Kabanata XVI

127 12 29
                                    

Last for this weekend. Love u all.

__________________________________________________

Nang makabalik ako galing sa pananghalian kasama si Carrie, tumungo na agad ako sa lounge. Mabilis na lumipas ang oras sa daming mga customer. Mukhang magoovertime ako ngayon. Day off ko na kasi bukas.

Habang nakapangalumbaba sa lounge ay may narinig akong tumutunog na cellphone. Malabong sa akin iyon kaya hindi ko pinansin. Nawala ang panandaliang tunog ngunit ilang segundo ang nakalipas ay tumunog nanaman.

"Ang ingay ha!" inis kong tugon. Hindi ko pa rin iyon pinansin. Nang maikatlong tunog ay pinagpasyahan kong hanapin kung saan iyon galing.

"Saan ba kasi iyon?!" iritang-irita na ako. Isama mo na ang ala unang pagkatirik at pagkainit ng araw.

Hinalughog ko ang kanang bahagi ko. Sa bag ni Rubilyn nanggagaling. Aish! Tapos sa kaniya pang bag?! Itapon ko to e! Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan ang nakalagay sa screen.

"Hon..." Nangilabot ang aking buong katawan sa nadinig na boses.

"Anong oras uwi mo mamaya?" Hindi pa rin ako umiimik. Parang paulit ulit akong sinasaksak.

"Hon? Andyan ka ba?" Lumunok ako ng isa at pilit inisantabi ang nararamdaman.

"Sunduin moko." Pilit kong iiba ang aking boses nang sa gayon ay hindi niya mahalata.

"Ha? Nakakapanibago ang boses mo, hon. May sakit ka ba?"

"Sunduin mo ako." giit ko.

"Pero, akala ko ba —"

"Basta. Alas singko. Bye.... hon." I ended the call and let out a cry. Tangina! Tangina talaga! May pa hon pang nalalaman! Noong kame, ni isang endearment, wala man lang!

"Peste!" padabog kong hinilamos ang mukha, napapawi ang iilang luha sa aking mga pisngi. Inilagay ko agad ag phone sa gilid at patuloy na marahas na pagpunas sa aking mga luha. Malakas ang aking mga naging hikbi dahil sa pagpigil ko ng iyak. 

"Huwag dito." pagmamakaawa ko sa aking sarili. Kinuyom ko ang aking kamao nang bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. I quickly went to the comfort room to let out my sobs. 

"Agh! Ang hina hina mo, Shaya." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Tawag pa lang iyon, paano pa kaya mamaya? Alam kong wala silang balak ipaalam sa akin. Sa tono palang ni Emmanuel kanina noong sabihin kong sunduin niya si Rubilyn. 

"Hindi...kailangan mong harapin to. Nang matapos na, Shaya." Naghilamos ako ng ilang beses at nag-pulbos para hindi mahalata ang pag-iyak. Nang makalabas ako ng comfort room, ay tanaw ko na si Nenitang nagsusuklay. 

"Nasaan si Rubilyn?" tanong ko. 

"May binili lang sa bayan. Nautusan ni Mam Cleo. Mamaya pa siguro ang balik noon, baka nga abutin pa iyon ng alas singko." Nanlamig ako sa sinabi ni Nenita. Pilit akong tumango at nagpunta na sa isa sa mga upuan sa lounge. Lumipas ang oras at ganoon pa rin ang aking lagay.

"Nakakabagot." mutawi ni Nenita. I glanced at her, weary-eyed. Nababagabag pa rin ako at hindi mapakali sa oras.

"Huy!"

"Ay palaka!" sigaw ko. Binigyan ako ng matalim na titig ni Nenita.

"Ang ganda kong palaka." sabi niya, nang may paghawi pa ng buhok.

"Ano bang iniisip mo ha? Parang hangin lang kausap ko. Mygad, kastress sa hair."

"Aish." Pabiro niyong hinablot ang buhok ko pero nanatili akong natulala.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon