Kabanata XLVIII

100 11 2
                                    

My eyebrows were completely knitted as I tried to decode every single word in this damn menu. Bukod sa hindi ko na nga alam kung paano basahin, hindi ko rin alam kung ano ang mayroon at kung anong lasa nito!
I stopped trying to understand what's in the menu when I heard Devin's small laugh but immediately stopped when I lifted my eyes to see what he's doing.

"Tinatawanan mo ba ako?" tanong ko sakaniya. Tumikhim siya, sabay tingin sa akin nang seryoso. Acting pa.

"No." Seryosong seryoso ang mukha niya. Kung hindi ko lang narinig iyong kanina, sigurong maniniwala ako....kaso hindi.

"Ayaw ko na dito." Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Hindi mo ba gusto dito?" he asked, caressing my hand. Napairap tuloy ako sa kawalan. Ang galing galing mo talaga manuyo, Tarzan.

"Ayaw ko rito, kasi una, hindi ko maintindihan kung ano man ang nandiyan at pangalawa, tinatawanan mo ako. Aalis na lang ako. Matutulog na lang ako—"

"W-wait. We can go somewhere else. Saan mo ba gusto? I'm sorry, you're just so cute earlier, when you're frustrated."

"Nyenyenye." inis kong sabi. Saglit na umikot ang paningin ko sa kinauupuan namin ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, French restaurant ito.

Anak ng tokneneng naman, kita ko sa mga plato nila ang pinong disenyo ng mga nakahain. Ano ba namang klaseng pagkain yan? Ang laki laki ng plato, tapos nasa gitna lang yung pagkain?! Parang iisang piraso tas ang liit pa ng dahon?! Ang mahal mahal tapos ganoon lang?! Hapunan pa man din ang kakainin namin. Paano ako mabubusog niyan?!

"Mga kuripot." bulong ko.

"Sinong kuripot? Do you want to dine in a more expensive restaurant, Shaya? I could reserve one—"

"HINDE!" Napatingin halos lahat ng tao sa restaurant kaya napatakip ako sa aking bibig. Letse ka Shaya! Mahiya ka sa sarili mo, please lang!

"Eh ano? Saan mo ba gusto kumain? Hmm?" pagpapatuloy niya habang nilalaro ang aking mga daliri.

"M-Meron naman sigurong Filipino fast food dito? Gusto ko mag fried chicken at fries." Pinakiramdaman ko ang kumukurog kong tiyan. Nako po. Kasi naman tong si Pacifica! Nangiiwan!

"It's a fifteen minute drive from Burton Way to there. Kung walang traffic. Ayos lang ba?" Tumango lamang ako. Nakatingin pa rin sa kamay niyang nakasalikop sa akin.

"P-pwede na tayo umalis? Hehe. Gutom na talaga ako." He gave me a smile as he stood up from his seat. Tinanggal niya ang kamay niya at nakahinga ako nang maluwag, ngunit nang nakatayo ako ay agad nanaman niya itong kinuha.

"T-teka lang. Ayusin ko lang suot ko." Sinulyapan niya ako at tumango ulit, hindi pa rin tinatanggal ang magkahawak naming kamay.

"Yung kamay mo, Ford." simple kong sabi. Umawang ang bibig niya na parang may sasabihin pero tinanggal niya ito. Bahagya kong hinaplos ang tela ng bistida ko. I'm wearing a Stella McCartney sweetheart neckline mini dress matched with white t-strap peep toe d'orsay platform heels.

"Hoy, wag masyadong pakanganga, Tarzan. Makakain ka ng langaw, sige ka." pambibiro ko. I was taken aback when he lifted my hand then kissed my knuckles.

"I can't." Anong I can't? Ano raw? Ano ba naman to?! Gulo lagi kausap!

"Ha?"

"I really can't take my eyes off you, Shaya Raine." His blue eyes gleamed across the room... charot. Ngunit nakita ko kung paano kumislap ang mga mata niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

"Tara na nga! Tsk! Puro ka kakornihan!" Hila ko sa kaniya palabas. Nang makalabas kami sa restaurant na iyon ay pakiramdam ko ay para akong nabunutan ng hininga. I've felt the pressure again...for the third time. Surrounding myself with those people, it's pretty suffocating. It reminds me of....Agad akong napahawak sa aking dibdib.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon