Dali-dali akong lumabas ng kwarto nang nalanghap ko ang amoy sunog. Sabi ko pa man din ay babawi ako ng tulog dahil Biyernes ngayon at alas dies pa ang pasok ko pero heto ako ngayon, alas sais ay babangon na.
"Kuya Reynan! Kuya Reschian! Yung sinaing!" sigaw ko habang nagkukusot pa ng mga mata.
Nakita kong dali dali ring bumaba ang dalawang gunggong na ang isa'y naka twalya pa at isa ay paika ikang naglalakad habang hawak ang sintas ng sapatos.
"Reschian! Sabi ko sayo, bantayan mo ang sinaing!" ambang babatukan ni Kuya Reynan si Kuya Reschian pero hinawi agad niya ang kamay nito.
"Huwag mo nga guluhin ang buhok ko. Hampasin mo na lang ang balikat ko. HUWAG LANG ANG BUHOK KO." I almost rolled at my eyes at Kuya Reschian's reply. Bagay nga talaga sila ni Nenita.
"Yung girlfriend mo kahapon Kuys, pinagnanasaan yung si Sir Luigi." sabi ko kay Kuya Reschian na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.
"Sino nanaman ba yon? Noong isang araw, si Emong ang crush noon, may bago nanaman?" tugon nito habang hindi maipinta ang kaniyang hitsura.
Tawang tawa naman si Kuya Reynan habang nagpupunas ng kalan. "Hayaan mo, sayo pa rin naman ang balik." Umismid lamang si Kuya Reschian at nagpatuloy na sa pagsisintas ng sapatos.
"Eh ikaw, Shaya? Kamusta naman kayo ni Emmanuel? Hindi na pumupunta iyon ha. Nagaway nanaman kayo? Ito na ata ang pinakamatagal niyong tampuhan, korni niyo ha.." I sighed at his question but laughed at the last statement.
"Break na kami, Kuya." I replied and he immediately went to me. Inuga uga pa niya ako at paulit ulit na tinanong kung totoo ba iyong narinig niya.
"Talaga?!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kuya naman." giit ko. He let out a chuckle as he patted my head.
"Biro lang, masaya akong nakipaghiwalay ka sa gunggong na iyon pero—-"
"Siya ang nakipagbreak, kuya." patawa tawa ko pang sabi.
"Aba tangina ng gagong iyon! Ang kapal ng mukha! Nako, Reschian! Abangan natin sa kanto iyon nang makita niya!" Marahas kong pinunasan ang aking mukha.
"Laway mo kuya! Fountain nanaman!"
"Hindi ka na nasanay, anim na taon na tayo magkasama." Ngumuso ako at tinitigan silang dalawa.
Halos magkapareho sila ng itsura pero maraming nagsasabing mas gwapo si Kuya Reschian (at feel na feel naman niya). They both have jet black hair. Si Kuya Reynan madalas faded ang buhok samantalang kay Kuya Reschian ay mala-Koreano, yung akala mo magulo pero ganoon lang talaga, matangos ang mga ilong nila at halos malapuso ang mga labi.
Kung paguusapan naman ang katawan, mas malaki ang katawan ni Kuya Reynan dahil kadalasan siyang namamangka, at tinutuloy ang nakagawiang trabaho nila noon. i admit that girls drool over him because of his figure plus the looks. Ewan ko ba kung bakit ngayon ay wala pa ring girlfriend ito. Samantalang si Kuya Reschian naman ay sa Alaminos pa nagtatrabaho. Namimiss ko na si Lolo Fernan. Pero pumanaw na siya, tatlong taon na ang nakakalipas.
"Huy hala? Pinaiyak mo kuya!" sigaw ni Kuya Reschian. Agad hinawakan ni Kuya Reynan ang pisngi ko at tinapik tapik ito.
"Di ah?! Yung gagong Emmanuel na iyon! Makita ko lang talaga yon sa kanto." Tinawanan ko na lamang sila dalawa.
"Ligo na ko kuya, kuys. Ingat kayo ha."
"T-teka." pigil sa akin ni Kuya Reynan.
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomansaSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?