Kabanata IX

166 12 19
                                    

It's been a while. Kamusta kayong lahat? I hope you are all feeling fine. But if you're not, always know that everything happens for a reason. I love you.
-K.

_______________________________________

"Shaya?" I glanced at Nenita who seems bothered at something. Nag-unat unat pa ako bago lumapit sa kaniya.


"Hmm? Ano yon?" Tinukod ko ang aking kamay sa lobby desk at humarap kung saan siya nakaupo habang naghihintnay ng mga customers na magiinquire.


"Bakit parang galit ka kay Rubilyn?" I sighed as she asked me that. Hindi niya ako kinulit kaninang tanghali, pero halata namang gustong gusto niya na ako tanungin.


"Hindi mo ba nahahalata?" tanong ko sakaniya. Kumunot naman ang kaniyang noo at umiling.


"Ramdam ko kasing hindi naman talaga mainit ang ulo mo, noong kumain tayo, ayos ka lang naman kausap, tapos noong nakita mo si Rubilyn... galit ka ba sakaniya?"




Mataman ko siyang tiningnan, nagiisip kung sasabihin ba sa kaniya o hindi. Ayaw ko namang makasira ng pagkakaibigan ng dahil lang sa isang lalaki... pero naisip kaya ni Rubilyn iyon?




"Huy, Shaya" kalabit niya sa akin. Ngumuso lamang ako at umiling.




"Wala lang talaga ako sa mood kanina. H-hehe." sabi ko sa kaniya. Tumango-tango siya ngunit halatang hindi naman siya kumbinsido sa aking sagot. Hindi na naman niya ako ulit tinanong at bumalik na siya sa kaniyang trabaho.


Kasama namin si Rubilyn ngayon sa information center, at halata namang naiilang siya sa akin. Hindi pa naman niya alam na nabuking ko sila. O baka malakas ang pakiramdam niyang alam ko na kung ano ang tinatago niya sa akin dahil sa pakikitungo ko sa kaniya? I cleared my throat as I approached her while sitting in one of the wooden stools.


"Rubilyn.." I called her out. Napatalon pa siya sa kaniyang kinauupuan, tila kumikibot pa ang labi.


"S-shaya. Bakit?" tanong niya sa akin. I gave her a smirk.


"Kamusta ka?" mahinahon kong tanong. Pinaglaruan niya pa ang mga daliri bago tumingin sa akin.


"Ayos lang naman, bakit mo natanong?" Ginawaran niya ako ng isang ngiti... masyado nang halata, Rubilyn. Wag mo na kong pagtripan.


"Mali pala ang tanong ko, mukhang ayos ka naman. Sinong boyfriend mo?" seryoso kong tanong sa kaniya. Bahagyang lumaki ang kaniyang mga mata at luminga-linga pa siya sa paligid bago tumingin muli sa akin.


"A-ah.. e-ehh.. Nakakahiya---"


"Kinakahiya mo ang nobyo mo? Bakit naman?" tigil ko sa kaniyang sasabihin. Halata ang kaniyang pagkagitla na lalo kong kinainis. Your innocent eyes won't deceive me, Rubilyn. Just tell the truth already.


"H-hindi naman sa kinakahiya... p-pero..."


"Pero ano?" inis kong tanong sa kaniya.


"T-teka, b-bakit ka ba naiinis?" Hindi ko siya sinagot at blangko ko lamang siya tiningnan.


"Ano pinaguusapan niyong dalawa?" Naniningkit ang mga mata ni Nenita nang lumapit at tinanong iyon sa amin. Bumuntong hininga ako at umiling.


"Pahangin lang ako, saglit." paalam ko sakanilang dalawa at umalis na roon. Tulala akong pumunta sa pinakapaborito kong tambayan dito sa resort. Hindi kasi masyadong matao rito, sa may bandang parking lot, mapuno rito tapos parang hardin, kaya madalas ako rito. Ewan ko, para maiba naman sa dagat.


Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon