Narito na kami sa labas ng bahay nila Devin. Tinutulak tulak ko pa ang dalawa kong Kuya para mag door bell. Busangot ang kanilang mga mukha samatalang ako'y naiinip na dahil alas dos pa ng hapon at tirik na tirik ang araw. Manununtok nang walang pasintabi, tapos magdodoorbell na nga lang, pabebe pa. Sapakin ko talaga ang dalawang to e.
"Dali na. Ang init, kuya." sabi ko sakanila.
"Eh bakit kasi kami?!" sabi naman ni Kuya Reynan. I gave them a blank face. Tignan mo, parang walang nangyari kanina. Parang hindi nanakot ang kumag kaninang umaga kung makareklamo ngayon.
"Sino ba ang magsosorry, ako ba, Kuya Reynan?" diin ko sa kaniyang pangalan. Inirapan niya ako at lumapit na sa main gate.
"Nakwento sa akin ni Nenita." sabat ni Kuys. Napatigil ako sa pagobserba sa naglalakad na si Kuya Reynan at nilingon si Kuys.
"Ang alin?" tanong ko.
"Si Rubilyn at Emmanuel, hindi ba?" Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.
"Oo, Kuya." sabay lingon sa aking harap. Buti na lamang ay sumigaw si Kuya Reynan at hindi naituloy ang sasabihin ni Kuys. Kung hindi....
"Hoy Reschian, Shaya! Heto na!" Nakita ko ang isa sa mga kasambahay nila Devin na pinagbuksan si Kuya Reynan. Pinagpag ko ang tokong ko at jersey shirt dahil maalikabok sa labas. Nakakahiya naman sa mansyon nilang ubod ng linis.
"Magandang araw po, si Devin po?"
"Oo. Nasa kwarto niya. Magmeryenda muna kayo." tugon nito at biglang umalis.
"Naknampucha. Lakas maka international bahay nong blue eyes na yon, ah?" Sinuway ko si Kuya Reschian.
"Kuys, huwag ka ngang maingay."
"Bakit? Bawal maingay dito?" inosente niyang tanong. I almost slap him for saying that.
"Hindi. May pangalan naman kasi iyong tinutukoy mo."
"Sus, ikaw nga, Tarzan tawag mo sabi ni Nenita , e. Mas malala naman yung iyo kaysa sakin, no?" asar niya. Inirapan ko siya at tiningnan si Kuya Reynan na ngayon ay nakain ng pizza.
"Hoy Kuya!" tawag ko sakaniya. Nginisian niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng pizza. Aish! Bakit ba ganito ang mga kuya ko?!
"dahkdvejvd.." Hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi dahil puno ang kaniyang bunganga. Pakingshet! Nakakahiya talaga.
"Dumpling--"
"Ay kalabaw!" Kaharap ko na ngayon ang nakablack tank top at sweat pants na si Devin na pawis pawis. Ah, oo. May ganito pala kagwapo pawisan.
"Gwapo kong kalabaw." sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay....pero totoo naman talaga.
"Sorry, I'm in the middle of workout. Ano sadya niyo?" tanong niya sa amin. Siniko ko ang dalawa kong kuya na napatigil din sa pagkain. Bigla silang umayos ng tayo, gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko maggawa, naggagalit galitan pa ako.
"May gusto lang sabihin si Kuya Reynan sa'yo tapos uuwi na rin kami." Tinulak tulak ko pa si Kuya Reynan papalapit sa harap ni Devin.
"Kuya, ano ba? Ang bigat mo kaya!" giit ko, dahil pinipigilan niya akong itulak siya.
"T-teka lang naman k-kase!" maktol ni Kuya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"HAHAHAHAHA! Dali na, Kuya. Nang makakain na ulit ako." tawa ni Kuys.
"Kuys!" sigaw ko nang nakakunot ang noo. Tumahimik naman bigla si Kuya Reschian at sumeryoso. Pero para siyang tanga, dahil halata namang nagpipigil pa rin siya ng tawa.
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomanceSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?