At nabuhay akong muli... Hi Ruffles! How have you been? Sobrang busy na sa school at kadalasang tinatamad ako magupdate pero kadalasan ring hindi ko alam kung paano ko uumpisahan at itutuloy ulit ang mga nasimulan ko. Anyway, I hope you enjoy this short update. Mahal ko kayo!
________________________________________
"Uyy, salamat sa paghatid, Sir Devin! Magiingat kayo ha! Baka marape ka sa daan! Sa gwapo mong iyan, kahit sinong dalagita ay magkakasala. Hehehe." tugon ni Nenita kay Devin na ngayo'y kinakamot ang kaniyang ulo. He faced my direction as I averted my gaze from him.
"Shaya.." he called out. Unti-unti akong lumingon sa kaniya, tila nagtataka kung bakit pa ako tinawag.
"Hmm?"
"Aalis nako." tugon niya. Napakurap- kurap ako at tumango.
"Ingat kayo ni Kuya Ernesto." ngiti ko at tinanguan niya rin naman ako. Binigyan ko ng saludo si Kuya Ernesto nang bumusina ito sa terrace nila Nenita.
"Uhm, sige pasok na ko Shaya, mukhang may sasabihin pa ata si Sir Devin sayo hehehe.." dali-daling pumasok si Nenita at naiwan na kaming dalawa.
"Ano sasabihin mo?" diretso kong tanong. Pumungay ang kaniyang mga mata kaya naman binaling ko ang aking tingin sa aking mga daliri at kunwari kinutkot ang mga ito.
"Are you available tomorrow?" Nag-isip ako ng gagawin bukas, wala naman pero baka kasi kulitin na naman ako nito at magtanong ng kung ano-ano...
"Hindi ko pa alam. May ipapaggawa sa akin sila Kuya." tugon ko.
"Iimbitahan sana kita sumama sa akin sa orphanage." mahina niyang sabi. Ano naman na sumapi dito at biglang may paghina ang boses?
"Ano ba gagawin don?"
"I'll be visiting the state of the orphanage and the children--"
"Sasama ako!!" sigaw ko at may pagtaas pa ng aking kanang kamay na akala mo ay sasagot sa guro. I heard him chuckled.
"Akala ko ba, may ipapaggawa ang mga kuya mo?" tugon niya habang nakangisi.
"E-eh.. Wala, joke lang iyon. Hehe." I said, giving him a peace sign. He pinched my right cheek as he messed my hair. Bumuga naman ako ng marahas na hininga sa kaniyang ginawa.
"OY! Tsansing ka ah!" sigaw ko sakaniya habang pinandidilatan siya ng mga mata. Ngumuso lamang siya.
"Hindi ahh." tugon niya nang may ngiti sa labi. Ayan nanaman ang ngiting iyan, susmiyo ginoo!
"Umuwi ka na. Gabi na oh." tugon ko sakaniya.
"Have a goodnight, Raine." Tipid ko siyang nginitian at tinitigan ang papaalis na puting van. Nang makapasok ako sa loob ay agad kumlabog ang pintuan. What the--
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomanceSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?