Kabanata XXVIII

119 8 14
                                    

Nenita's POV:

This is it, pancit. Napakagandang opportunity nito para sa akin para ipahayag ko sa buong mundo ang kagandahan ko. Pero syempre, atrabida nanaman itong si Shaya. Ke aga aga, nakasimangot na ang lolabells niyo. Hinigit pa ang sinakluban ng langit at lupa. Ay apo!

Tiningnan ko siya ulit at bumuntong- hininga nanaman. Tatanda ako nang de oras sa kaibigan kong to, naiistress rin ako sa mga pinaggagawa niya sa buhay. Katabi niya si Rubilyn na kanina ko pa rin tinatarayan, pero wala atang pakialam si Shaya sa kaniya ngayon dahil ni hindi man lang pansin na katabi niya ang malaking ahas.

"Uy, Shaya." sundot ko sa kaniyang tagiliran. Inangat niya ang tingin sa akin.

"Bakit?" sabi niya sa mahinang boses. Naku! Anong nangyari sa kaibigan ko? Sinapian na ba ito ng masamang espirito? Huwag naman sana, napakagandang nilalang, magiging engkanto lang. Hay.

"Kanina ka pa tahimik, may problema ba?" tanong ko sakaniya.Nag-abang ako ng sagot pero buntong hininga nanaman ang natanggap kong tugon.

"Rubilyn, bakit ka nandito?" mataray kong tanong kay Rubilyn. Nagulat siya sa inasal ko. In your face! Kahit hindi ako yung niloko, hindi ako papayag na gaganituhin tong bestyfrenny ko no!

"A-ah...Dito kasi ako nakaassign ngayon--"

"Alam ko naman iyon no? Ang ibig kong sabihin, bakit ka nakikipag tsismisan dito? Doon ka sa kabilang dulo. Malaki ang space o." turo ko sa kabilang side ng lounge na wala namang katao-tao. Halata naman sa mukha niya ang pagkadismaya.

"P-pero.." Tinigil ko ang sasabihin niya nang minuwestra ko ang kamay ko na pinagtatabuyan siya.

"Matuto ka namang rumespeto Rubilyn. Alam mo namang sigurong hindi ko gustong makita ka, umaakto ka pa na parang walang nangyari. If you cannot respect me as your friend... ex-friend, at least respect my feelings as a person." tugon ni Shaya habang nakatingin sa cellphone niya. Hala nako! Nag-English na ang lola niyo! Baka duguin ako! Wala pa man din akong napkin dito. Tamang pantapal lang sa ilong, ganoon.

Narinig ko ang paghikbi ni Rubilyn. Inirapan ko lang siya at minuwestra ang kamay ko. "Shoo!" sabi ko pa. Babaeng to! Siya pa may ganang umiyak, eh siya naman ang nangahas. Ang sakit sa ulo!

"Takte!" Nagulantang ako nang sumigaw si Shaya. Sinigaw niya iyon habang nakatingin sa cellphone niya. Naku, hindi pa rin ata to makamove on kay Emmanuel. Mukhang naghihintay pa ng text galing sa kaniya.

"Girl, di ka mahal non. Wag ka ng maghintay, masasayang lang oras mo." Bumagsak naman ang balikat niya na ikinagulat ko. Nako! Inlove pa rin talaga ang lola niyo roon. Kung tutuusin, mas pogi pa ang mga kuya niya kaysa sa ex-boyfriend niya, syempre lalo na ang babylabs ko. Napakurap-kurap pa itong si Shaya bago nakuha ang sinabi ko.

"A-alam ko naman." nanlulumo niyang sabi. Tinapik ko ang balikat niya.

"Makakamove on ka rin, girl. Tiwala lang sa poong maykapal, ganern." sabi ko. Tumawa siya nang mahina pero hindi pa ata nakakatagal ng limang segundo ang tawa niya ay biglang nagbago ang hitsura niya, para bang nakakita ng multo.

Sinundan ko ang tingin niya at namangha sa nakita ko. Si Prince Charming at.... sino yon?

_____

Shaya's POV:

Nakakainis. Nakakapanlumo. Ewan. Siguro, guni-guni ko lang to. Tama. Masyado lang akong nasanay na nasa tabi ko si Tarzan, kaya ako ganito. Siguro ngayon lang umepekto yung sinasabi nilang 'starstruck' sa akin, kaya ganito. Titig na titig ako sa kasama niya ngayong kakalabas lang ng van. Just like the first time we met, inilahad niya ang kamay niya sa babaeng nasa back seat.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon