Kabanata XII

129 10 11
                                    

Kasalukuyan kaming nagkaroon ng "munting" salu-salo ika ni Devin kasama ang iilan sa mga tauhan dito sa bahay-ampunan. Iba't-ibang putahe ang nakalapag sa hapag katulad na lamang ng buttered crabs, cordon blue, lechon kawali, sinigang na hipon, menudo, fried chicken and milkfish, spaghetti at mayroon pang pa cupcake at iba't-ibang kakanin na nanggaling pa sa bayan.

"Ito pala ang munting salu-salo sa kanila, Shaya? Paano pa kaya kung magarbo?" Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Nenita.

"Baka buong baranggay na siguro ang mapakain." tugon ko.

"BWAHAHAHAHAHA!" Nagulat ang karamihan sa lakas ng tawa ni Nenita. Hinampas niya pa ako sa braso habang hawak ang tiyan.

"Huy! Ang ingay mo talaga!" suway ko pero hindi pa rin siya papigil.

"Aba ading! Apay nga nagkatawa ka?" (Bakit ka natawa?)

"Awan, Manang." (Wala ito, Manang) tugon niya, nang natawa pa rin. Napakamot na lamang ako sa ulo nang may naramdaman ako sa aking likod.

"What are they saying?" he asked me, an inch from my ear. Bahagya pa akong lumayo dahil sa pagkakalapit ng kaniyang mukha.

"Di ka marunong?"

"Magtatanong ako ng alam ko, Shaya." he stated as he bit his lower lip. Ngumiwi ako na para bang napakakorni nang sinabi niya.


"Was that supposed to be sarcasm, Mr. Celebrity?" I asked folding both of my arms. His eyebrow shot up as he raked his hair.

"Hmm. What do you think province girl?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ewan ko rin, blue eyes."

"Really, girl wearing a black shirt?"

"Di nauubusan, Tarzan, ah?" I smirked.

"Hindi talaga, siopao." tatawa-tawa niyang sabi. Aba't! Inirapan ko lamang ito.

"And Devin scored." bulong nito. Sasagot na sana ako nang biglang tumikhim si Nenita.

"Kakain na raw po, nagiiba na ang pananaw ng nakararami sa inyo at halatang halata na ang pagtataka sa kanilang mga mata—— Lalim no? Worst in English man sa inyong paningin, ako'y Best in Filipino pa rin!"

Nagkatinginan kami ni Devin ngunit ako na ang pumutol noon at tumungo na sa mga handa. Iyon nga ang ginawa namin, sa sobrang dami ng pagkain ay hindi ko na alam ang uunahin. Dinaig ko pa ang nakapunta sa piyesta sa busog-busogan.

"Ate! Ate!" tawag sa akin ni Derby. Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga bench rito sa playground ng mga bata.

"Bakit?" tanong ko sakaniya.

"Maganda po ba ang suot ko?" She twirled in a clockwise motion while holding the hem of the skirt with her hands. 

"M-maganda." I bit my lip as I felt a lump in my throat. I gave my best shot to strike a smile.

"Kayo rin po, Ate Shaya. Ang ganda ganda niyo po. Sana po paglaki ko, kasing ganda ko kayo." Inilingan ko siya.

"Mas maganda ka sakin." Humagikhik lamang ito. Hinaplos ko ang pisngi ni Derby, nginitian naman ako nito.

"Pero, ayokong maging katulad mo ako paglaki mo." Kumunot ang kaniyang noo niya pero ginawaran ko lang siya ng tipid na ngiti.

"Bakit naman po? Nakakamatay po ba ang maging maganda?" A real laugh escaped my lips. She's too innocent and adorable.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon