Kabanata IV

186 14 23
                                    

Kumukurap kurap ako sa pagkaing nakalagay sa harap ko ngayon. He kept his word, ginamit niya nga talaga ang pagiging malapit na kaibigan ng may-ari ng resort. At hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag.

"Eat, Shaya." sabi niya sa akin habang nilalagyan ng samu't-saring pagkain ang plato ko samantalang ako'y hindi pa rin makapaniwala sa mga nakita ko.

Paano ba naman kasi? Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako ialis sa trabaho ko ngayon para lang samahan siya dito sa resort.

Kakabukas lang ng resort at marami na agad akong nakikitang lumalangoy sa pool. Syempre, bakasyon na tapos linggo pa. I was in the middle of talking to Nenita when I saw the blue eyed guy talking to Miss Cleo.

Nakita kong papalapit ang dalawang naguusap sa aming direksyon kung kaya't naghahanap ako ng maaaring gawin.

"Miss Fuentebella." tawag sakin ni Mam Cleo. Agad akong naalarma at tumungo sa kaniyang harap.

"Po?" tugon ko.

"Huwag ka munang dumuty dito sa lobby. Samahan mo muna si Sir Devin."

"P-po? B-bakit po ako? Diba po mayroon naman pong assigned para sa tour servi—" Natigil ang pagsasalita ko nang pandilatan ako ng mga mata ni Mam Cleo.

"Masusunod po." Tinanguan lang ako ni Mam Cleo at umalis na. Ewan ko ba kung bakit ganoon yon, sabi sabi raw kasi, matandang dalaga iyon kaya laging mainit ang ulo.

"Good morning." the blue eyed guy gave me a smile. Napansin ko lang, pati yung mata niya nangiti tuwing ngumingiti siya. Bakit kaya ako hindi? I gave him a nod but knowing my friend right here....

"Magandang umaga, prince charming!" she cheerfully said as she winked at me.

"Hi.... Nenita?" he glanced at her name tag as he called her.

"Ang ganda noong movie ninyo ni Chelsea! Sobrang kilig!" she complimented as I saw how he scratched his head.

"Thank you. I'm glad that you loved the movie." He now glanced at me.

"Are we going now?" tanong niya sa akin.

"Diba dapat ako ang nagtatanong non?" i replied. Kita kay Nenita ang gulat sa mata dahil sa tono ng aking pananalita. He bit his lower lip.

"You can take your time. Hindi ka na ba busy?" kinurot ako ni Nenita sa tagiliran at halatang nagpipigil ng tili. Hindi naman kita iyon ng kaharap ko dahil tinatakpan ito ng lobby desk.

"Hindi! Hindi siya busy! Masyado lang iyang nagaalala sa akin dahil wala akong kasama! Pero ayos lang ako dito, Shaya!" Pinandilatan niya ako ng mga mata habang tinutulak tulak pa ako palabas.

"Ayaw mo ba ng pagkain? Do you want me to order other—"

"Hindi hindi! Ayos na to!" pigil ko sa kaniya. Knowing that I'm an employee here, alam kong may kamahalan ang mga pagkain dito. Tumango siya at nagpatuloy kumain.

I awkwardly reached for my spoon and tried the mushroom soup. Tangina, Shaya. Pilitin mong huwag maging patay gutom, mahiya ka.

"Is the soup okay?" Tanong niya sa akin. Mabagal akong tumango at ginawaran nanaman niya ako ng ngiti.

"Bakit nga pala ako ang kinuha mong tour guide?" Alam kong bobong tanong yon, pero meron naman kasing staff para doon e.
May mga tour services rin kasi rito katulad ng pagikot sa buong bayan. Marami kasing tourist spots katulad ng Patar Beach at Bolinao Falls 1,2 and 3.

Two Ghosts (Summer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon