Kabanata XI

144 10 9
                                    

Yeah. Hi. It's been a while again. Another short update. Chill lang tayo. I'm still plotting the flow and I've been very busy. Hirap maging celebrity (charot). Hope you're having a lovely and productive week y'all. Love you from the bottom of my heart.

_____________________________________

Agad akong pinalibutan ng saya nang makita ang mga batang malayang naglalaro sa playground habang hawak ang mga laruang kakapamigay lang namin.

Natanaw ko si Devin na ngayon ay nakikipagusap sa mga batang lalaki habang ito ay mga nagbabasketball sa mini court ng mga bata na halos katabi lamang ng playground.

"Saya mo ata?" Nenita approached while smirking at me.

"Oh? Anong tingin nanaman iyan?" Taas kilay kong tanong.

"Wala naman." Ngingiti ngiti niyang isinaad.

"Huwag ako, Nenita. Kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Masama bang tingnan yung tao tsaka—"

"Teka teka! Wala naman akong sinasabi ah? Defensive mo masyado." she replied, still holding the smirk in her face.

"Sir Devin!" sigaw pa nito. Aawatin ko na sana pero alam ko naman ang bunganga neto, hindi papatalo, kagaya ko.

Lumingon naman si Devin at hinanap kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Sakto namang nagtama ang paningin naming dalawa. Kinunutan ko siya ng noo pero isang kindat ang natanggap ko.

"Shet na malagket. Buhay ka pa ba Shaya?" Inilingan ko siya nang biglang umirit.

"Hoy! Landi mo! Nagbibiro lang ako e—"

"Landi... ha— Anong landi sinasabi mo ba diyan?! Iniilingan ko yung kalokohan mo! Hindi yung tanong mo!" Dire-diretso kong sabi habang siya'y hindi man lang pinapakinggan ang mga sinasabi ko dahil panay ang wagayway niya sa kaniyang kamay na para bang hindi siya naniniwala.

"Aish! Bahala ka nga diyan!" tugon ko. Nakita kong papalapit sa amin si Devin. Pagtutulungan na naman ata ako, tss.

"Are you bored?" tanong ni Devin kay Nenita. Sige lang, kunwari wala ako dito.

"Ay nako, Sir. Hindi po, tuwang tuwa nga po si Shaya panoorin kayo—- este yung mga bata po. Opo." Tangu-tango pang sabi. Kahit kailan, Nenita.

"Who's Shaya?" dugtong ni Devin. Trip talaga ako neto, hayop.

"Yung tambay sa kanto." tugon ko.

"Ay, Sir. May naririnig ba kayo? Feeling ko may nagsalita. Feeling ko lang, feelingera ako e."

"I didn't hear anything." tugon niya.

"Sige lang, ganyanin niyo lang ako. Kapag ako napuno." Bigla silang tumawa dalawa pero hindi ako natinag.

"Kuha lang ako ng maiinom Sir Devin, baka sakaling mawala yung naririnig ko." Tumango si Devin at naglakad paloob sa bahay-ampunan si Nenita habang naiwan naman kaming dalawa.

"Oh, hi dumpling." Devin said, innocently. Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Hi, stranger." Madiin kong tugon. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi.

"Kanina ka pa di namaman—"Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at umalis na roon. Busangot ako tumungo sa mga nagkukumpulang bata.

"Ate Shaya, ako rin po!" Napalingon ako sa isang batang may hawak ng kendi habang nakalahad ang magkabilang kamay tila nagpapabuhat sa akin.

"Sige. Derby, ibaba muna—" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil sa malakas na iyak.

"Wahhh! Ayoko Ate! Dito lang ako!!!" Napahawak pa ako sa sariling damit dahil sa pagpipiglas ni Derby. Aish, ngalay na rin ako e.

"Need a hand, dumpling?" Inirapan ko ang nakapamulsang si Devin.

"Hindi na-— Wag ka nga dito!"

"Sungit.Tch." Tinaasan ko siya ng kilay. Pinokus ko na lang ang atensyon ko sa batang karga-karga ko ngayon.

"Derby, nangangalay na kasi ak—"

"Wahhh! Ayawww!" sigaw niya with matching irit pa.

"You sure you can handle it, right?" Hindi ako umimik pero gustong gusto ko na ilapag si Derby at magpahinga na.

"Say please, first." Nanlaki ang mga mata ko. May gana pa talaga itong mangasar.

"A.yo.ko."

"Okay."Tumalikod ito at nagsimulang humakbang na paalis. Aba?! Aalis nga itong blue eyes na to! Ang sakit na ng likod ko!

"Tarzan!" Hindi siya lumingon. Nagiinit ang dugo ko! Parang ako ata ang inaasar kanina ah!

"Woy! Devin!" tawag ko pa ngunit hindi lumingon. Letse talaga!

"Ford! Please! Damn it!" sigaw ko sakaniya. Nakita ko namang natigilan siya sa pagkakasabi ko noon. Nilingon niya ako nang may nakakalokong ngiti habang nakataas pa ang kilay.

"Let's go, Derby. Ate Shaya needs to rest." Sumama naman si Derby kahit medyo nagalinlangan pa noong una. Inistretch ko ang aking mga kamay noong kinuha niya saakin si Derby at inilapag at hinayaang makipaglaro sa mga bata.

"No bad words. May mga bata." Nginusuan ko lamang siya.

"Ikaw e! Ayaw mo pa lumingon! Arte mo ha!" Humahalakhak siya habang umiiling. May binulong siya pero hindi ko ito narinig.

"Binubulong-bulong mo diyan?" tanong ko.

"Kausap ko yung multo dito." Hinampas ko siya nang malakas. I saw him flinched yet I wasn't guilty about it.

"Kanina ka pa! Wag ka ngang magbiro nang ganoon!" sigaw ko.

"Hindi ako nagbibiro, Shaya." seryoso niyang tugon. Nanlamig ang buong katawan ko. But seconds later, narinig ko ang tawa niya.

"You should have seen your face, dumpling." tawa niya habang hawak-hawak ang tiyan.

"Ah! Ha ha ha! Sobrang nakakatawa!" I said, sarcasm was clear in my voice.

"I'm just trying to lighten up the mood. Kanina ka pa suplada." tugon niya. Inirapan ko siya.

"Ikaw kaya asarin, agang-aga, hindi ka magsusuplado?" He pouted as he looked up as if he was thinking thoroughly about something.

"Depends on the person." he said then winked at me.

"Hilig mo mangindat, no? Ayan ba isa sa mga hobby mo?"

"Hmm." Labo talaga kausap neto e, no.

"Teka, diba ngayon ka lang nakapunta dito?" He nodded as a response.

"You never went here for vacation, like ever?" tanong ko.

"Never. I grew up in New York while my sister grew up here. I was fluent in Tagalog since my mom is a Filipina while my dad's a half. Most of our exclusive dinners with my parents' colleagues happened here in the Philippines including the Esquivels." Napatango-tango ako. Kaya pala, magkakilala sila noong anak ng may-ari ng resort.

"How about you? Did you really grew up here?"

"Yeah, I did." tipid kong tugon. Halata sa kaniya na gusto niya pang magtanong pero hindi na siya nag-abalang magsalita pa.

"I want to know you more, Shaya. But I won't force you to break your walls. I will earn your trust... I'm sure of that."

I gave him a weak smile. Hindi ko alam, Devin. Hindi ko na alam kung kaya ko pang magbigay ng tiwala.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon