Shaya's POV:
Pinaglalaruan ko ang mga kubyertos na hawak ko habang nakatingin sa kawalan. I don't feel good nor bad. I just fucking feel empty, and it's killing me.
"Te, galaw galaw." sita sa akin ni Nenita. Nilagok ko ang isang basong tubig saka tumayo.
"CR lang." paalam ko sakanilang dalawa at dumiretso nang umalis nang hindi pinakikinggan ang tugon nila.
Nang makarating ako sa loob ng banyo, minura ko agad ang sarili ko. This is why I hate when I'm in this kind of state. I shut everyone out. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Tumingin ako sa orasan, malabong isa sa mga kuya ko ang mga tumatawag.
They already got mad at me when I turned my phone off. Hindi nila ako makontak nang araw na nagpapresscon si Devin. Kinontak rin nila si Nenita noon, pero hindi niya rin alam kung nasaan ako, dahil hindi ako nakapagpaalam sa kaniya noong pinakuha ako ng day off ni Mam Cleo.
"Kung hindi lang dahil kina Kuya..." I turned my phone into silent mode, without any vibration.
Despite of what happened in the press con, I waited. He said he'll be back. He will come back to me. But I waited overnight, his presence wasn't still around. I was too foolish to have that glint of hope, even though the truth is already obvious.
You can call me stupid for ignoring him, instead of letting him explain everything. If I was in a story, everyone can hate me for being like this. Don't worry, I hate myself even more.
Tinuon ko ang atensyon ko sa screen ng cellphone ko. Forty eight messages and thirteen missed calls. Inumpog umpog ko ang ulo ko sa pader.
"Leave me alone." I said, to my inner demons who seemed to stay longer than usual.
Lumabas na ako dahil mapaghihinala nanaman ako ni Nenita na may problema. Humugot ako ng krim stik sa bulsa ko saka naglakad papunta sa kanila.
"Shaya, gusto mo kendi?" tanong sa akin ni Rubilyn. I smiled then shook my head.
"Di na, may krim stik ako rito." tugon ko sa kaniya. She smiled back as she offered one to Nenita.
Bumalik kaming tatlo sa lounge pagkatapos ng saglit na pahinga. Pinatong ko ang magkabilang paa sa malapit na kahoy na lamesa malapit sa upuan ko.
"Haaaay, malapit na naman matapos ang bakasyon. Pasukan nanaman." kwento ni Rubilyn. Nenita nodded her head.
"Oo nga, panibagong stressful na taon nanaman to!" Umiling na lamang ako, paniguradong may kasunod na reklamo nanaman ito.
"What were you taking again?" tanong ko kay Nenita. Nagulat pa ata sa tanong ko dahil ilang beses siyang pumikit pikit.
"Psychology, hehe. Mukha lang hindi." tugon niya.
"Two years nalang, gagraduate na ako. Yieee, relationship goals na kami ni Kuya mo!" Tumango lamang ako sa sinabi niya.
"Eh, ikaw, Shaya? Ano kukunin mong kurso?" tanong sa akin ni Rubilyn. Right, I told them that I stopped for two years. Guilt washed over my body.
"Kahit ano?" sagot ko.
"Aba neng! Hindi naman pupwede yung kahit ano?! Wala ka bang ahm... ano ba yung tawag don... ayon! Passion?" I sighed.
"Wala." simple kong sagot.
"Ahhhh!!!" Tili ni Nenita. Napabalikwas ako sa pagkakataas ng mga paa ko sa lamesa dahil sa sigaw ni Nenita.
"Ano ba? ?" irita kong tanong sakaniya.
"Si Prince Charming ohhh!! Andito na ulit!!!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang paningin naming dalawa. I immediately stood up from my seat and sat in one of the high chairs.
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomanceSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?