The deafening silence treated me like a cup of coffee in a drowsy suburb... awakening the thoughts that I know in one snap, will consume my precarious mind. On the other hand, I guess it was better this way, I can have violent thoughts and no one will even notice it. I won't be disappointed if they would care or not. I won't be hurt if they misinterpret and pointed out this overthinking of mine as a waggish or frivolous action.
"Taray oh...may pa senti ang lola niyo!" I smiled as I heard that voice. I glanced at the back and saw Nenita standing near the flower beds, both hands are behind her back while wearing the white tight dress that I've bought for her. Tumabi siya sa kinauupuan ko saka ako inakbayan.
"Ang chaka chaka ng kapatid mo, no?" sabi niya sabay nguso. Inangat niya ang kamay at saka pinaglaruan ang dulo ng aking buhok. Tumungo ako bilang sagot, I don't think I have the energy to even reply.
"I'm sorry for her behavior. Spoiled siya kasi..." I replied, my head still bowed down, afraid that she might notice the uncertainty in my eyes. Natigilan siya sa ginagawa at inilagay ang kamay sa ibabaw ng aking palad, maging ako ay napaangat ng tingin. I stiffened in my seat when I saw the tears fell from her eyes.
"U-uy, b-bakit ka naiyak?" tanong ko sa kaniya, pero nakanguso pa rin siya habang umiiling.
"Bakit kasi.... ang bait mo masyado?" Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. She chuckled as she wiped her tears.
"Wala pa ring nagbago, ikaw pa rin yung Shaya na nakilala ko. Hindi marunong manampal, hindi marunong manakit ng kapwa at higit sa lahat hindi marunong umimik pabalik." I bit my lower lip and played with my fingertips.
"Naalala mo ba yon, yung ako gigil na gigil na kay Rubilyn dahil kay Emmanuel? Pero ikaw, ayon, tamang kalma lang, tapos humirit pa si Emmanuel non! Tapos to the rescue si Devin-----basta ayon! Naalala mo ba? Hehe." Napatingin ako sa kawalan nang banggitin niya iyon saka mapait na ngumiti.
"Everything changed, Nenita. He did not save me this time." I said, with a sigh. Tinapik niya ang balikat ko at saka humilig sa akin.
"Ako na ang hihilig sa'yo, tutal ayaw mo naman ata, ngayon ka umiyak. Para kunwari ako yung naiyak, dali na. Walang makakakita, tayo lang."
"B-bakit naman ako iiyak?" I replied, with a trembling voice. Tinanggal niya ang pagkakahilig sa akin at malungkot na nginitian.
"Bakit ka nga ba iiyak?" she retorted. Nakipaglaban ako ng titig sa kaniya at nauwi iyon sa buntong hininga.
"Alam ko namang hindi mo sasabihin.... Ang hirap lang kasi Shaya, ilang araw nalang, aalis na ako, nung una ang gusto ko lang malaman kung bakit.... kayo nawala nalang ng bigla? Pero, ngayon, ayokong nakikita ka na dehado. Bakit hindi mo man lang maipagtanggol ang sarili mo? Gusto kitang ipaglaban sa mga sinasabi sayo ng hipokrita na iyon, pero ano nga ba ang alam ko?" Her eyes were now reflecting a depth of pain. Tumango-tango siya at saka tumayo.
"Kailangan mo talaga siguro mapag-isa. Kausapin mo nalang ako kapag ayos ka na." malamig niyang tugon at nagsimula nang umalis. I took a deep breath before calling her.
"I'll tell you." I said, enough for her to hear. Tipid ko siyang nginitian.
"Doon tayo maupo, ayos lang naman sigurong madumihan nang kaunti tong bistidang 'to, diba?" Humahalakhak ako at sumunod sa kaniya. Sa damo kami umupo at nagindian seat, nakakrus na ang kaniyang balikat, tila naghihintay na sa aking sasabihin.
"Handa na ako makinig." Tiningala ko ang mga tala at saka inalala ang lahat.
"Shaya, meet Senor Matias." Naguluhan ako sa pagkakahawak ng reyna sa isang estranghero. Agad akong umiling at sinigawan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/196275741-288-k879474.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Ghosts (Summer Series #2)
Lãng mạnSummer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he met Shaya Raine Fuentebella, a country girl who doesn't even know his existence. What could happen?