"Sir Devin... Tawagan ko lang ho si Rene. " panimula ni Kuya Ernesto. Dumiretso ako ng upo at tinanaw ang madilim na kagubatan.
"Alam mo ba ang mga number ng kuya mo?" Mabagal akong umiling. He bit his lip as he frustratedly look over his phone. Nasiraan lang naman kami sa gitna ng paloob dito papuntang pantalan. Malayu-layo pa ang iilang bahay dito, sanay naman akong lakarin, pero alangan namang iwanan ko silang dalawa dito at saka, may kalayuan rin ito mula sa bahay namin.
"Aish. Kasalanan ko to e. Sorry ha." paumanhin ko.
"Stop saying sorry. It's not your fault." he said, smiling.
"Sorry--"
"Shhh. Kakasabi ko lang, ah?" I was about to say something when Kuya Ernesto went inside the car.
"Wala raw doon si Rene, mukhang bukas na tayo makakaalis nito. Hindi ko kasi dala ang mga gamit. Pasensya ho, Sir Devin."
"Ayos lang, Kuya Ernesto. Hindi naman inaasahan na ngayon pa mangyayari iyan. Buti nalang may pagkain dito." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga tinuturo niyang pagkain sa likod.
"Para kang boy scout, alam mo yon?" natatawa kong sabi.
"Nakaramdam lang ata." tatawa- tawa niya ring sabi. Inirapan ko siya. Balisa akong tumingin sa orasan ko. Shete. Otso. Nuwebe. Patay nanaman ako kela Kuys at Kuya neto, e. Lumipas ang minuto at natapos kaming kumain, binuksan namin ang pinto ng sasakyan at tumungo ulit sa posisyon namin kanina. Tanaw ang mga tala, yakap yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin.
"Here." Inabot niya ang isang gray pullover sa akin.
"Gagawin ko diyan?" He, then shoot me a glare.
"I wonder what, Shaya? Ano sa tingin mo?" Natawa ako sa kaniyang sinabi. Alam mo yung halatang halata talagang sarkastiko yung sinasabi niya. God, he can't even lie.
"Nagtatanong kasi ako nang maayos, ano?" tugon ko. He gave me a lazy look. His long curls were raked in one side. Sige na, ikaw na pinagpala ng mukha.
"Amin na nga." Kinuha ko ang iniabot niya sa akin. Anak ng.... grabeng bango naman nito, nakakahiya suotin.
"Kanino to?"
"Mine." he simply said. Ewan ko ba, kapag ang mga lalaki nagpapabango, isang spray lang, tumatagal ng isang araw. Samantalang, ang mga babae, grabe kung makapagpabango, halos buong katawan na ata, saglit lang kumapit.
"Iyo pala to, bakit binibigay mo sakin?"
"That's a silly question, Shaya. Why would I let you freeze to death?" tanong niya.
"Hindi ako nainform na ganiyan ka pala kaexaggerated. Nilamig lang, mamamatay na? Bawal hypothermia muna?" He raised a brow.
"Doon din naman ang punta noon."
"Ikaw! Natututo ka na mamilosopo ha!"
"Learned it from the expert." he said, then winked at me. Ngumiwi ako sa kaniyang ginawa ngunit nginitian niya lamang ako habang kagat pa ang labi. Siraulo, ay.
"Let's play a game." I lazily look at him.
"Ano nanaman yan?" tanong ko sakaniya. I'm already wearing his pullover while he's wearing his sweaters and sweatpants.
"Rock,scissors, paper. Then every point comes with a question that you have to answer--"
"Ayoko niyan. " giit ko.
"Why? Don't you want to know me?" Napataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Tinapik ko ang kaniyang pisngi at napatawa.
"Ang kapal, Ford, oy. Nalimutan mo na ata na hindi ako isa sa mga fangirls mo." He pouted as a response.
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomanceSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?