Devonne's POV:
Hindi na ako bago sa RiaDeVigo. Dahil dito ako lumaki, alam kong may karatig na pulo ang Bolinao. Pero, hindi pa ako nakakatapak dito. Carrie was always the one to visit the orphanage, at kung magkikita man kami at magkakasama, sa bahay siya pumupunta.
I'm already here in Santiago Island where RiaDeVigo is located. Ilang tao na rin ang napagtanungan ko. Nag puting pantalon pa man din ako, bad idea. Pinagpag ko ang aking puwitan at bandang hita , pilit na tinatanggal ang mantsa na galing sa maalikabok na daan.
"Ahm. Excuse me po, angkay. Saan po dito ang bahay ng mga Fuentebella?" tanong ko kay Ateng nagbebenta ng halo-halo. Tinuro niya ang papasok.
"May tricycle po bang pwedeng marentahan papunta?"
"Wen, kaso lang may pagkamahal ang bayad, bato-bato rin kasi ang daan papasok sa kanila. Pwede namang lakarin."
"Naku, ayos lang po." sagot ko. Baka kung saan pa ako mapunta. Tinuro naman sa akin ni Ate ang sakayan. Buti nalang talaga, mababait ang mga tao dito. May pagkatsismosa nga lang, hehe. Mukha kasing ngayon lang sila nakakita ng tao kung makatingin sa kin magmula kanina pa.
"Salamat po." I gave her a hundred bill na ikinagulat naman niya.
"Naku, wag na. Maliit lang naman na bagay—"
"Tanggapin niyo na po, pandagdag na rin po sa benta ninyo." Malaking ngiti ang ginawad ko sa kaniya.
"Alam niyo po ba ang bahay ng mga Fuentebella?"
"Ah iyong magkakapatid? Oo."
Sumampa ako sa backride ng tricycle at nagbigay na ng bayad. I smiled, thinking how this day would turn out._____
Shaya's POV:"Tapos eto naman, kilawing pusit." I described every single dish that is on the table. Akala ko pa naman ay magiging mapayapa na ang araw ko dahil aalis na si Devin kaninang umaga.
Pero, nagkamali ako. Devonne personally went here at muntik pa siyang maligaw kanina.
"I never ate raw, is this safe?" tanong ni Devin sa akin, habang inoobserbahan ang ulam. Dahil bwisit pa ako sa pambabadtrip nila sa akin, magsusungit muna ako, kunwari.
"Tss, oo naman." Pinaningkitan niya ang mga mata at lumapit para tignan pa ito nang malapitan.
"Vin, you're embarassing." Devonne whispered. Bulong na rinig ko, onaman, yes. Superpowers ko ang pagiging tsismosa, kumuha ako ng sorcery training kay Nenita noon, at ngayon mukhang namaster ko na ang ability na 'to.
"I'm just checking, baka ma food poison tayong lahat rito. Hospital's too far."
"Hindi nakamamatay yan, Tarzan. Wag ka magalala. Sabihin ko naman kung mamamatay ka na.... kapag naghihingalo ka na." I stated. Siniko ako ni Kuya Reynan pero inismiran ko lang siya, samantalan si Kuya Reschian, as usual, tawang tawa.
"That's fine, I guess. You're the last person I'll see before I die." he said as he winked at me. Napaubo ako nang de oras sa sinabi niya. Sumipol si Kuya Reschian habang nakatingin lamang si Kuya Reynan, inaabang ang reaksyon ko, pero nagpipigil rin naman ng tawa. Meanwhile, Devonne...
"Anong nakain mo? Bakit ganiyan ka magsalita, ha?" she said, wearing an evil smirk. He just scoffed at his sister.
"Nothing." sabi niya, habang ang kaniyang mga asul na mata ay nakatingin pa rin sa akin. Nagpanggap akong napuwing para hindi ko masalubong ang mga tingin niya.
"Aray! Takte! Napuwing ako!" sabay kusot ko sa aking mata. Ngunit, mali atang palusot yon dahil bigla siyang lumapit at kinuha ang palad kong pinangkusot ko ng mata at nilapit pa ang kaniyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/196275741-288-k879474.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
RomanceSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?