Kabanata XXVII

116 6 8
                                    

Yehey! First semester is done! Vacation na. Mukhang marami-rami maaupdate natin. Happy vacation, everyone! I almost forgot, this is different from the first book. The first one mostly consists of Carrie's point of view. Dito kasi, masyadong maraming ganap, maispoil pa ni Shaya. Kaya, ayun! Hehe. Enjoy reading.

_____________________

Shaya's POV:

"Naks, lupit ng pormahan natin ngayon ah." Puri ko sa suot niya. A goofy smile made its way to his lips. I tried to shrug the fast pace of my heartbeat. Kaya mo to, Shaya.

"Hmm. I changed into my casual clothes since your brothers misunderstood me yesterday." Nilagay ko ang hintuturo ko sa ilong ko.

"The bleeding is the nose. Ang aga aga!" he only chuckled. He's wearing a round neck adidas shirt, the logo was located at the right part of the shirt with white stripes on its sleeves, pairing it with gray cargo shorts and black flipflops. Nagtaka naman ako nang bigla niya akong pinaningkitan ng mata.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Lumunok ako ng isa, dahil bahagya pa akong kinabahan sa ginawa niya. Kalma lang tayo, Shaya. Wag magpapanic.

"You look..." Naghihintay ako ng sagot niya habang nagkukunwaring tinitignan ang damit ko ngayon. Naka krema de letse... joke.

I'm wearing a cream colored sleeveless and maong shorts. Tapos nilugay ko ang buhok ko. Maayos naman ah? Ito na nga ata pinakamaayos na damit. Kainis naman.

"...blooming" he finished off with his eye smile. I slightly pout to prevent myself from smiling. I feel my cheeks blushing. Tumungo ako para hindi niya iyon makita. I blew a loud breath to calm myself.

"A-ano ba! Siopao ka ba?" Sigaw ko sa kaniya na ikinagitla naman niya.

"Ikaw yon." sabi niya. Anong ako yon?

"Ha? Anong ako? Ikaw nga sinasabihan—- hindi kasi yung pisngi ko!" Tumawa lamang siya. Bwisit, hindi ko tuloy nasabi yung biro ko.

"Why?" he said, still laughing.

"Kasi ang hilig mong mambola! Bola-bola!" tawa ko. He then, stopped laughing and gave me a serious face.

"That wasn't funny." I gave him a glare but he just gave me a smirk as the breeze flew his curls. Halos mawalan ako ng hininga sa ginawa niyang iyon. Kailangan ko na ata talaga magpatingin sa cardiologist.

"Woi. Maglalandian nalang ba kayo diyang dalawa?" sulpot ni Kuya Reschian. Panibagong mula nanaman ang pisngi ko.

"Kuya! Anong landian ka diyan!" irita kong sabi. Samantalang si Devin ay nagngingiti ngiti lang.

"Aga-aga niyo magtitigan. Tara na muna magkape. Oy, foreynjer, nainom ka ba ng 3 in 1?" tanong ni Kuya.

"3 in 1? Nescafe?" sabi niya.

"Basta kape na nakapack." matipid na sagot ni Kuya. Tumango naman si Devin.

"Ah akala ko istarbaks lang iniinom mo." Biglang tumawa si Devin na ikinagulat namin ni Kuya.

"Wag katitigan. Matutunaw." Napalingon agad ako kay Kuya at tinaasan siya ng kilay. Ano ba kasi, Shaya! Bakit mo ba kanina pa tinititigan?

"Bakit ka natawa foreynjer? Di naman ako nagjoke ah?" Kuya's frown became wider.

"Sabi mo wag ako mangistereotype. Tapos ngayon..."

"Hoy, eh sa yon lagi kong nakikita sa facebook ko. Pag mga artista, nakikita ko yung lagayan nila ng kape, kulay green na parang may star tapos di ko ba alam kung mermaid o shokoy na babae yon." Sunod sunod na sabi ni Kuya.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon