Kabanata XV

116 8 21
                                    

Pagod akong umupo sa isa sa mga stool dito sa lounge. Masyadong maraming tao dahil bakasyon na ng karamihan at ang iba ay galing pang Maynila. At dahil sa ganitong panahon, inaasahang hindi lang kami kikilos sa mga designated areas namin, pati na rin sa iba, dahil sa kakulangan ng mga tauhan dahil ang iba ay kumuha ng kani-kanilang leave. Binaling ko ang aking paningin sa orasan at nakitang mag aalasdose na.


"Tara na?" tanong ni Rubilyn sa aming dalawa ni Nenita.


"Sige, Shaya, tara na daw." I glanced at them as I gave a small nod. Napatuwid ako ng upo nang makita kong papalapit sa akin si Rubilyn.


"Ayos ka lang ba, Shaya?" Natigilan ako sa sinabi niya.


"Bakit....naman hindi?" tanong ko. She gave me a smile. I don't know if that was genuine or something evil.


"Baka kasi nag-away kayo ni Mr.Devin, nagkakamabutihan na kayo no?" kunot-noo ko siyang hinarap.


"Nagkakamabutihan?" tanong ko. She nodded innocently. My mouth almost gaped at her reaction.


"Oo, kaso bakit wala siya dito?" Nagtitimpi talaga ako. Hindi ko ba alam kung ang galing galing niya lang magtago o ganoon talaga ang reaksyon niya.


"Bakit? Dapat ba lagi siyang nandito? Boyfriend mo nga, wala dito,e." Siya naman ngayon ang natigilan sa sinabi ko.I'm still waiting for her confession, though. Pero, wala talaga ata siyang balak ibunyag ang baho niya. Sige lang, Rubilyn, nakakatuwa ang pagpapanggap mo. Pigilan niyo ko, makakatikim talaga ito ng isa.


"Eh may trabaho siya,e." I raised a brow at her statement. Pinipigilan ang sarili, ginawaran ko na lang siya ng ngiti.


"Sige, hindi pa ako gutom. Mauna na kayo." She seemed stunned at my answer but walked out anyway. Pumunta ako sa paborito kong lugar ng resort, dala ang inis na dulot ng nangyari kanina.


"Buti nalang talaga." tugon ko sa aking sarili at naglabas ng krim stick galing sa bulsa. Habang kumakain ako, ay bigla akong napabalikwas ng tayo nang bigla akong kinawayan ni Mam Carrie.


"Hi!" she greeted cheerfully. Nginitian ko siya.


"Hello po, Mam."


"No,no. Wag Mam, please. Carrie nalang." tugon niya habang winawagayway ang kaniyang mga kamay na ang isa ay may hawak na libro at ang isa naman ay may hawak na mamahaling phone.


"Ah eh. Anak po kayo ng isa sa may-ari. Hindi po pwede yung ganoon."


"Wala namang makakaalam,e. And eliminate the po please." she said as she winked at me. Ang kulit naman pala neto. I smiled at her.


"Okay, Carrie." She grinned from ear to ear as I addressed her by name.


"What are you doing here? Shouldn't you be taking your lunch?" Dapat nga ako nagtatanong noon sa kaniya.


"Hindi pa ako gutom." tugon ko. She rolled her eyes. Muntik na ako maoffend doon kung hindi lang siya ngumiti pagkatapos, weird.


"Are you sure or nagdadiet ka?" dugtong pa niya.


"Hindi uso sakin ang diet. Hehe." nahihiya kong sabi. Kapag pala sa mayayaman, kapag hindi ka kumain, diet na agad. Bawal bang busog o nagtitipid lang o wala na talagang makain?


"Uhm, is it okay if I asked you to have lunch with me? Wala kasi akong kasabay. Wala sila Rose at Luigi tapos nasa Dagupan sila Inay Fely--- oh, sorry was I too talkative?" I motioned my hand as I shake my head.


Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon