Kabanata XL

97 8 1
                                    

Nenita's POV:

Nasaksihan ko kung paano tratuhin ni Shaya si prince charming. At kahit hindi ako si prince charming, sobra akong nasasaktan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nagkaganoon si Shaya.

Sa pagkakaalam ko, malaki ang tiwala niya kay Devin lalong lalo na noong lumabas ang balita tungkol sa kaniya, naniniwala siyang hinding hindi siya ipapahamak noon.Kaya hindi ko talaga alam kung bakit ganoon ang trato niya.

Kahit ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon ako ng kaibigang artista. Akala ko talaga rati, magkakilala na sila, dahil kaswal lang makipag usap si Shaya pero hindi pala talaga.

Narinig ko rin ang paguusap nila noong isang araw, nagulat rin ako kung paano niya sigawan kahapon si Devin. Ayaw ko namang pumanig sa isa sa kanilang dalawa. Pareho na rin silang naging malapit sa akin. Kaya kailangan ko talagang kausapin si Shaya.

"Hay, sana naman maging happy na ang ending ng dalawang iyon. Naiistress na beauty ko, e." mutawi ko sa aking sarili.

Hinagilap ko ang resort para hanapin si Shaya. Nakita ko lang naman siya sa kung saan laging nakatambay si Devin. Nagtext rin siya sa akin, na may aasikasuhin siya sa Manila dahil paalis na raw ang nanay niya patungo sa States. Pinababantayan pa niya sa akin si Shaya. Kaloka naman kasi, bakit ganito tong kaibigan ko.

Nakita ko kung paano bumuntong hininga si Shaya, malalim ang iniisip, nakatanaw sa dagat habang ang kaniyang mga kamay ay nakatukod sa kahoy na lamesa.

"Lalim iniisip ah." Bahagya siyang nagitla dahil kita ko kung paano niya palitan ang ekspresyon niya. Huli ka na sa akto, day.

"Hindi naman, hehe." sabi niya. Aba siraulo ito, ako pa ang niloko. Nakakastress talaga ng ganda! Tumikhim ako bago magsalita muli.

"Kamusta panliligaw ni Devin? Sasagutin mo na ba?" Pilit kong pinasasaya ang boses ko, pero naaalala ko kung paano pinagtabuyan ni Shaya si Devin. Hindi siya umimik, nanatili siyang nakatungo na nagpailing sa akin.

"Narinig ko yung kahapon." Natigilan siya at saka ako tiningnan.

"Anong nangyari, Shaya?" seryoso kong tanong. Nanatili pa rin siyang tahimik.

"Kaibigan kita, pero yung kahapon? Sa totoo lang, naawa ako kay Devin. Hindi ko sinasabi to, dahil kilala ko siya at ispesyal ang trato ko sa kaniya. Hindi, Shaya. Kahit sinong tao, kung pagtatabuyan nang ganoon...masakit."

"Shaya, bakit ganoon? Ano bang nangyari?"

Tumingala siya, nagtaka ako kung bakit pero napagtanto ko kung bakit niya ginawa iyon. Pinipigilan niya ang mga luha niya.

"Magkaiba ang mundo niyo, iyon ang rason mo, di ba? Pero nakikita mo naman siguro kung gaano ka pursigi yung tao, mapatawad mo lang at mapakita niyang totoo yung nararamdaman niya."

"Ahh. Kinakampihan mo siya?" Nagulat ako sa sinabi niya. Tila nagbibiro pero may iba sa tono niya. Inilingan ko siya.

"Hindi ako bias, Shaya. Wala akong pinapanigan sa inyong dalawa."

"Sa sinasabi mong yon, Nenita. Mukhang ganoon na rin yo—"

"Kaya nga nandito ako ngayon, para malaman ko iyong nararamdaman mo. Shaya, hindi ka naman ganyan eh—"

"Then maybe, you don't really know me." Kumunot ang noo ko at tila naginit ang ulo. Hindi makapaniwala sa sinasabi niya ngayon.

"A-ano?"

"Kahit pa ipaliwanag ko sayo, hindi mo ako maiintindihan." Binigyan ko siya ng tingin.

"Ni hindi mo nga sinusubukan, Shaya! Paano ka makakasiguro, ha?" Hindi ko na napigilan at tumaas na ang boses ko, pero mukhang hindi naman siya natitinag.

"Iyon lang ang rason ko, Nenita. Magkaiba kami ng mund—"

"Wala ka bang nararamdaman para kay Devin?" tanong ko, diretso ang tingin sa kaniyang mga mata.

Iniwasan niya ang tingin ko. Tama ang hinala ko.

"Iyang rason mo ba? Sa tingin mo, kung mawala si Devin ngayon, mananatiling rason pa rin?" Tiningnan niya ako nang may nagtatanong na mga mata.

"Sapat na ba ang rason na iyan para mawala siya sa buhay mo?" Hindi niya ako inimikan. Nagtitigan lang kami ng ilang segundo bago siya tumaliwas ng tingin at marahas na bumuga ng hininga.

"Sana lang talaga Shaya, sana tama iyang desisyon mo."

"Are you mocking me?" Hindi ko pinakitang nagulat ako sa sinagot niya sa akin.

Parang...hindi siya si Shaya.

"Iyon ba ang nararamdaman mo? Kung ganoon ay—"

"Dinidiktahan mo ang desisyon ko. What kind of friend are you?"

"O baka naman hindi ka talaga kaibig—" Hindi ko na pinatapos ang sinabi niya dahil lumandas na ang palad ko sa kaniyang kanang pisngi.

"Nenita!" Kilala ko ang boses na iyon, pero hindi ako naalintana. Matalim kong tiningnan si Shaya.

"Oo, dahil wala akong kaibigang may pusong singtigas ng bato." tugon ko saka tumalikod. Nagtama ang paningin namin ni Reschian. Agad niya akong tinanong at hinawakan sa braso.

"Anong nangyari?" mahinahon niyang tanong. Agad na umagos ang luha ko.

"Tanungin mo ang kapatid mo." Tinanggal ko ang pagkakapit ng kamay niya sa braso.

"Aly—"

"Reschian, pakiusap. Bitawan mo ako. Baka kung ano lang ang masabi ko kay Shaya."

Alam niya ring ako yung tipo ng taong kapag galit ay hindi nakakapagpigil sa mga sinasabi. Nakita ko kung paano lumumanay ang kaniyang mga mata at dahan dahan akong pinakawalan.

___

Reschian's POV:

I saw how Alyson slapped Shaya from afar. I even overheard their conversation. Oo, may pagkatsismoso ako, pero konti lang. I was torn between comforting my girlfriend and my sister. Ang hirap, takte!

"Shaya..." her eyes met mine. I sighed heavily. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nasa bahay na kami. Hindi na ako makapagpigil kahit na nasa hapag ay tinawag ko na siya. Agad naman napatingin si Kuya Reynan sa aming dalawa.

"Kung tatanungin moko tungkol sa girlfriend mo, hindi kita masasagot." Nagtiim bagang ako. Anak ng....kumukulo dugo ko.

"Hindi ko lang girlfriend iyon, Shaya. Kaibigan mo rin iyon."

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari , Shaya, ha?"

"Reschian..." Hindi ko pinansin si Reynan at patuloy na tinanong si Shayang wala man lang karea reaksyon sa sinabi ko.

"Kung magiging ganito ka lang rin naman, parang mas mabuting umalis ka na—"

"Reschian!" Reynan's voice thundered.

"Ano?! Hindi mo ba nakikita?! O mas gusto mong ganito nga ang gawin ni Shaya, Kuya? Na pati kaibigan niya, sinasawalang bahala niya lang! " Nanlilisik ang mga mata ni Reynan habang hablot hablot ang kwelyo ko.

"Wag kayong magaway." Matalim ang tingin na iginawad ko kay Shaya.

"Hindi ito ang gugustuhin ni Lolo, Shaya." Lumambot ang tingin ni Shaya nang banggitin ko si Lolo.

"Hindi rin ito ang gugustuhin ni Mama't Papa, Kuya." Binitawan ako ni Kuya Reynan at naglipat ng tingin kay Shaya. I saw how tears formed in her eyes.

"I'm sorry.... Pacifica said... they're already hunting. And for sure, maraming madadamay. Kung iyon lang ang paraan para hindi sila mapahamak, I'll do it."

"W-What?" tanong ko sa kaniya. Nanatiling seryoso si Kuya Reynan.

"You knew?!" sigaw ko sa kaniya. Nag-iwas ng tingin si Kuya Reynan.

"Then, how about Devin?"

"Ayaw niya pa rin tumigil."

"Alam ko. May magbabago ba kung tumigil siya?"

"Hindi ba, ayaw mo? Wala ka nang nararamdaman di ba?" paniniguro ko. Gusto ko siyang komprontabin kung ano nga ba talaga. Tumahimik si Shaya. Her eyes were already bloodshot.

At that moment, I already knew the reason behind.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon