Kabanata XXXI

105 11 3
                                    

Nakakatatlong baso na yata ako ng tubig, pero sampung minuto pa lang pagkatapos kong magising. Isa lang ang mahihiling ko ngayon. Ilayo niyo ako dito! Kahit saan, basta malayo dito! Nag-aabang ang dalawa kong Kuya ng sunod kong gagawin.

Pagkagising na pagkagising ko kanina, agad kumaripas ng takbo sa akin sila Kuya. Magtatanong sana ako kung anong nangyari, pero agad bumalik sa isipan ko kung ano nga ba ang nangyari kanina. I quickly scanned the house to look for Devin. Hindi dahil sa gusto ko siya makita kundi dahil ayaw ko muna siyang makita!

What just happened.... I really cannot process everything right now! God! Ano ba to!

"S-si Devin kuya?" tanong ko agad. Lumingon sila Kuya sa akin at agad lumabas si Kuya Reschian.

"Foreynjer! Gising na si Shaya!" Teka?! Ha? Andito siya? Hindi pwede. Mabilis akong napaupo at uminom ng tubig.

"Ayos ka lang ba, Shaya?" Hindi pa rin ako mapakali. I bit my lip as I slowly nodded. Napahilamos sa mukha si Kuya Reynan.

"Sigurado ka bang ayos lang?" Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"O-oo naman. Buhay pa nga ako, oh. Bakit naman hindi— Aray! Kuya!" Hinaplos ko ang noo kong kakapitik lamang ni Kuya Reynan.

"Hindi nakakatuwa, Shaya. Paano kung wala si Devin doon ha? Ano? Ano nang mangyayari sayo?"

"Oo nga, paano kung nadakip ka? Paano na? May magagawa pa ba kami?" Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nila.

"Aish!" sabay nilang sabi at matalim akong tiningnan. Pinatong ko ang kanang hintuturo ko sa kaliwa kong hintuturo, appearing like a cross sign.

"Teka! Awat! Isa lang kalaban oh!" I defended myself. Nakakatakot, sabay pa silang magsalita.

"Bakit ka ba kasi nahimatay, ha?" Natigil ako sa tinanong ni Kuya Reynan.

Palihim akong lumingon sa direksyon kung saan nakaupo si Devin, pero laking gulat ko dahil nakatingin siya sa akin at nakaismid. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Nagkamot ako ng aking ulo at nag-isip ng palusot.

"A-ah a-ano kasi... Kuya..." Pinaglaruan ko ang aking mga kamay habang pilit nag-iisip ng sasabihin.

"Shaya? Ano? Tagal mong sumagot." I bit my lower lip.

Ayoko ng magsinunggaling, kotang kota na ako, e. Lumingon ulit ako kay Devin at nakitang nagaabang rin siya ng sagot ko habang nakakrus ang kaniyang mga balikat. Bahala na nga.

"Kasi Kuya, kanina sa pan—"

"She wasn't feeling well earlier. Namumutla siya kaninang tanghali." Napatingin kaming tatlo sa kaniya. Di ko tuloy maiwasang taasan siya ng kilay.

"Namumutla? Hindi ka naman namumutla kaninang umaga, ah?" tanong ni Kuya Reschian at binalingan si Devin. Tinanggal niya ang pagkakakrus ng balikat niya at tumingin sa relos.

"I think she got nauseous because of the food she ate. It was already past one in the afternoon when she got pale." Napatango-tango naman ang dalawa kong Kuya. Kahit ako, ay muntik na mapapaniwala sa kaniya. Ganito ba yung totoo niyang pag-arte? Lupet e.

"Ayan kasi! Sabi nang magbaon ka nalang, e! Nagluluto naman si Reschian sa umaga. Tigas tigas ng ulo mo!" hiyaw ni Kuya Reynan sa akin.

"S-Sorry na Kuya, kasi naman. Ayaw ko ng malamig—"

"Edi ipainit mo! Siguro naman may pa microwave oven yang resort na yan, yaman yaman." masungit na sabi ni Kuya Reynan. Ngumuso ako. Doble doble na ang hiya ko dito! Nakakainis sila Kuya, dito pa ako pinapagalitan!

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon