Midterms: On-going. For those who are confused between Reschian and Reynan, mas matanda po si Reynan. And I labeled them as 'Kuys'- Reschian and 'Kuya'-Reynan. Medyo nakakangalay magtype ng buong name tas paulit-ulit, diba? Oo. Sige. Kausap ko sarili ko. Hehe.
Hope you like this chapter. Spill your theories. Hmm. Love you.
-K.
_____________________________________________________
Tulala akong nakatingin sa mga tala habang iniisip ang mga sinabi ni Kuya Reynan. Was it really wrong to befriend someone prominent? Normal na tao lang din naman ang mga iyon ,humihinga, kumakain. Tss. They do normal things too, pero bakit sobrang laki naman atang deal kung magkaroon sila ng kaibigan na hindi kasing estado nila?
"Bwisit, makatulog na nga lang." I stood up from the sofa but a pinching ache made its way through my head and chest.
"Shit." Napahawak ako nang sobrang higpit sa unan ng sofa. I took deep breaths. Tumagal ang segundo na ganoon ang posisyon ko. Sobrang sakit ng ulo ko habang naninikip ang dibdib ko. I even felt my tears coming out from my eyes.
"Shaya? Bakit gising ka.... shit! Kuya! Kuya!" I heard Kuya Reschian said. Ramdam ko rin ang mabilis niyang pagbaba sa hagdan at pagpunta sa akin. My vision was getting blurry pero naaaninag ko si Kuya Reynan na ngayon ay nakaalerto.
"Raine, what happened?!" tanong ni Kuya Reynan pero hindi ko siya masagot. Parang tumitibok ang ulo ko habang tinutusok-tusok ang puso ko. God damn it.
"Kuya, dalhin na natin siya sa ospital." kalmadong sabi ni Kuya Reschian, pero alam kong pinipigilan niya lang ang hindi magpanic dahil alam niyang makakasama iyon.
"N-no..." I tried to make my voice stable but it only came out as a muffled word.
"Dadalhin ka nam--" I took another deep breath as I shut my eyes tightly. I felt my sweat dripping from my nape to my back.
"I-I'm okay..."
"Shaya, stop being stubborn, please." said, Kuya Reynan. Umiling ako. A picture of a man, a woman and a girl wearing a mini floral dress flashed at the back of my mind. I let out a cry as I took another deep breath. Biglaang lumuwag ang pagkakahinga ko pero ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo. Alam kong natigilan ang dalawa kong Kuya dahil sa mga hikbi ko.
Several moments passed, I was already stable. Umiinom ako ngayon ng tubig at halata sakanila ang antok pero hindi pa rin nila ako iniiwan dito sa kwarto, binuksan nila ang mga bintana para makalanghap raw ako ng preskong hangin.
"Ano bang nangyari?"
"Same old shit, Kuys." patawa-tawa kong sabi. I heard Kuya Reschian chuckled.
"Kailan pa?" sabi naman ni Kuya Reynan. Natigilan ako sa tanong ni Kuya. Inisip ko kung kailan ko ulit to naramdaman. It's been years.
"Huwag mo nang alalahanin, baka mapano nanaman siya Kuya." sabat ni Kuya Reschian. Tumango lamang si Kuya Reynan.
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomanceSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?