Shaya's POV:
"Can we come over the day after tomorrow? I really want to do stargazing." saad ni Devonne, na ngayon ay kumakain na ng halo-halo.
Pagkatapos ng maikling usapan namin ni Devin, niyaya niya na akong umuwi. Tahimik lamang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa bahay. Puro kantyawan naman ang natanggap naming dalawa habang si Nenita ay naguguluhan pa, pinagpipilitang si Sebastian ang tipo ko.
"Akala ko ba si Sebastian ha? Nako, ang hirap talaga maging maganda!"
"Ano bang sinasabi mo diyan?" hindi ko na napigilang tanungin. Hindi ko kasi alam kung bakit pati si Sebastian ay nasali sa usapan.
"Wala, para kasing pag nakikita ka nun, nawawala na ako sa paningin niya—-pero ayos lang, may Reschian naman ako." hagikhik niya na ikinatawa ko na lamang.
Nagkatinginan kaming tatlo nila Kuya. Hindi naman sa ayaw, pero magkaparehong magkapareho silang magkapatid. Ang bibilis magtiwala, paano kung mga kriminal pala kami tapos ganiyan pa rin ang trato nila sa amin?
"Uhm—"
"But, it's okay kung hindi pwede. Maiintindihan ko." she said, with a smile. Naku naman, nangonsensya pa.
"Ako rin! Gusto ko rin! Dito ako matulog noon! Katabi ko si babylabs!" Nabuga ni Kuya Reschian ang iniinom niyang juice.
"UY! ANO BA NAMAN YAN RESCHIAN, WAG KA NGANG DUGYOT!" sigaw ni Nenita, na pagkalakas-lakas. Natatawa nalang kaming lahat habang naghihintay ng sasabihin ni Reschian.
"Iuuwi na kita." mahinahong sagot ni Kuya Reschian. He was always like that towards Nenita. Siguro, masyado niyang pinaniniwala ang sarili niya sa katagang opposite attracts, at kaya ganiyan siya kay Nenita. Pero ang totoo, hindi naman talaga. Nagagawa nga naman ng pag-ibig, tsk.
"Huh? Ang aga pa! Alas kwatro palang."pangungulit ni Nenita kay Kuya. He heaved a deep sigh as she shifted his glance on me.
"Magtabi kayo sa kwarto, kung ganoon." I pursed my lips to hide my smile. Naks, ang rupok natin, ah. Di rin naman matiis. Pumalakpak si Nenita at tumingin kay Devonne.
"Tabi ka rin samin?" suhesto ni Nenita.
"Sure/Hindi!" sabay naming sabi. Humarap ako sa kaniya nang may gulat na mata.
"A-ang ibig kong sabihin, nakakahiya kasi. Makulit kami matulog dalawa tapos iisa lang ang kama." Pagdadahilan ko. Ang totoo niyan, hindi talaga ako makulit matulog.
Ayaw ko lang kasi, ewan ko ba, parang ang hirap na tabihan. These two look like a prodigious amount of fragileness and gold dust. Na kahit saan mo sila ipunta, they'll look odd...good odd. They seemed to fit on a perfect uptown and high-standard city.
"May mas kukulit pa ba matulog sa'yo, Ate?" tatawa-tawang sabi ni Devin sa kapatid. I found it cute whenever he addresses Devonne as 'Ate'.
"Tumahimik ka nga. I'm not talking to you, Bradford." Malamig na tugon ni Devonne sa kaniya. I was taken aback by her authoritative voice. Oo nga pala, siya nga rin pala ang manager ng kapatid niya. How supportive she is.
"We'll see. Pero kung pwede pa ang landing barge nang ganoong oras, uuwi rin kami pagkatapos."
At iyon nga ang ginawa namin, makalipas ang dalawang araw, bumisita sila nang alas singko ng hapon. May dala-dala nang pagkain at nakapangbahay pa. Naghanda ng malaking blanket si Kuya Reynan at inilatag yon sa terrace. From here, you can still hear the waves. Nakahilera kami sa isang linya habang nakatingin sa mga tala.
"Wow! Ang gandaaaa!" I smiled, thinking the same.
I will never be tired appreciating every little detail of the nature. How the trees sway with the wind, how the sun gleams and sets as it meets the moon, and how the stars flickered and glittered across the sky. It keeps me calm... and gives me a purpose to live.
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomanceSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?