Kabanata XIII

128 8 15
                                    

Kakauwi ko lang at nadatnan kong nanonood ng balita ang dalawa kong Kuya. Tutok na tutok pa sila sa telebisyon, na akala mo naman ay nakikinig talaga.

"Andito na ako!" maligaya kong bati. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa at bumalik ang tingin sa telebisyon.

"Wow! Sige! Kunware walang nakakita saken!" Hindi ako nagabalang tingnan kung anong pinapanood nila at umakyat na para magbihis.

Aish naman, ang sakit ng katawan ko. Hindi ako sanay magbuhat, e. Medyo may pagkakabigat ang mga bata na kinarga ko kanina sa bahay-ampunan.

Humiga ako saglit sa kama habang unat-unat ang kamay. Natahimik ako ng ilang sandali nang maalala ang pag-uusap namin ni Tarzan sa landing barge. Sumakit tuloy ulit ang ulo ko. Ang hirap naman kasi sagutin.

"Bakit kaya ganoon iyon? Siguro may pinagdadaanan." isip-isip ko.

"Daig pa babae, kung makapagoverthink." dagdag ko pa.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makita ang nakatayong si Kuya Reynan sa pinto.

"Tsk! Kailangan manggulat?!" Pinandilatan ko siya ng mata pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.

"Magbihis ka na. Hindi ka man lang nagdala ng extrang damit. Kapag ikaw nagkasakit..." Ngumuso ako para pigilan ang ngiti.

"Takot naman sa akin ang sakit, Kuya, eh."

"Hindi ako nakikipagbiruan, Shaya. Alam mo namang mahina ang katawan mo." Nag-krus ang kaniyang mga braso at nakakunot na ang kaniyang noo. Gwapo ng kuya ko, single 'to, patulan niyo na.

"Eh, ayos naman ako Kuya ah. Buhay pa nga ak—"

"That's not what I'm trying to say." Sandali akong natigilan sa tono ng pananalita niya.
Nagtama ang mga paningin namin , bumuntong-hininga siya at tinapik ang ulo ko.

"Magbihis ka na. Magluluto na ako ng hapunan." tugon niya at tumango na lamang ako. Naunang umalis si Kuya Reynan saka ako nagbihis. I wear a thin oversized shirt and shorts, hindi ganoon kainit ang tela kaya nagmanggas ako ngayong gabi. Besides, the night breeze was lower than day's.

Napagpasyahan ko nang bumaba at nakita kong si Kuya Reschian nalang ang nasa sala. Hawak hawak ang cellphone at kung hindi ako nagkakamali, kausap na nito si Nenita.
Umupo ako sa tabi niya habang nakadungaw sa bintana.

"Nanliligaw ba sayo yon?"

"Kuya naman!" iritado kong sabi. Binigyan niya lang ako ng nanlilisik na tingin.

"Ano nga?" dagdag niya pa. Halata sa kaniya ang pangiintriga.

"Anong ano nga?!" irita kong tugon. Pinantayan naman niya iyon ng ekspresyon na para bang mawawalan na siya ng pasensiya kakaintay ng sagot.

"Kuya Reynan oh! Si Kuya Reschian!" sigaw ko pa habang pinapadyak ang mga paa.
Wala naman akong narinig na tugon galing kay Kuya Reynan dahil alam kong abala siya sa pagluluto. Kuya Reschian just glared at me as he went upstairs.

"God! They're both acting weird! What's up with those two?" I said, out of frustration.

Ilang minuto lang ang nakalipas at napagpasyahan nang kumain. Nakapagsaing na kasi bago pa ako makauwi, hinintay lamang daw talaga nila ako dahil saglit rin lang naman lulutuin ang ulam. Nakahain ang nilagang alimango at sinabawang.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon