sa tabi ng artistang kasama ko at nagpose na.

Karamihan sa taga amin ay madalas kinukumpara ako sa isang artista sa telebisyon. Wala naman akong pake, malay ko ba kung sino iyong tinutukoy nila.

"I'm already regretting walking." I puffed out a laugh as his eyebrows furrowed.

"Ayos lang, di naman maiiwasan yan, sikat ka e."

"I'm not."

"Luh siya, pahumble." tugon ko na ikinatawa naman niya.

"If I'm really famous, how come you never know anything about me?"

"Di nga kasi ako nanonood ng TV o kahit ano. Basta, mahirap ipaliwanag." sagot ko habang tumitingin tingin sa paninda.

"How much for this one?" turo niya sa binungey (bamboo rice cake). Tulala pa itong tumingin sa kaniya

"Angkay, magkano raw?" tanong ko sa kaniya na ikinabalik naman niya sa reyalidad. Hay nako, pipol.

"Ah singkwenta isa." tugon niya habang nakatingin pa rin sa aking katabi. Susmiyo, ako nagtatanong, iba sinasagot.

"I'll take ten pieces." Napatingin ako sa kaniya. Limang daan na agad iyon no!

"How about this one po? Magkano?" I chuckled at the way he said "po". Pinagmasdan ko siya habang nakikipagusap sa tindera. Sa totoo lang, ang gwapo nito. Bagay nga sa kaniya ang tawag na "prince charming" ni Nenita.

Baka naman galing to sa ibang mundo tas naligaw lang rito. Iyong katulad sa Enchanted. Pero syempre, biro lang, imposibleng mangyari iyon.

"Ang dami na niyan, mabigat sa tiyan lahat yan." Tinuro ko ang kaniyang mga binili.
Nagkamot siya ng ulo at tumingin sa akin.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon