Kabanata XXVIX

112 10 12
                                    

Shaya's POV:

Shete. Nakakaantok. Alasdies palang ng umaga pero inaantok na ako. Ganitong mga oras kasi, mga nagaalmusal palang ang mga tao dito sa resort. O di kaya naman mga naglalangoy na sa pool o beach.

Nasan na kaya si Dev— Teka, bakit ko ba kasi hinahanap? Umayos ka nga , Shaya. Kanina ka pa. Kakakita mo lang naman ah?! Hindi ka na nakakatuwa ha.

"Huy, sinong kausap mo?" tanong sakin ni Nenita. Mabilis akong umiling at nangalumbaba.

Pinikit ko ang mga mata ko para mawala nang panandalian ang antok. Lagot nanaman ako kay Mam Cleo neto 'pag nagkataon at nakita niya akong paantok-antok sa shift ko.

"Inaantok ako." Mangiyak ngiyak kong tanong. Konting konti na lang pipikit na ang mata k—

"Hi." Napabalikwas ako sa pagkakakalumbaba.

"S-Sir Sebastian." I cleared my throat before standing up from my seat. Ito na ang pangatlong beses na pagkikita namin, if I'm not mistaken, he belongs to one of  the most influential families here in RiaDeVigo, knowing his uncle is the mayor of this town.

"Good morning, Sir Sebastian." Bati ni Nenita.

"Tch. What's with the formality, Aya and Nenita?" tanong niya sa amin habang nakaarko ang kilay. I smiled at him.

"Hindi po kasi—"

"Cut the po, oh please. Wag na kayong gumaya kela Prim at Carrie." Humahalakhak si Nenita.

"Feeling bata ka rin ba, Basti?" tawag sa kaniya ni Nenita. Basti smirked at her.

"Minsan, pag kailangan. Madalas akong pagkamalang kaedad niyo lang. Try me, Nenita." Ako naman ang tumaas ang kilay ngayon. He really is a flirt.

No doubt, Nenita is damn beautiful. Her morena skin, golden brown long hair, deep brown eyes and her rosy cheeks can really tame a guy. Plus,her jolly attitude. Napangiti ako. Bagay na bagay talaga kay Kuya Reschian.

"Oy, wag yan. Kay Kuya ko yan." sita ko sa kaniya. He gave a hearty laugh as he looked down on me.

"Edi ikaw na lang, Aya?" he winked at me. Inirapan ko lamang ito. Natigilan ako nang biglang may umubo malapit sa gilid ni Basti.

It was Devin.

"Prince Charming! Hiii—Ay, hehe hi po." tugon ni Nenita pagkakita kay Devin. Natigil naman ito kakahiyaw nang makitang kasama niya si Devonne. I immediately stiffened.

"What can I help you with, Mam/Sir?" I stated cheerfully. Hindi naman nagsalita si Devin dahil nakatingin lamang siya kay Basti habang si Devonne naman ay nakatingin kay Devin.

"Nakaka OP naman sis. Feeling ko, hindi nila tayo nakikita.Multo na ba tayo sis? Huhu, di pwede." bulong ni Nenita sa akin. I tried my best not to laugh. Ang hirap kapag may siraulo kang kaibigan.

Bago ko pa pagsabihan si Nenita ay sinitsitan na ako ni Basti.

"Who's Miss Fuentebella?"

"Ako/Ako." sabay naming sabi ni Nenita. I looked at Nenita with curiousity.

"Ay hehe, future Fuentebella palang pala. Yung present, eto." turo niya sa aken. Tsk.

"I'm Shaya Raine Fuentebella. Bakit... po?" nagaalinlangan akong mag po. Malay mo mamisunderstood pa ako, sabihin matanda tingin ko sa kaniya.

"Ahhh. Now I know." she smirked then looked at Devin meaningfully.

"Let's go have some lunch in the house, Vin. Balik nalang tayo for sunset viewing." dugtong niya habang nakatingin sa akin. Ang weird naman ng babaeng to, hindi ako ang kausap, pero sa akin nakatingin. Hilaw akong ngumiti.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon