Hiii! Ngayon na lang ulit ako magnonote. Let's take a break from sweetness. Prepare for the bumpy and zigzag ride, everyone!
Thoughts about the story so far? #RDVTwoGhosts , lemme see your reviews. Thank you!
_______________________________________
Tanaw ko ang papalubog na araw magmula rito sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko, mas lalo lamang gugulo. I was already sure of what I'm feeling. Nasiguro ko iyon noong isang araw. Habang hinihintay ko mag alas singko pati na rin si Devin na kausap ni Mam Carrie sa loob ng VIP lounge, ay nakasalubong ko si Emmanuel pabalik sa lounge.I was quietly walking. Dinadama ang hangin , at pinapakinggan mabuti kung paano kumaluskos ang nga dahon sa puno, kasabay ang malakad na alon na nagmumula sa karagatan. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naisip si Rubilyn. I've been in pain, but I'm not heartless. I know she treated me good. Hindi ko maipagkakait na masaya rin siyang kaibigan.
"Tingnan mo nga naman talaga." tatawa-tawa kong bulong sa aking sarili. I spotted Emmanuel with his simple tribal shirt and shorts, walking towards the lounge. Nagtama ang paningin naming dalawa
Tipid ko siyang nginitian. I stared at him for seconds, tila pinapakiramdaman ang sarili. I felt nothing. That's weird. It doesn't hurt anymore.
"Susunduin mo si Rubilyn?" tanong ko sa kaniya, sa kalmadong tono. Natigilan siya at tumingin sa akin.
"Oo." sagot niya. Tumango lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang maglakad ako papunta sa lounge ay bigla niyang hinigit ang balikat ko na ikinagulat ko naman.
That's also weird. Ni wala akong naramdamang kakaiba kahit hawakan niya ako.
"Bakit?" kalmado ko ulit tanong. Kumunot naman ang noo niya. Nginuso ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko, agad niya naman tinanggal iyon.
"Sorry. Alam kong pambabastos ang sinabi ko noong nakaraan pero—"
"Ayos lang." nginitian ko siya at napatawa pa nang mahina.
"...ayos na ako." He looked at me with defeated eyes, I was filled by curiousity so I asked him why.
"Alam kong huli na to, pero. Alam kong mas gago pa ako sa gago. Napagtanto kong hindi ka talaga karapat dapat sa akin. Nagsisisi akong hindi ka pinahalagahan.You were too good for me. You deserve someone better."
"We all deserve to be loved." tugon ko.
"You might hurt me before, but I was still thankful. It was my choice to love you. Huwag mong sasaktan si Rubilyn ha? Please don't do the same mistake." I said, wholeheartedly.
"I won't. Thank you. Please, be happy." He showed a smile. That smile was my favorite.... but that was before.
"Friends?" I offered my hand. Tinaggap niya iyon.
"Friends."
Pinakiramdaman ko muli ang puso ko. Hindi ko alam pero ang bigat sa dibdib. Pero, hindi ko rin alam kung bakit ang sarap sa pakiramdam. Siguro, dahil nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin. It is good, having someone by your side, where you wouldn't have to pretend. They just know you, naturally. You can be transparent around them. With just one look, they'll know what you really are feeling, without having the urge to open up.
Nakita ko kung paano niya hinalikan si Rubilyn sa pisngi na ikinangiti ko naman.
"Huy, ano yun ha? Bakit ka nakipagusap doon? Nakipagbalikan ka no? Ano? Si Rubilyn naman aahasin mo ganoon? Revenge revenge ganoon— Aray naman Shaya!" giit ni Nenita. I exaggeratedly rolled my eyes as a sign of annoyance.
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
Storie d'amoreSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?