Kabanata VI

176 13 7
                                    

"Hatid ko na —"

"No need. You need to rest, Shaya. Make sure to share some with your brothers, hmm?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi naman ako ganoon katakaw, no!" Tumawa siya at pinisil ang magkabila kong pisngi.

"Aray ko!!" tugon ko habang minamasahe ang aking pisngi.

"A dumpling." I glared at him. His long fingers raked his messy brown hair as he bit the side of his lower lip.

"Dumpling mo mukha mo, Tarzan." I murmured, but enough to be heard.

"I'll pretend that I did not hear anything." He crossed his arms.

"Ano kaya itsura mo pag nagpagupit?" Tinitigan ko ang mala-Tarzan niyang buhok. It's not that long actually, parang bob cut ng babae ganon, but it's a bit wavy. All in all, he really looks like a prince charming.

"I just grew it for a year." Tumango-tango ako. Edi bago palang pala. Tumingin ako sa papalubog na araw.

"Sir Devin, hindi pa po ba tayo aalis? Baka hindi natin maabutan ang landing barge."

"Goodbye for now, Shaya."

"Sure kayong di ko na kayo ihahatid sa kanto? Baka kasi maligaw—"

"Kuya Ernesto, Shaya doesn't trust you." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya sa balikat na ikinatawa naman niya.

"Hala hindi po, Kuya! Nagaalala lang naman po ako sa inyo."

"A caring dumpling, I see." tawa-tawa niyang sabi.

"Heh! Dali na! Ingat kayo!" tugon ko sakanila at sumakay na ito sa loob ng van.

Nang makaalis sila ay agad akong pumasok sa loob. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa panibagong sakit na nararamdaman. I quickly went to the kitchen and drank a glass of water.

Kinalaunan ay nakahinga ako nang maayos, saktong pagdating rin nila Kuya. I took a deep breath and greeted them with a smile.

"Kuys, Kuya!" Ginulo nilang dalawa ang buhok ko. Ang babastos. Akala ko pa man din, yayakapin ako.

"Oh, sahod mo na? Bakit ang dami mong binili?" Turo ni Kuya Reschian sa pagkain sa lamesa.

"Shaya, diba ang sabi ko sayo, kami na ang bahala sa kakailanganin sa bahay. Magipon ka para sa sarili mo." Should I tell them or not?

"Wala naman akong pagagastusan, Kuya, tsaka —"

"Shaya, alam mo naman ang tinutukoy ko, hindi ba?" I cleared my throat.

"O-Opo." Tumungo ako at bahagyang nahiya. I heard Kuya Reynan sighed.

"Please take care of yourself, your health is more important. Pinayagan ka lang namin magtrabaho ni Reschian dahil alam kong wala kang magawa rito buong bakasyon. Besides, Lolo Fernan will be furious if he finds out that we're not letting you do what you want. He owes you a big favor."

"Naibalik na naman niya ang pabor, Kuya, e. Sobra pa nga to."

"Bakit ba ang drama niyo?"singit ni Kuya Reschian. Sinamaan siya ng tingin ni Kuya Reynan pero hindi naman ito natinag.

"Ang mahalaga, magkakasama pa rin tayong tatlo." dagdag niya nang may seryosong tono. Binatukan naman ito ni Kuya Reynan.

"Korni mo, gunggong."

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon