Kabanata XX

118 8 7
                                    

11/1/2019.  Happy holidays!

________________________

Kinusot ko ang aking mga mata habang inaaninag ang mga puting ulap sa bintana. Napatakip agad ako sa aking mukha dahil wala nga pala ako sa bahay. 

"Shet, yung laway ko." sabay punas sa laway sa kanang gilid ng aking labi. Huwag mandiri, mas dugyot pa rin naman iyong iba. Minsan nga, pati unan, basang basa. 

Nang nakaupo na ako galing sa pagkakahiga, natanaw ko si Devin na nagiinat-inat malapit sa dulo ng pantalan. Alas sais pa lang, ah? Ang aga naman magising nito. 

"Magandang umaga, Kuya Ernesto, Mang Rene, andiyan pala kayo!" tawag ko kay Kuya Ernesto at Mang Rene na nagiinat-inat din sa ilalim ng puno ng mangga. 

"Ayos na po ba ang sasakyan?" tanong ko.

"Oo, Shaya. Ayos na. Hinihintay ka lang namin ni Sir Devin magising bago tayo umalis papuntang inyo." 

"Naku! Tara na po! Nang makapagalmusal na din po kayo! Mang Rene, kayo rin po!"

"Sige, Salamat. Pero may aasikasuhin pa kami ni Felicia. At may pupuntahan rin si Carrie, kaya kailangan ko na ring bumalik. Ito lang talaga ang sinadya ko." sabi ni Mang Rene.

"Ah, ganoon po ba. Sige po. Sa susunod na lang po." masigla kong bati. 

"Paano ba yan, mauna na ako, Ernesto. Magkita na lang tayo uli, kapag wala na masiyadong trabaho sa mansyon." Iniwan ko na silang naguusap at pumunta sa nakapamulsang si Devin na nakaharap sa dagat.

"Uy!" tapik ko sa kaniyang balikat. Binuksan niya ang kaniyang kaliwang mata para tingnan kung sino ang tumapik sa kaniya. I greeted him with a toothy smile. 

"Good morning, dumpling." he said as he pinched my cheek.

"Aish!" giit ko. Kaaga-aga, namimisil ng pisngi. 

"Anong oras ka natulog? Ang aga mo naman ata naggising? Parang nauna pa akong natulog kagabi, ah?" dugtong ko. Minulat niya na ang isa pa niyang mata at hinarap ako. 

"I didn't sleep well last night..." sabi niya. Tumango-tango ako.

"Di ka sanay sa kotse natutulog no? Hays, rits kid talaga, naku---." iling-iling kong sabi. 

"You were snoring so loudly last night. That's the reason why I couldn't sleep." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ko sa kaniya. 

"E-eh? D-di nga?" nauutal kong sabi. Nakakahiya!"

"E-edi hindi k-ka pa n-nakakatulog?" tanong ko pa ulit.  He nodded as he glanced at me with weary eyes.

"Sa bahay ka nalang matulog muna..." I suggested. Nakakahiya talaga! Ako na nga ang dahilan kung bakit kami napunta dito, tapos hindi pa siya nakatulog. 

"No, it's okay." he said, then gave me a small smile.

"Hindi yon okay!! Tara na sa bahay, mag-almusal na tayo tapos matulog ka na." He let out a hearty laugh right after I said that.

"Ayos lang, Shaya. Pagkahatid namin saiyo, uuwi na kami. I still need to do some things." he responded. 

"Sure ka?" tanong ko. He bit his lip while nodding. Kinamot ko ang ulo.

"Tara na, kung ganoon? Para makauwi ka na agad sa inyo." sinsero kong tugon.

"Is it okay with you?" tanong niya. Bakit kaya matamlay to?

"Oo naman. Ako nga dapat nagtatanong noon. Pero makakapaghintay ba kayo ng mga ilang minuto? Para ako na magluluto ng almusal ninyo... Hep! Kung tatanggi ka sa almusal, wag!" dire-diretso kong sabi.

"Typical Shaya. Yes, I won't reject your beneficial offer." he said. I made a face. Agang-aga, nageenglish, naku naman talaga, pipol op da pilipens.

"Buti naman! Tara na sa bahay." I said. Nang makarating kami kung nasaan ang kotse, naistart na ang makina ng sasakyan. Ramdam ko na rin ang unti-unting pagsilay ng sikat ng araw. 

Tahimik si Devin hanggang sa makarating kami ng bahay. Hindi ko na rin siya kinulit dahil nag-iisip na rin ako kung paano ko sasabihin kela Kuya ang lahat. Nang makatigil ang sasakyan sa tapat ng bahay at nang makalabas ako sa sasakyan, naririnig ko ang boses nila Kuys at Kuya.

"Lintik na Reschian?! Ano kamo, hindi rin alam ni Nenita kung nasaan si Shaya?"

"Hindi, Kuya. Baka naman may pinuntahan lang si --"

"Anong pupuntahan?! At sino naman ha? Paano kung nakuha siya?! Paano Reschian, ha?!" Ramdam ko ang galit ni Kuya Reschian. 

"Devin, dito nalang muna ako. Pasensiya na, mukhang hindi maganda ang mood ng dalawa kong kuya. Kakausapin ko lang --"

"Sasamahan kita." sabi niya.

"Pero kasi, hindi talaga magandang ideya yon--"

"Sasamahan kita." ulit niya nang may seryosong tingin sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko nang mariin. Bago pa ako makasagot, narinig ko na ang boses ni Kuya Reynan.

"Shaya Raine."  Nilingon ko siya habang hawak hawak ang dibdib ko. 

"K-Kuya." 

"Pumasok ka sa loob. Maguusap tayo." tugon niya. Papasok na sana ako pero hinila ni Devin ang kamay ko. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin pero binaling niya ang tingin niya kay Kuya.

"Mawalang galang na lang, pero maguusap pa kami ng kapatid ko."

"Let me explain on her behalf--"

"Bakit naman?" seryosong sabi ng Kuya ko.

"I was with her the whole time--" Nagulat ako nang biglang suntukin ni Kuya Reynan. 

"Kuya Reynan!" sigaw ko. 

"What was that for?" sigaw pabalik ni Devin. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang labi gamit ang likod ng kaniyang palad. Lalapit na dapat ako sa kaniya pero hinila ako ni Kuya Reynan. 

"Isa--" Marahas kong inalis ang kamay ko. Binigyan ko siya ng malamig na tingin.

"Do.not.touch.me." Nagulat siya nang bahagya nang sabihin ko iyon. Ngunit hindi ko doon tinuon ang atensyon ko. Nakatayo na si Devin at binigyan ko siya ng nagaalalang tingin.

"Ayos ka lang?" he simply nodded and faced Kuya Reynan again.

"Ford, umuwi ka na please. Ako na ang bahala dito." sabi ko. 

"I'm just going to explain, okay? Pagkatapos nito, uuwi na kami."

"Before you punch me again, let me just explain my side. Nasiraan kami kagabi, Shaya's phone went off. And I do not know how to contact the both of you. And if you're going to ask kung bakit kami naroon, it's because of her ex-boyfriend who made a scandal in the resort. I respect Shaya more than you think. I know you barely know me, but I'm not the type of guy who will lure girls just to satisfy my needs. If you'll excuse me, we'll be heading now. Good morning." Tumingin siya sa akin. I mouthed 'sorry' and he muttered 'it's okay' before walking out.

Padabog akong pumasok sa loob at hinarap ang dalawa kong Kuya na ngayon ay hindi mo maintindihan ang mga mukha.

"Shaya--"

"What now, Kuya?" irita kong sabi.

"Nagalala kami. Hindi mo kami masisisi." Huminga ako ng malalim bago sila tingnan muli.

"I know you did. But is that enough reason to violate someone ...that impulsive, without asking what happened first?  Tinulungan ako ng tao. Ni hindi na ako nakapagpasalamat."

"Shaya, we just conclude that you were kidnapped." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Reynan. 

"Who would even dare?" I asked, coldly. Pinantayan ko ang tingin nila. Nag-uusap ang mga tingin namin hanggang sa bumuntong hininga si Kuya Reynan. 

"Why do you trust him so much?" sabi naman ni Kuya Reschian.

"He was there for me when no one else was." tugon ko. Natahimik sila pagkatapos noon.

"Pupunta tayo sa bahay nila Devin mamaya. Manghingi kayo ng tawad. Mag-aayos lang ako." Hindi ko na hinintay ang kanilang sasabihin at pumanhik na patungong kwarto.


Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon